Prologue.

34 4 2
                                    

Naramdaman mo na ba yung feeling na may hinahabol kang oras?

Yung kahit isang kilometro pa ang layo mo dun sa patutunguhan mo, tatakbuhin mo talaga para makarating ka talaga sa patutunguhan mo? Kahit one minute na lang yung natitira sa'yo.

Kahit sino na yung makabangga, matulak o maapakan mo ng paa, go ka pa rin? Parang Globe lang, go lang ng go!

Yung ang tagal ni manong drayber magpatakbo nung tricycle. Tingin ka na nga nang tingin sa relo mo, dedma pa din si manong.

Yung paiyak ka na kasi alam mong late ka na.

Kasi may naghihintay na tao sa'yo dun, tapos sa sobrang inip...iniwan ka na.

Kahit habulin mo, hindi mo na kayang abutan.

Pero hinabol mo pa rin. Hindi ka pa rin sumuko.

Pero...may isa kang kinakatakutan. Ang mapagod kakahabol. Kasi hahayaan mo na lang yung sarili mo, parang go with the flow lang.

Pero nangyari e. Sa sobrang takot mong mapagod, parang na-push mo na yung sarili mo na tumigil na. "Wala na din namang saysay kung hahabulin ko pa, wala na rin akong mapapala. Pawis lang." na lang yung masasabi mo.

Parang love lang 'di ba.

Hindi mo ma-reach yung taong mahal mo.

Hindi ka pinapansin.

Hinabol mo pero di mo naabutan.

Tinawag ka pero 'di ka lumingon.

Mahal mo na, pero hindi ka na mahal.

Napagod nang maghintay.

Na-fall ka na. Kaso di ka na-catch. Basag tuloy. Duguan. Aray.

Sinukuan ka na.

Sumuko ka na rin.

Nag-effort ka, di nya na-appreciate.

Nagmukha ka na ngang tanga, wala ka ding napala. NGA NGA.

Friendzoned, Seenzoned, Ate/Kuyazoned, Pare-zoned, Tropazoned, SCHOOL ZONE.

Yaaan na naman tayo e. Love na naman. Tsk.

Pero 'diba lahat naman may katapusan, kaya lubusin mo na yung natitirang oras sayo. Wag mong hintayin na dumating yung time na saka mo lang mare-realize na, "Sana ginawa ko pala yun." and cheberlalu.

Tekaaaa! Ba't ba napunta sa usapang pag-ibig!? Ay nako.

~

"Tsk, tsk. 30 minutes late. Again."

"Sorry na pleaaaase!"

"Anong magagawa ng sorry mo?! Halos sampung tren na yung nakadaan dito, wala ka pa rin. Natapos ko na 'tong libro natin, wala ka pa rin. Hindi mababalik ng sorry mo yung mga oras na nasayang!"

"Toinks. Ang drama mo!"

"HAHA, ikaw kasi. Ambagal mo talaga kahit kelan."

"Pero sorry na please? *puppy eyes + pout*"

"Dinadaan mo na naman ako sa paganyan-ganyan mo eh! Opo na sige na. Basta libre mo uli ako! Haägen Dazs!"

"Nyek, ang mahal nun!"

"Mahal mo naman ako e!"

"Ewww."

~

Ilang beses ko na ring itinanggi na hindi ko siya mahal. Pero sa sobrang pagtanggi ko, ayun. Nahulog na pala ako.

Pero pa'no kung humadlang yung oras sa 'min? Ang distance? Kahit na ang lugar kung nasan kami?

Ang hirap. Kung kelan mahal na namin yung isa't-isa saka naman hahadlang si Tadhana.

Fate / Tadhana, Y U so mean to people? Wrong timing ka lagi e.

Anyway... I'm Summer. *winks* And read my story before time runs out...

• • •

A/N.

Yeaaa! Hahaha! Valentine gift. Nasira laptop ko, nasira yung motherboard, so wala yung copy sa 'kin. Hindi ako makapag-UD ng Selfless at NBP, so SORRY! I hope you forgive meh.

Pero buti na lang may tablet nako. Ito muna in-update ko. So hope you also like this one.

Na-inspire kasi ako dun sa train station sa Singapore nung Christmas break e kaya naisipan kong gumawa ng story, pero mejo cliché to. So yun.

Lots of Love. ♥

#LoveYouH.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon