Candy Wrapper (One shot)

669 26 38
                                    

Honey's POV

*Krrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnggg*

"Hmmmm" ungol ko sabay tapon ng alarm clock.

*Bogsh* *Bogsh* "Hoy! Anak!, gumising ka na diyan! Klase mo na!" *bogsh* *bogsh* "Sus, mama. Wag ka nang mag assume na gigising siya ng dahil diyan. Eto susi oh" sabi ng isang boses bata sa may pintuan ko. Sino ba yan?

Bumukas yung pintuan at may humawak sa paa ko.. *Bagsh* "Aray!" Hmmmm, ang lamig ng sahig. Pinikit ko ulit ang mata ko. Makatulog nga ulit. ~__~

"Ay! Kapetchayan naman oh" sabi ng isang babae, Sus...Petchay ba ako? May humawak na naman sa paa ko at kinaladkad ako palabas. Ng nakalabas na ako sa pinto ko, may isang kamay na namang humawak sa akin. Wow! Lumilipad na ako.

"Hahaha. ate. Kung hindi ka gigising itatapon ka talaga ni mama sa hagdanan" sabi ng kapatid ko. Nandito pala siya? "Sige, anak. Bibilang ako.. Isa---" Binuksan ko ang mga mata ko. O__O "Waaaahahh!" binitawan nila ako. "Yan! Gising ka na" sabi ng mama ko. Hmp. Ang bait nila noh?

Gumapang ako patungo sa c.r. at naligo na ako. =__=

___________________________________________________

Pagkatapos kung kumain ng agahan. Pumunta muna ako sa tindahan namin. Mayroon kasi kaming tindahan, nasa labas lang ng bahay namin.

Kumuha ako ng biscuit at kumuha ako ng fres candy sa may lalagyan. Mwehehehe.... ^__^ Mahilig po kasi ako sa candy.

Kumuha ako ng isang candy at tinignan ko yung wrapper. May nakasulat na Good day. ^__^ Yeahboi! Good day daw...Ngayong araw na siguro ako papansinin ng crush kong si Blake Earl Echeveria. Woop woop! Ang sosyal talaga ng pangalan  niya. Bagay talaga kami, ako ang honey at siya ang Bee ko....^__^

Dumating na ako sa school na may napakalapad na ngiti.. Masisi niyo ba ako?" Good day daw eh...Hehehe "Honey! Honey!" tawag ng kaibigan kong si Mags. "Oy" tanong ko sa kanya. HIngal na hingal kasi siya. "Mag papalitan daw tayo ng upuan ngayong araw" sabi niya. "Huh? Naku, naman eh." tutol kong sabi. Gusto ko na kasi ang mga katabi ko. T___T

"Good luck nalang sa atin" sabi niya at pumunta na kami sa classroom namin. Umupo na ako sa usul upuan ko at kumain ulit ng candy pero tinignan ko na muna ang nakasulat.

Be happy...  dahil diyan napangiti ako. Hindi naman siguro masamang dumanas ng kabaguhan eh. (*^_^*)... Bigla bigla tumahimik ang klase at pumasok si sir. Ganyan talaga yan.

"Ok class, alam kong alam niyo nah, na mag chi-change ako ng seat plan." sabi ni sir.

"Ay! sir naman eh"

"Sir gwapo naman kayo eh. Dito nalang kami."

Candy Wrapper (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon