HOY!! II

148 29 10
                                    

*

*

*

*

*

*

*

*..

MAYA'S POV

napatigil kami ni el sa paglalakad ng makita  at napagtanto ang lalaking nakapamulsang nakatayo paharap sa amin ngayon. mga ilang hakbang lang ang layo niya mula sa kinatatayuan namin.

kumurap ako ng paulit-ulit. baka kasi namamalik-mata lang ako. pero.. siya talaga! kailan pa siya napadpad sa lugar na'to?

dun na'ko napaniwala na siya talaga, nang makita ko ang kanyang maaliwalas na ngiti. hindi kona namalayang nakanga-nga na pala ako. mukha na kaming tuod sa kinatatayuan, hindi tuloy maiwasan ng mga nagdaraang estudyante ang tingnan kami mula ulo hanggang paa dahil sa itsura namin.

tiningnan ko si el,  walang expression nababakas sa mukha niya. palipat-lipat ako ng tingin sa kanila na ngayon ay nagkatitigan na. humakbang siya palapit sa'min.

"heso, pa'no nayan..?" nanginginig na bulong ko kay el.

"tss.., pabayaan mo siya. hindi tayo ang pinunta niyan."

d0_0b

"pe-pero pa'no ang disguised natin?.." kumapit ako sa braso ni el nang makitang nasa unahan na namin siya. tumawa siya ng nakakaloko at mapang-asar.

"hey? long time no see ah?" sabi niya.napabitiw ako kay el ng bigla niyang yakapin si el. "na-miss kita, hindi ka pa ba uuwi?" dinig kong usal niya pa.

kumalas siya sa pagkakayakap kay el at bumaling sa'kin. naramdaman kong lumuwag ang mga mata ko ng bigla niya kong niyakap.

"how are you suie? thanks for being with her.." sabi niya pa sa'kin na halata ang lungkot sa kanyang boses.

pakiramdam ko bumalik ang dating kiliting bumabalot sa katawan ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko ang lalaking 'to. kumalas ako sa pagkakayakap at sinuri ang itsura niya. grabe! ang laki rin ng pinagbago niya, kaya ko siya hindi nakilala agad-agad. mas lalong gumwapo at mas naging  lalaking-lalaki ang dating. tsk! kung hindi lang bata ang turing sa'kin nito, noon ko pa'to sinunggaban. hahaha joke! minsan lang lumandi eh.'

"i-ikaw ba talaga yan zoey? hehehe taray natin ngayon ah!.." usisa ko sa kanya habang sinusuri ko parin siya mula ulo hanggang paa.

"actually, kararating ko lang kahapon galing dubai. may pinuntahan lang ako dito at hindi ko inaasahan na magkikita tayo ." zoey.

"tss..." sabay kami napatingin kay el. "huwag kana ulit lalapit sa'min sa susunod na magkita tayo." pagkasabi 'nun saka siya naglakad at naiwan kami ni zoey. nakita ko kung pa'no nangunot ang noo niya at ang lungkot sa kanyang mga mata habang hinahabol ng tingin si el.

ngumiti ako at nagkibit ng balikat ng bumaling si zoey sa'kin. ngumiti naman siya ng pilit.

"ikaw nang bahala sa kanya, mag-ingat kayo." zoey.

tinapik ko siya sa balikat. "sige, pasensya kana ha'. mauuna na'ko. ingat ka rin." tinanguan niya nalang ako at tulad ng dati ginulo niya ang buhok ko.

lumakad na'ko at hinabol si el. ang layo niya na pala. lakad-takbo na ang ginawa ko pero mukhang hindi kona maabutan dahil nasa tapat na siya ng room para sa next subject namin.

ang haba pa kasi ng lalakarin ko. nagmamadali na'kong lumakad-takbo at...

wuush! blagg! "aray..!" mangiyak-ngiyak ako sa sakit ng ma-slide ako at paupo na natumba sa sementadong sahig. ang sakit ng pang-upo ko!!. namimilipit man sa sakit pinilit ko paring makatayo. pinagtatawan na naman ako ng mga dumadaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. hambog meets Ms. weirdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon