chapter 4

17 0 0
                                    

Chapter 4

Naiinis ako!! Sobra!! Bigla akong nabadtrip dahil sa physics nayan.. Lanyang Senjo! Wala naman na akong magagawa eh, "I don't take no as an answer.". Ano ba yan, tanungin ko na nga lang yung ugok na yun kung sino yung tutor nya ng may maisagot ako sa interschool watever na yan.

Nung pabalik na ako sa classroom nakita ko si Senjo na naka-upo lang sa may bench.

Tinawag ko sya pero di sya lumingon. Kaya nilapitan ko.

"Hoy!! Hindi ka ba papasok?" tanong ko.

"Wag na oy." Ganito ba talaga sya?

"May klase pa tayo nu ka ba?"

"Wala si Sir, tapos may meeting rin mga teachers maya-maya kaya nag mamadali si Jasmin kanina." ayos rin to ah, updated. Hahahah.. Yes!! maaga akong makakauwi! :D Ahy, teka, tanungin ko sya kung sinong tutor nya.

"Walanjo ka! Tinuruan mo pa ako kanina may mutibo ka pala." sabi ko sabay hampas sa braso nya. Pero nakatulala lang sya.

"Physics contest ba? Kaya mo yan." sabi nya. Parang ang weird ng lalaking to, mood swings? DAti kasi nang-aasar lang to na parang ewan eh. Tapos ngayon nakatulala..

"Sino tutor mo?" tanong ko naman.

"Wala, anong date ngayon?"

"18 bakit ba?"

"October?"

"Malamang."

Napa 'aaah' nalang sya teka, ano bang nangyayari sa lalaking to?

"Gusto mo mag-ice cream?"

"Huh?" tinatanong ba nya ako kung gusto kong kumain ng ice cream?.

"Bakit? Lilibre mo ko?" hahaha!!

"Ouh, treat ko." Naweweirdohan na ako sa ugali ng lalaking to ah, siga na playboy na mahangin na madalas mang-asar to eh, pero ngayon, galante, tulala at tahimik. May problema ata to.

"Wala namang ice cream dito eh."

"Sa labas nalang tayo."

"Pano? Eh, mamaya ba labasan. Close pa yung gate."

"Talon sa pader." Ano raww? Talon sa pader?

Nasa harapan na kami ng mataas na pader ngayon. Na-uh.. No effin way I'm climbing slash jumping down that wall. Bakit ba ako sumama sa lalaking to?

"You don't expect me to jump off, right?"

Tumingin lang sya sakin, "Pano ka lalabas kung hindi ka tatalon?"

May made stairs sa gilid kaya mas madali akyatin. Nauna na sya sakin so nasa kabila na sya ako naman nakapatong pa sa wall.

"Sige na, talon na, sasaluhin kita."

"Heee, pano kung ihulog mo ko? ayoko pang mamatay!"

"Patay agad? Sige na bilis na."

Palibhasa kasi may motibo tong lalaking to, pano kung niloloko lang ako nito? Tapos mahuhulog ako? Mababali ang leeg? Mamatay? huhuhuhuh....

"Ayoko nga, pinagloloko mo lang ako babalik nalang ako sa kabila."

Humakbang na ako pabalik pero bigla akong na-out of balance at nahulog papunta sa direction nya. Masyadong mabilis ang lahat. At ang alam ko lang ahy nakapatong na ako kay Senjo in an awkward position na sya nasa baba ako naman nakapatong sa taas nya. Pero, ambango nya hihihihi..

"Ouch." he said.

"S-sorry." agad akong tumayo, tapos tinulungan ko na rin syang tumayo. Tapos, bigla syang tumawa.

He is my sister's ex-boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon