Dahil Ikaw

17.7K 483 156
                                    

Umuulan.

Pero nakangiti si Jacob na lumabas ng kanyang building para pumunta sa isang waiting shed sa loob ng kanilang campus. Hawak hawak ang kanyang gitara, ginamit niya itong pantakip sa kanyang ulo para hindi mabasa.

Nagmamadali siya. Hindi niya pansin ang pagtalsik ng putik at tubig sa kanyang pagtakbo. Ginagawa niya ito dahil may gusto siyang makita.

Ang babaeng kumukumpleto ng araw niya.

Tuwing matatapos ang kanyang klase, ito ang gawain ni Jacob— ang pumunta sa waiting shed kung saan namamalagi ang isang babae na gumagawa ng kanyang school activities o hindi naman kaya natutulog dun. Naaalala niya pa yung unang araw na nagpaalam siya kung pwede ba siyang magpractice ng pagkanta at kung hindi siya makaka-abala sa pagtulog nito.

"Ayos lang."

Sa dalawang salitang yun at sa isang maliit na ngiti sa labi niya, nahulog ang puso ni Jacob.

Araw-araw sa loob ng isang buwan sa waiting shed na yun siya tumutugtog. Kapag natutulog ang babae, sinasadya niyang hinaan ang pagkanta.

Hindi sila nag-uusap. Pero kumportable sila sa isa’t isa. Naalala pa rin ni Jacob nung araw na dumating siya sa waiting shed at umiiyak yung babaeng hinahangaan niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Galit siya sa kanyang sarili dahil wala siyang ideya kung paano niya ito mapapasaya. Tumugtog siya ng gitara— ang tanging paraan na alam niya, at habang tumutugtog siya, iniisip niya…

Miss, tahan na…Kung sino man ang gumawa niyan sa’yo hindi siya karapatdapat na iyakan pa.

 

Sa piling ba niya'y ikaw ay

May lungkot na nararamdaman

Damdamin mo ba'y di maintindihan?

At sa tuwing ako ang nasa iyong isipan

May nakita ka ba na ibang kasiyahan?

Kung Wala Kang MagawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon