It's Never Too Late (Regine Apan Agra & Cho Hernandez Fanfic)

1.1K 18 15
  • Dedicated kay @ChoHernandez_
                                    

It’s Never Too Late (Apan Agra & Cho Hernandez Fanfic)

 By kailenshin xx

Ang lahat ng inyong mababasa mula sa puntong ito ay pawang fiction lamang o walang katotohanan at bunga lamang ng imahinasyon ng manunulat. Ito ay isang tribute para sa mga fans ng loveteam nina Regine “Apan” Agra at Cho Hernandez III. :) Nirerespeto po namin ang pananaw at mga paniniwala ng mga taong nabanggit. Ito po ay FANFICTION lamang.  Walang masamang intensiyon ang gustong ipahiwatig ng kuwentong ito, ito ay pag-iidolo lamang sa samahan ng Team PanCho. :)

“Malapit na pala birthday mo Cho no?” sabay tawa ng kabarkadang lalaki ni Cho. Kumagat si Cho sa hawak niyang tinapay at tumango sa kausap. Ngumisi lang ito habang nginunguya ang pagkain niya.

“Libre naman dyan pre!” sabay akbay ng lalaki kay Cho. Nasamid naman si Cho ng kaunti, kaya lumunok muna ito at natawa.

“Ako na nga may birthday ako pa manlilibre? Haha dapat kayo. Ipagluto nyo ko!” At nagtawanan sila.

“Naks, sikat ka na talaga ngayon Cho no!! Dami mong fans!!” sabi ng isang babaeng nagngangalang Anna na nakasalubong nila. Pinakita nito ang hawak-hawak na cellphone at tumingin naman sila.

“Ano ba yan?” tanong ni Cho.

“Dami mo nang likes sa facebook oh, dami mo na ring followers sa twitter at IG!” sagot ni Anna habang pinipindot pindot ang screen ng kanyang cellphone.

“Aba, backup ka lang ni Agra, ngayon artista ka na!” panggagatong ni Mark, ang kanina niya pang kasama.

“Artista talaga? Agad agad? Haha, mga baliw!” natatawa naming sagot ni Cho.

“Naks. Ikaw na talaga Elpidio! Pa autograph naman oh! Hahaha!” dagdag pa ni Anna.

“Hoy! Wag kang magulo! Haha kaasar!!!” sabay hila ni Cho kay Anna at ginulo nito ang buhok ng babae.

“Hoy! Sinisira mo hair ko!”

“Uy! Wait there’s more!” singit ni Mark. Natigil sa pagkukulitan sina Anna at Cho at tinitigan ang cellphone na hawak ni Mark. “Ano to?”

“Ano ba yan?” nakikisilip ang dalawa.

“Team PanCho daw!” sagot ni Mark.

“Anong team PanCho?” tanong ni Anna.

Nahihiyang natawa si Cho sa mga kaibigan at naglakad palayo.

“Hoy! San ka pupunta? Pakiexplain ng PanCho! Ano yun tinapay? Haha” sigaw ni Mark.

“Uy! Apan at Cho! Hahaha Sikat na talaga si Cho!” sabi ni Anna at nag apir ang dalawa.

Napabuntong hininga naman si Cho. Namumula ang kanyang mga pisngi. “Mga baliw!”

Derederechong naglakad si Cho papunta sa classroom niya. Lunchbreak pa naman kaya walang tao sa classroom. Nasa third floor rin sila kaya kakaunti lang ang mga estudyanteng naroon. Pumasok siya at pumunta sa pinakasulok na upuan na malapit sa bintana.

Napabuntong-hininga ang binata at nilagay ang kaliwang kamay sa ilalim ng kanyang panga. Tumingin siya sa labas at pinanuod ang mga babaeng nagbabasketball sa open court sa baba.

Nakita niya sina Apet , Ybur at iba pang mga varsity na nagpapraktis. Nilibot nya pa ang kanyang mga mata. Tinignan niya sa mga bench players kung nandoon ang hinahanap niya. Tinignan niya rin sa magkabilang dulo kung ito’y nanunuod o di kaya’y nakatayo lamang. Alam niyang sa mga oras na ito ay wala iyong pasok at kalimita’y nasa training. Araw-araw nitong inaabangan ang taong kanyang matagal nang nagugustuhan, pero ngayong araw, wala ang taong hinahanap niya.

Binuksan niya ang cellphone niya at naglog in sa kanyang facebook account. Sumasabog ang notifications niya sa dami ng likes, comments, friend requests at messages sa kanya. Ngunit di nya ito pinansin. Nakita na lamang niya sa news feed niyang nakatag siya sa isang post ng isang page na may titulong “Team Pancho”. Ito’y picture nila ni Apan nung sila ay nasa waiting area ng ABS.

Napangiti na lamang ang binata nang maalala ang experience niyang iyon. Nagback up dancer siya sa matagal na niyang crush.

Oo. Crush niya si Apan.

Kahit na mas matanda si Apan sa kanya ng dalawang taon ay nagging close pa rin sila, dahil iisang department lang sila sa college at pareho ang kanilang course. Graduate na nga si Apan, nagmamasteral nalang. Minsan ay feeling ni Cho ay suwerte talaga siya, dahil nagextend pa si  Apan ng kanyang stay sa CEU. Masaya siya dahil lagi pa niya itong nakikita, at natatanaw niya pa lagi ito sa tuwing nagpapraktis ito sa basketball.

Ang tanging hadlang lang sa munting romansa ni Cho ay ang kadahilanang, hindi na lalaki ang gusto ni Apan, kundi babae. Datirati ay nakikita pa niyang babae ang hitsura, ang istilo ng pananamit at ang galaw ni Apan, ngunit ngayon ay parang mas gwapo pa ito sa kanya. Naroon pa rin paminsan-minsan ang harot ng babae sa galaw ni Apan, pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Crush niya pa rin ito kahit nagging T-boom na ito.

Maganda si Apan. O sige gwapo, pero para kay Cho ay maganda pa rin ito. Malalim ang dimples at maputi ang balat. Maganda ang ngiti, mabait, at matalino pa. Magaling rin itong makisama, pero ubod naman ito ng tamad. Dito sa mga ugaling ito ay naaaliw si Cho. Kaya sila nagkasundo at nagging magkabarkada dahil kwela si Apan.

Naalala rin niya ang mga praktis nila para sa talent portion ni Apan dati. Sa kakaunting mga beses na nagkakahawak sila ay parang nakukuryente si Cho. Bumibilis ang takbo ng kanyang puso at minsan ay iniiwas niya nalang ang tingin kay Apan, lalo na pag nahuhuli nitong nakatingin ito sa kanya.

Dahil pinili ni Apan ang kanyang naturang ‘preference’ sa kanyang sekswalidad ay nirespeto ito ni Cho, at nanatili itong tahimik. Ayaw niyang maguluhan pa si Apan. Sino ba siya para magustuhan rin ni Apan? May itsura nga siya pero mas bata naman ito sa kanya. Isa lang naman siyang kaibigan nito. Ayaw ring itaya ni Cho ang kanilang pagkakaibigan para sa kanyang nararamdaman.

Napangiti si Cho ng maalala nya ang ginawa nilang talent ni Apan sa grand finals ng contest. Ilang beses niyang nahawakan ng malapitan at nayakap si Apan, at hindi lamang sa live kundi rin sa mga praktis sessions nila. Hindi maiwasan ni Cho na mapangiti at maramdaman ang malapit na katawan ng dalaga sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinahalata at pilit tinago ang nararamdaman.

At bumalik siya sa kasalukuyan. Tumingin siya ulit sa labas ng bintana at nakitang nagpapahinga na ang mga varsity. Umiinom ang mga ito ng tubig at nagpupunas ng pawis. Hindi niya pa rin mahanap si Apan. Binaling niya naman ang atensyon niya sa cellphone niya at nagtype:

To: Baby Apan

San ka? =)

Hindi alam ni Apan na ganyan ang pangalan niya sa cellphone ni Cho. Kailanman ay hindi ito pinapahiram ni Cho kahit kanino.

Maya-maya ay may narinig siyang ‘beep’ ng cellphone. Napatingin siya sa unahan. May nakita siyang mga paa. Nagulat ito dahil parang pamilyar sa kanya ang mga sapatos na iyon. Tumayo si Cho at naglakad papalapit doon.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

May taong natutulog dun, at si Apan yun.

Bumilis ang tibok ng puso ni Cho at naramdaman niya ang sarili niyang ilang beses napalunok. 

Nakasuot ito ng jersey uniform nila sa varsity at nakataas ang isang braso niya, kita ang puting-putting kilikili nito. Bahagya itong naka nganga at tulog na tulog na nakapikit ang mga mata. Mabagal ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib na simbolo ng mahimbing na tulog. Umiilaw ang cellphone nito na malapit sa bandang ulo niya at may nakabukas na notebook at bolpen sa tabi ng katawan niya. Nilapitan pa ito ni Cho at sinilip ang nakasulat sa notebook.

Sa sulat-kamay ni Apan ay nabasa niya ang nakalagay:

Facebook.com/teampancho

Cho and apan... it’s never too late... =) -AA

---


:) 

Team Pancho page on external link! Apan Agra is love <3

It's Never Too Late (Regine Apan Agra & Cho Hernandez Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon