[4] Time Machine

897 10 0
                                    

Chapter 4

 (10 days before the murder case)

Elisa's POV

Ako nga pala si Mellisa pero mas kilala ako sa tawag na Elisa.

Isa lang akong ordinaryong estudyante dito sa Black Star Academy.

Paano nga ba ako nkapasok dito? Simple lang.

Tinaboy lang naman ako ng mga magulang ko dahil wala raw akong kwenta.

Wala akong talent, hindi ako maganda, hindi kapansin-pansin, lampa...at t*nga!

gusto ko sanang baguhin ang sarili ko.

Eto na nga oh...sinasaktan na naman ako ng mga magulang ko.

Pinababayaan ko lang naman sila. Magulang ko naman sila ehh.

-

Isang araw habang nag huhugas ako ng mga pinggan...

di sinasadyang nadulas ang pinggan sa kamay ko...

Nahulog ito, at nabasag. ( _ _)

Lumapit ang ina ko...galit na galit.

Lumuhod ako at pinulot ang bawat piraso ng basag na pinggan.

Sinampal ako ng ina ko at sinabunuta nang sobrang sakit!

Dinala niya ako sa labas ng bahay.

Natatawa lang ang mga evil sisters ko na nakasilip lang sa bintana.

Nanunuod.

Para lang akong Cinderella noh?

Pero imposible ang mga fairytales.

Imposible rin akong makahanap ng Prince charming...

Imposible. -_-

"Alam mo ba kung magkano ang pinggan na yon ha?!! Mahal yun at hindi yun kayang bayaran ng buhay mo! Walang kwenta! " at binitawan na niya ako. Todo naman ang iyak at pagmamakaawa ko.

Napakasakit marinig ang mga ganung pananalita noh? Lalo na kung galing sa nanay mo.

"LAYAS!" ehh yung palayasin ka kaya? Makakaya mo kaya yun?

"Lumayas ka na nga dito, AMPON! HAHAHA! " -my evil sisters.

Ampon pala ako.

Buti naman.

Hindi ko na kayang sikmurain ang mga ganung kababaw na tao.

Imbes na magmakaawa pa ako sa kanila, umalis na ako.

Lumapit pa sakin ang aso nila bago ako lumabas ng gate.

Riot Begins in Class 3C!Where stories live. Discover now