Lorraine Florez (chapter 2)

16 2 0
                                    

kinabukasan maaga ako nagising ., hindi ko din alam kung bkt!! siguro sobrang excited lang na makasama si Matt, first time ko lang kasing magkaroon ng kaibigan dito eeh! hehe, napansin ata ni mama kung bakit tuwang tuwa ako.., kaya tinanong nya ko kung bkt at kung bkt ang aga ko nagising ngayon?, kadalasan naman daw kasi hapon na ako magising eh. 

"Ma may nakilala kasi akong kaibigan na Pilipino, nagyaya pong mamasyal!" 

"oh talaga!, maganda yan, para di kana parating nagmumuk muk dyan sa kwarto mo at puro pag-internet ang inaatupag mo!"

"kaya nga po ehh!! maliligo lang po muna ako"-sabi ko

"Abaaah!! mabuti marunong kana maligo ngayon! oh sige at gagamit pa kami ng banyo"-tugon ni mama

hahaha hindi kasi ako masyadong nililigo, sobrang lamig kaya ng tubig, kaya minsan nakakatamad maligo. pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at nag make up ng kunti para presentable ako tignan at lumabas na ko ng bahay.

namamasyal na kami ni Matt.., hehehe naglalakad lakad lang kami sa kung saan saan. ganda pala kasama nito ni Matt!! Naku .., tiyak na matutuwa ka sa lahat ng mga kwinikwento niya sayu hehehe. nung napagod na kami sa kalalakad, nagpahinga muna kami saglit, at kumain sa isang restaurant!! treat daw nya niya sakin hahaha!, next time ako naman daw magbabayad ahhaha, pagkatapos naming kumain pinasyal nya ako sa school ., wala kasi syang pasok, eh sabado lang ngayon kaya pwede syang mag lakwatsa. pagkatapos din noon pumunta kami sa isang lugar na sobrang ganda grabe ang ganda ng bahay!! parang bahay ni santa claus at yung mga kotse sobrang luluma na pero ang ganda paring tignan, parang nasa unang panahon ka! hehehe super enjoy!!..,syempre nag picture picture na din kaming dalawa first ever picture namin.., naku! gagawin ko tong wallpaper hahaha!! joke lang!! pagkatapos nun ay umuwi narin kami! biglang tumulo ang snow!! pero tuloy parin kaming naglalakad pauwi.., hindi naman kasi gaanong kalakas kaya ok lang. hinatid na ko ni Matt sa bahay ko.., pagkahatid nya ay umuwi na rin syasa bahay nila

kinagabihan ay nag chat nanaman kami mag damag! habang pinapakingan ko yung kanta ni yeng na chinito!! Ayiee!! hahaha wait kakantahin ko.

"Mapapansin mo ba

Kaya ang tulad ko

Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata

Mahuli mo kaya ang pagsulyap sayo

Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap

Oh chinito

Balang araw ay, malalaman mo rin

At kung ikaw ay nakatawa

Ako pa ba ay nakikita

Nalilimutan ko ang itsura ko

Kapag kausap na ikaw

Sana naman akoy pakinggan

At nang ikaw ay malinawan

Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin

Oh! Chinito... Chinito... "

hahaha chinito kasi si Matt eeh...(ilang beses ding naulit ang pagpapasyal naming dalawa ni Matt.., naipakilala ko na sya kanila mama at sa step dad ko, maganda naman pakikitungo nya sa pamilya ko, actually parang anak na rin ang turing nila kay Matt. minsan nga nakikitulog na din sya dito.., syempre magkatabi kami.., hahaaha di joke lang dun sya sa may sofa sa living room natutulog. pinakilala na din nya ako sa parents nya mabait yung mama nya pero yung papa nya.. hmmm masasabi kong hindi gaano! parang sungit kasi eh.., super bait sakin ng mama ni Matt at parang anak na rin ang turing nya sakin.

1month na pla simula nung nakilala ko si MAtt, kaya napagisipan naming icelebrate.., lumabas kami at kumain sa mamahaling restaurant hehe!.., para na nga kaming mag boy friend at girl friend eeh, pero hindi naman sya nanliligaw! hahaha.., then pagkatapos naming kumain, may nakita kaming tindahan ng mga jacket "bumili kami ng jacket!! siya kulay red favorite color daw nya at habang ako color white pero same lang yung design na binili namin. pagkatapos naming bumili, sinabi nya palit daw kami 

"sige na palit tayo!! akin sayo na tong red akin na yang white" wika nya

"hmmm..,kung ayaw mo yang kulay ipapalit nalang natin sa tindera,baka pwede pa naman siguro."-tugon ko

eh sagot naman nya ayaw daw nya nakakahiya !! at hindi pa daw nya ko nakikitang nagsout ng kulay red! hay naku!! nakakainis yung mokong na yun!! pero sige na nga!! tinangap ko na. ilang araw pa ang lumipas, naging mas super close pa kami ni Matt!! pero mnsan may tampuhan din kami, pero agad agad namang naaayus, pero bigla nag bago ang lahat, kasi itong nagdaan na parang ang lungkot nya, parang malaki ang problema -.-

"sinubukan ko syang tanonginpero hindi naman sya sumasagot.. hanggang isang gabi tinawagan nya ko.., mga alas 11 na ata yunat umuulan pa ng snow sa labas..., magkita daw kami sa sinabi nyang lugar.., kaya agad naman akong pumunta. pagkarating ko dun, nadatnan ko na si Matt.., pagkatingin nya saakin.., bigla nya akong niyakap.., 

"ooh Matt ano nangyare!? bat ka umiiyak?"-tanong ko

"Lorraine..., aalis na kami bukas!"-sabi nya

"Huh!! saan!? Bakit!?"-tanong ko sa kanya

"naghiwalay na sila mama at papa., napag alamang nakabuntis si papa ng taga dito!, ung nakatirang babae malapit sa bahay namin!! Tsssk!! GG talaga yung lalaking yun! walang kwentang ama!! napagdesisyon narin si mama na umuwi na kami sa pilipinas!!

"Uy Matt wag ka namang magsalita ng ganyan!! kahit anong mangyare papa mo parin yun!"

"Tsssk!!..., dahil sa kanya aalis na kami dito.,"

(sobrang nalungkot ako sa sinabi nya..., parang gusto ko naring umiyak na ewa!!) "kelan ba alis nyo?"-tugon ko

"NGAYON!!"-sabi nya

"NGAYON NA!! AGAD AGAD!!?

"Oo., (sabay tulo ng luha) mag-iingat ka dito aah!!., ma mimiss kita!"-sabi nya

(hindi ko na napigilan luha ko., kaya kusang tumulo .., niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit!!) "MA MIMISS DIN KITA SOBRAA!!  hindi naba kayo babalik dito?"

"hindi ko alam  "

"baka pwede pang ayusin yan..., paano yung papa mo?"-tanong ko

"ewan ko sa taong yun!! bahala sya sa buhay nya!! basta kami ni mama aalis na!!"

(iiwan mo na talaga ako)

"ooh ito! relo ko!! sayo na, para pag nakita mo yan , maalala mo ako! masaya ako na nakilala kita!!"

(napaiyak na naman ako... nakakainis!) "masaya din ako na nakilala kita, kahit saglit lang;( ikaw nagpasaya saakin dito..., MA MIMISS TALAGA KITA SOBRAA!!!" (nagyakap kkami) maya maya kunti may nakita akong nag stop na taxi saamin.., at nakita ko yung mama ni Matt na bumaba sa taxi.

"Matt tara na!!"-sabi ng mama ni Matt at lumapit saakin.., Lorraine iha., pasensya kana ha pero kailangan talaga naming umalis maraming maraming salamat sayo iha, dahil naging mabuti kang kaibigan sa anak ko"

"mamimiss ko din po kayo Tita.., magingat po kayo kayu.."

"Matt sakay kana!!" sabi ng mama ni Matt

"GOOD BYE LORRAINE" -sabi ni Matt 

"baa---b--bye!!" at sumakay na sila ng taxi... pag ka andar ng taxi hindi ko na pigilan sarili ko!!! "I LOVE YOU MATT!!! (pero useless din lang kasi hindi nya narinig..)

(para kong natabunan ng malaking bato!!!!., nanaginip ba ako!??? parang hindi ko to ini expect.. yung best friend at pinakamamahal kong tao mawawala nalang bigla.., ang sakit sakit!!! sobra!!! sa sobrang sakit.. napaupo na lang ako sa yelo., na ginaw na ginaw habang umiiyak!!)

ilang araw din ang nagdaan.. sinubukan kong imessage si Matt sa fb nya., para kamustahin, pero hindi sya sumasagot...... yun lang yung communication naming dalawa hindi ko naman alam yung number nya sa pilipinas..., hay!! naku hindi ko na alam ang gagawin ko.., back to normal nanaman ako!! kain, tulog, nood ng movie., nagaalala nanga saakin si mama. dahil minsan wala na akong ganang kumain minsan namamasyal ako magisa!! at habang namamasyal ako, naalala ko yung memories naming dalawa ni Matt.., napapaluha ako nalang ako. yung mga kulitan namin, yung asaran!! yung kwentohan... hmmm na mimiss ko na sya.., kaya ang ginawa ko! gumawa ako ng snow man .., at yun yung kinausap ko "hay!., kumain kana kaya?.... anu na kayang ginagawa mo?... siguro masaya kana noh??.. hoy magparamdam ka naman!! hindi mo na ko naaalala!!., hmmm sige ganyan kana aah!! hindi mo man lang ako i-msg, o kamustahin!! MIss na kaya kita..,!! kumaiin ka sa tamang oras aaah! tyaka..." (nagulat nalang ako ng may nagsalita sa likod ko)

itutuloy....

Lorraine FlorezWhere stories live. Discover now