Kung Sana Lang

62 0 0
                                    

Kriiiiiing….kriiiiiing!!!! hello? Inaantok pang sagot ni Jeff ngunit walang sumasagot.

“Hoy! Pipi ka ba?!ba’t ayaw mong magsalita?!” galit nyang sabi..

Kriiiing…kriiing…! Bah ano to? Tuloy pa rin sa ingay ang telepono, ng imulat ni Jeff ang mga mata.

“Shit! Alas nueve na!” hindi magkandatuto si Jeff. Sa kamalas malasan hindi nya mapatay patay ang nakakatureteng ingay ng alarm clock. Sa pagkabwisit nya ibinato nya iyon sa dingding at yon lasog lasog ang kawawang alarm clock……

Halos patikad ng takbuhin ni Jeff ang banyo at agad na binuksan ang shower para mapamura lang muli ng maalalang naka boxer shorts at sando pa xa at ang headset ng ipod ay nakalambitin habang nakakabit pa sa ipod na nakaattach sa waistband ng boxer shorts.

Animo xa basing sisiw na gustong iumpog ang ulo sa dingding. Whoa! 2 in a row ng umagang iyon ang nagawa nyang katangahan. Pinagkamalang telepono ang alarm clock at pinaglangoy sa tubig ang ipod Kung di ba naman talaga kaBOBOhang matatawag.

Hay buhay ako na ba ang susunod na “Hari ng Sablay?”

            Bwisit na bwisit si Jeff kung sa sarili nya ba o sa trapikong tatapos ng maliligayang araw nya. Kung pwede nga lang lunukin ang bato ni DARNA nalunok na nya cguro para lang makalipad at makapunta agad sa pupuntahan.

“Please understand natraffic nga kasi aq!” napipikon ng paulit ulit na litanya ni Jeff. Nasa loob na sila ng kotse nya sa parking lot ng sikat na Unibersidad na pinapasukan.

“Understand? I always tried to understand you jeff! From the very start we’ve started, lagi na lang ako ang dapat umunawa, that I have to adjust dahil may sikat kang pangalang inaalagaan, na dapat I won’t get jealous dahil ang star player habulin talaga ng mga babae and the hardest thing is kailangan kong magbulag bulagan sa lahat ng mga kasalanang ginagawa mo sakin.” Umiiyak na sabi ni Chloe his long time girlfriend for four years

“Fine I’m sorry ok…look ano pa bang gusto mong sabihin ko?” iritableng sagot ni Jeff..

“Jeff hindi lang naman kasi simpleng date yun eh, it’s our supposedly four years anniversary celebration! Na 3 beses nang napopostpone sa kung anu- anong dahilan mo…but did you heard anything from me??and this time around all you have to do is dumating ng maaga pero hindi mo pa rin nagawa… ” sumbat ni Chloe na tuloy pa rin sa pag- iyak.

“You know what wala na rin namang patutunguhan ang pag-uusap na toh eh, so why don’t we just end it..we’re now officially OFF”

Lalo lamang lumakas ang pag-iyak nito………

Kung Sana LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon