A Different Experience

1.5K 19 5
                                    

Jermylaine's POV

Ako si Jermylaine Williamson, isang mayaman at magandang nilalang. Hindi naman talaga akong masamang tao, ayoko lang na nakikipagusap at socialize sa mga taong hindi ko naman ka-close.

Kasama ko ngayon si Reinzona Yu, ang pinakabwisit na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko. Siya ang naging roommate ko since tatlo lang ang room dito sa bahay na pwede naming gamitin.

'San ka? Sa may dingding or bintana?' tanong niya.

'Kahit saan' --ako.

'Sa sahig, kaya mo?' konting-konti na lang sasampalin ko na talaga ito eh.

'Sa may bintana na lang ako' --ako.

'Okay fine' sabay irap niya sakin. Kakalbuhin ko to eh! =.=

Natutulog na ako ng maalimpungatan ako ng 1:30 A.M. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong lumuhod sa kama ko at sumilip sa bintana na nasa tabi ko lang. Wala naman akong makita kundi ang parte ng front yard na naiilawan ng buwan. Nahiga uli ako sa kama ko at napalingon sa kama ni Reinzona, nasa tabi ito ng dingding na nasa kabilang side ko naman.

At mula dito ay kitang-kita ko ang isang babaeng duguan ang nakahiga sa ilalim ng kama niya at nakatitig sa akin. Kitang-kita ko ang pulang-pula niyang mga mata na punong-puno ng galit at poot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong sumigaw kaso walang boses na lumalabas mula sa bunganga ko. Nagtalukbong na lamang ako at pinilit na ipinikit ang mga mata para makatulog na at mawala na ang kung ano man ang nasa ilalim ng kamang yun.

Pero may naramdaman ako sa ibabaw ko, tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa akin at nakita ko na ang babaeng nasa ilalim ng kama ay lumulutang na sa ilalim ko. Tumawa siya at naramdaman kong tumulo ang mga dugo mula sa bunganga niya sa mukha ko.

Sinakal niya ako, napakahigpit ng hawak niya sa leeg ko. Para bang mapuputol niya na ang leeg ko. Unti-unti ko nang nararamdaman na nanghihina ako at nandidilim ang paningin ko. Tuluyan na akong napapikit at nawalan ng malay.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Reinzona's POV

Ako nga pala si Reinzona Yu, isang napakaganda at napakayaman na nilalang. Andito kami ngayon sa kwarto at sa dami-rami ng andito sa bahay ay si Jermylaine Williamson talaga ang kasama ko. Ang nagiisang karibal ko kay Santi. Katatapos lang namin kumain at nag-aayos na kami ng mga gamit. Sa may bintana ang kama niya at ako sa may dingding.

~~~

Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ako. Ewan ko ba kung bakit. Si Jermylaine naman sa kabila ay tulog na tulog na, tinignan ko ang orasan ko at nakita ko 1:30 A.M na ng madaling araw. Nag-Ipod na lang muna ako habang hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nasa kalagitnaan na ako ng isang kanta ng bigla na lamang mag-static ang pinapakinggan ko. Hindi naman ako nakikinig sa radyo kaya inayos ko ang pagkakakonekta ng earphones. Luminaw naman siya ngunit sana pala ay hindi ko na lang inayos dahil sa narinig ko:

The Ringtone [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon