Si Macro At Ako

35.8K 1.2K 298
                                    

Cliché po ito.

Dedicated kay yayanderella. Oy Neko! Ito na yung pinangako kong one shot story na idededicate sa'yo. Noong pagkatapos pa ng unang Gold Rising ito ah? Quotang-quota ka rito, dalawa ang role mo wahaha. Lamshu beri mats.

-----------------------------x

"Tanggap ko na, hanggang kaibigan lang ako."

---

High school kami noon.

Siya ang first kiss ko pero hindi niya maalala dahil sa lasing siya 'nun. Siya ang unang lalaki na hindi ko kamag-anak na nagsabi sa akin na mahal niya ako pero tumawa lang siya nang tumawa nang makita niya ang reaksyon ko 'nun sabay bawi at sabi na ang tanging mahal niya ang ang girlfriend niya. Siya ang tanging lalaki na kaklase namin na binigyan ko ng regalo sa tuwing birthday pero ang sabi niya, lahat ng regalo ko ay nawawala at ina-arbor ng mga kapatid niya—hindi niya pinahalagahan ang mga yon kaya napagdesisyunan ko na bigyan siya ng isang letter noong birthday niya 'nung 3rd year kami at sa inaasahan ko, nabasa iyon ng coke ng tropa niya ... buong papel. Ni hindi man lang mabasa.

Macro, iyon ang pangalan niya. Mac-Mac naman ang palayaw niya. Hindi naman siya sikat pero medyo kilala siya. Makasat siya at palaasar lalo na sa mga lalaki pero sa mga babae, gentleman siya—minsan.

Mula first year, gustong-gusto ko na siya. Hindi dahil sa magaling siyang kumanta at tumugtog ng gitara, hindi dahil sa cute ang smile at ang singkit niyang mga mata at lalong hindi dahil sa appeal na mas lalong umaangat sa tuwing inaayos niya ang buhok niya sa pamamagitan ng paghagod nito.

Nagustuhan ko siya mula noong kalagitnaan ng first year high school namin. Noong nangyari ang bagay na iyon. Naalala ko pa, pumasok ako noon sa classroom at nabigla ako dahil sa nagtawanan ang karamihan lalo ang karamihan sa tropa ni Macro.

Ilang segundo at sumigaw ang isa sa kanila.

"Inulit ni Riza ang suot niyang palda kahapon! Tignan nyo oh, andun pa yung nilagay kong sulat! Sabi ko na nga ba eh, dugyot ka!"

Agad kong tinignan ang palda ko. Hindi ko naman napansin iyon. Hindi ko man alam na dinumihan niya ang palda ko. Sa totoo lang, iyon ang unang beses na pinagtawanan ako ng buong klase. Habang mas tinitignan ko ang mga kamay na nakaturo sa akin, ang tunog ng tawanan nila at ang pagpunta ng iba kong kaklase sa likuran ko upang makita ang sulat na sinasabi ng kaklase namin—mas nanliliit ako sa kinatatayuan ko.

Umiyak ako 'nun sa harapan. Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak nang umiyak. Nagsipuntahan ang mga kaklase kong babae sa pwesto ko at pinapatahan ako ngunit mas rinig ko pa rin ang tawanan ng mga lalaki habang sumisigaw pa ang iba na ang arte arte ko raw at nagdadrama pa ko sa simpleng bagay na iyon.

Hanggang sa nangibabaw ang isang boses, ang boses ni Macro.

"Pwede bang tama na Joseph, kita mong umiiyak na si Riza eh. At ang babaw ng pinagtatawanan nyo. Tangina, bakit nagkaroon ako ng tropa na sobrang babaw?"

Iyon ang pagkakataon na nalaman ko na may naiiba pa pala sa kanila. Na hindi lang isang makasat at puro biro si Macro. Akala ko—katulad lang siya ng tropa niya pero kahit papano pala, may tinatago siyang kabutihan. Mula noon, naging close na kami—kami ni Macro.

"Riza, anong sagot sa number 8?"

Naalala ko pa talaga yung sandaling iyon. A.P ang subject natin 'nun at may long quiz. As usual, katabi na naman kita 'nun at magkadikit ang mga braso natin habang ang mga mata mo ay naka-focus sa papel ko. Mukhang hindi mo mabasa kaya tumingala ka at nahuli mo akong nakatitig sa'yo. Hindi ko talaga makakalimutan 'yon, Macro. Iyon ang pinakamahabang 10 seconds ng buong buhay ko.

Si Macro At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon