Chapter 9- Tragic Moment

318 8 2
                                    

AUTHOR'S NOTE

ALAM MO YUNG FEELING NA

.

.

.

.

NAKIKITA MO PA SIYA

PERO MABABALITAAN MO NA LANG

MAWAWALA NA SA IYONG MGA PANINGIN

Oo na experience ito ng isa sa mga schoolmates ko this college

May ikinuwento siya sa akin tungkol sa nangyari sa kanila ng boyfriend niya.

At ang nangyari

AY PARANG GANITO........

BACK TO THE STORY

Clyde's POV

After ng impromptu ko ay nagpaalam muna ako sa English teacher ko na lumabas

''Ma'am can I go to the Principal's Office??'' 

''Why?'' sabi ng teacher ko

''Its an emergency ma'am, they need me from now'' kakanose bleed naman mag English ehh

''Yes you may'' 

Sabay labas ng classroom, ang totoo niyan ayoko talaga tuwing English Class, ang hina hina ko talaga sa English, kasi ang daming kaartehan ng English Teacher namin ehhh, always speak in English daw, kapag nahuli daw kaming nagsasalita ng Tagalog, may penalty daw na 5 pesos, 

Grabe si ma'am noh?? kimukitang pangkabuhayan, I push niyo yan ma'am!!

Lumabas muna ako ng campus, akala niyo ahhh galing akong principal's office. Magyoyosi muna ako tanggal vibes, grabeng impromptu yan, kulang na lang magbaon na ako ng panyo ehhh.

Nagpunta ako sa malapit na tindahan sa may school kaso sarado ito, kaya pumunta na lang ako sa may convenience store malapit sa may munisipyo. 

''Pabili po''

''Anu poh?'' bati sa akin ng tindera

''Marlboro Lights poh, isa lang'' 

Pagkaabot sa akin ay kumuha ako ng lighter at sinindihan eto, Habang palabas ay may nakasalubong akong lalaki, naka uniform din at sa Shiozuka University din nag aaral. Pero mas gwapo naman ako dun noh?

Paglabas ko ay umupo muna ako sa may bench at humithit buga na lang, nakaka pressure kasi ang pag eenglish ehhhh. habang nakaupo, nagmamasid masid muna ako sa may paligid, may mga namumulubi sa tabi, may nagtotong-its, may magsyotang naghoholding hands, at mga tambay sa tabi.

And speaking of tambay

Paglabas nung lalaking naka uniform ay tiningnan ng mga tambay nito ng masama,  At saan naman pupunta etong lalaki?? 

Narinig ko yung sinabi nung lalaking tambay

''Titingin ka pa ehhh, UMALIS KA NGA DITO!!!! @#$%^!!! HUWAG KA NANG BABALIK AHHH!!!'' 

Malalaki etong mga tambay na toh, siguro mga bente anyos na etong mga eto, may kulay ang buhok, may mga tattoo pa sa katawan, may hikaw sa tainga at yung isa ay may hawak na bote ng beer, yung iba naman ay may sigarilyong hawak, halatang halata sa mga pagmumukha na mga walang kinabukasan ehhh.

Hay nako, anu bang pakialam ko sa mga taga ilog na yan? Bakit ko ba pinapansin yang mga ganyang uri ng tao?

Patuloy na lang ako sa hithit buga hanggang sa maubos yung yosi ko

"Watty Academy Class of 2014" (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon