18th bite - Don't let me go

5.3K 134 3
                                    

''NO MATTER HOW MUCH SUFFERING YOU WENT THROUGH, YOU NEVER WANTED TO LET GO OF THOSE MEMORIES''

-HARUKI MURAKAMI

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

MAICY'S P.O.V

Ganito pa la ang pakiramdam pag nasa bingit ka ng kamatayan. I feel like I'm floating in an endless abyss. A part of me wants to go back but another part of me wants to stay here dahil pag bumalik pa ako magiging pabigat na naman ako sa kanila. I refuse to be a damsel in distress. Dahil sa'kin nasaktan ang mga taong pinakamamahal ko. God, I'm so useless.

'' Maicy!! Gumising ka !!''

Aaah.Boses ni Karla yun. Gusto ko dumilat at sabihin na ayos lang ako pero alam ko sa sarili ko na isang napakalaking kalokohan yun. Gusto ko sabihin na pinapatawad ko na siya sa mga ginawa niya at kaibigan ko pa rin siya kahit na ano mang mangyari pero hindi ko magawa.This is it , I'm really going to die.

Napakasaklap na mamatay na isa kang virgin (╥﹏╥)

'' Maicy !! Please gumising ka! Pa'no na kaming dalawa ni Ayumi at paano na si Eugene niyan? ''

Eugene.Eugene.Eugene. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naririnig ko ang pangalan niya.Ang sarap sa pandinig.Pero sayang at hindi ko na siya makikita pang muli. So much for soulmates~

'' Yan lang ba ang kaya mo ikaw na lobo ka !? ''

Ayy punyeta. Nakalimutan ko yang gagong Karin na yan. I swear, simpleng manyakis talaga yang vampire hunter na yan. Sa lahat ng parte ng katawan na pwede niyang barilin bakit sa dibdib ba? Sa tingin ko , natamaan niya ang boobs ko . Urghhh!! Anyways, bakit ba kailangan pa magkaroon ng mga vampire hunters ? Sa pagkaka-alam ko , centuries ago pa ay nagkaroon na ng kasunduan between sa mga vampires at werewolf na hindi na sila magha-hunt ng tao and instead ay mga hayop na lang ang kakainin nila, of course  with the exception of rogue vampires/werewolves na tuluyan nang nabaliw pero bakit ginagawa nila 'to sa'min ! Where's the justice? Kasalanan ba naming bampira kami ? Wait , may choice ba kami kung magiging tao kami o hindi? Wala! Napaka-unfair talaga ng mundo na ito.

'' Maicy please gumising ka na. Kailangan ka namin , kailangan ka ni Eugene. Please , mahal ka namin at higit sa lahat mahal ka niya ''

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog ito. How ironic , nabaril na nga ako sa dibdib pero bumibilis pa lalo ang tibok ng puso.Thank god I'm a vampire kung hindi kanina pa ako natepok.

Nakaramdam ako ng kamay na humihimas sa noo ko. Ang amoy na yun - alam kong si Eugene yun.

''I love you ''

''  I love you...... '' sabi ko at nagawa kong idilat ang mga mata ko. Maski ako ay nagulat sa nagawa ko.

'' Maicy!!! '' masayang sabi ni Eugene at hinalikan ako sa lips. Oh did I mention na nakatingin sakin si papa at mukhang handa na siyang sakalin si Eugene? Thankfully, medyo numb pa ang katawan niya mula sa injury niya at wala na siyang magawa kung hindi tingnan ang anak niya na halakin sa labi ng isang napaka-gwapong werewolf.

The Vampire's Daughter [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon