CHAPTER 2

15 0 0
                                    

“Wow! Ang ganda ganda naman ng baby ko!, come to daddy”

Narinig kong sabi ni daddy kaya naputol pagrereminisce ko, lumapit naman ako sa kanya, nag-aayos pa ng neck tie si daddy. I hugged him tightly and he kiss me in the forehead, nakangiti lang na nakamasid samin si mommy.

“Daddy let’s go na po excited na kong makita si favorite ninang tsaka si zacharias” I said smiling sweetly.

“Ganun ba xa baby let’s go” he said smiling inakbayan nya kame ni mommy and we went to the car na.

Hey dad!look at me think back and talk to me! Did I grew up according to plaaaaaannnn!!!!!

Pasigaw na kanta ni Zac habang sinasabayan ang kanta ng Simple plan sa component, nasa maximum volume na yata yun at mejo masakit na rin sa pandinig pero wala xang pakialam. Busing busy ang lahat ng mga tao sa mansion simula pa kahapong pagdating nila samantalang xa ayon, at nagmumukmok sa kwarto.

He hates it! He hates his mom! He hates everything!!!!!.....

Masaya na sila sa Italy kasama ang daddy nya, his father was half Filipino and half Italian sa mother side nito na nakabase na sa bansang iyon. They decided to migrate there 5 yrs. ago para na rin makasama na ng maayos ang daddy nya. Madalas kasi itong pabalik balik sa Italy dahil na rin sa kumpanya ng pamilya nito at isa ito sa mga naiwang mag-aasikaso.

Those days are the happiest days of his life dahil sa wakas makakasama na rin nila ng matagal ang daddy nya. Yeah! he was a certified daddy’s boy at mahal na mahal nya ang ama at ganun din ito sa kanya,he always look up to him.

Kaya ganun na lang ang galit nya ng biglaang magdesisyon ang ina na bumalik ng Pilipinas. Syempre tumutol xa pero parang wala itong naririnig, kaya heto sila ngayon sa Pilipinas habang naiwan naman sa Italy ang Daddy nya. This past few weeks madalas nya nang marinig ang pagtatalo ng mga magulang pero parang ayaw ipahalata ng mga ito sa kanya na may problema kaya nanahimik na lang din siya.

He never thought na dadating sa punto na ipagpipilitan ng ina na umuwi sila ng Pilipinas.

            “Aahh!!!” naiinis na hinablot ni Zac ang varsity jacket na nakapatong sa kama at isinuot  gayundin ang cap at saka lumabas ng kwarto at pabalibag na isinara ang pinto.

Nakasalubong nya sa pasilyo ang ilang mga katulong ilan sa mga ito ay mga dalagitang marahil ay anak ng mga tauhan sa hacienda na siguro’y naroon upang tumulong para sa malaking salusalong gaganapin.

            “Magandang gabi po Señorito!” sabay sabay na bati ng mga ito, ngunit hndi nya pinansin ang mga ito at diredirechong nilampasan ang mga ito.

Narinig nya pa ang impit na tili at hagikhikan ng mga ito. “grabe!ang gwapo gwapo talga ni señorito Zac!!!,kaya lang mukhang suplado…ayeeee..” kinikilig na bulong pa ng isa ngunit nakarating pa rin iyon sa pandinig nya.

Lalo xang nabuwisit, wala ng ginawa ang mga ito simula pa kahapon kundi magpacute at magpapansin sa kanya. Hindi naman sya mapangmatang tao, pero ng mga sandaling iyon, he can’t find any reason to smile back and be nice to the people around him. He’s just very pissed!

"SENİ SEVİYORUM"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon