Chapter 13 confession

117 2 0
                                    

~Lloyd's Point Of View~

Hi sainyo kilala nyo na siguro ako diba ? Hahaha ako ang friend ni katehrine A.K.A Kate in short hahaha.

Ok papasok nako dito sa classroom at ang unang na abutan ko ay si kate tumatawa bakit kaya ? Tapos nung pumasok na ako ng tuluyan...

O___O

Tumatawa sila ni Henry !?

" ikaw kasi e ! Ayan tuloy HAHAHAHAHA " tawa ni Kate wait lang bakit parang ang close nila !? Samantalang lagi silang nag aaway diba ?

" Hindi ako ! Ikaw yun AHAHAHAHA " tawa naman ni Henry, at nag apir pa silang dalawa....napansin kong may kinakain sila....

Ice Cream!

Lumapit na ako sakanila " Good morning Kate " bati ko sakanya at nag smile sya sakin.

^__^ Kate

=__= Henry

" ah Henry.." Sabi ko sakanya " why ? " sungit as ever ni Henry, " Kasi jan ako naka-upo sa tabi ni Kate " tapos kumunot noo nya " And ? " and your going to be given a one black eye.

Pero hindi ko yun gagawin " Eh...uupo na kasi ako " tapos tumayo sya, pero.....

" Tara na Stupid dog dun tayo sa may malapit sa upuaan ko " at hinila nya si kate papunta dun sa may puwesto nya.

Alam nyong mabait ako , mahaba pasensya , hindi nakikipag away ng walang dahila , pero ngaun parang gusto kong Ipa-salvage si henry sa mga bakla.

Lumapit ako sakanila at hinawakan yung kamay ni kate " can we talk ? " tanong ko kay kate " Ah...S-Sige lang oka----" Psh ang hilig sumingit sa may usapan nitong si henry " hindi puwede, you dont have any permission from me so yo-----" pinutol ko yun.

" I FVCKING DONT CARE HENRY !!! " sigaw ko at sabay hinila si kate pa-aalis sa room namin.

Nakapag mura ako ng hindi oras kanina.

--------------

~Kate's Point Of View~

Nagulat ako sa sinabi ni Lloyd kay henry kanina, ngaun ko lang narinig mag mura si Lloyd.

Hawak-hawak nya ako sa kamay ko, alam nyo yung feeling na parang may dumadaloy na kuryente sa buong katawan nyo ? Yun yung nararamdaman ko ngaun eh Shuks ! (>///<)

" sorry.." Napatingin ako kay Lloyd, napatingin din ako sa paligid namin at madaming tao " S-Sorry saan ? " narinig kong huminga muna sya bago siyang tuluyang humarap sakin, Hinawakan nya yung mag kabilang kamay ko " L-Lloyd...." Nako po nauutal ako.

" May sasabihin lang ako syo at sa lahat ng tao na nandito..." Kumunot yung noo ko sa sinabi ni Lloyd " ano ba yung sasab---" hindi ko na natuloy kasi...

" CAN I PLEASE HAVE EVERYONE'S ATTENTION !!! "

O_O

Anak ng palaka naman oh bat pa kailangan nya kunin yung attention ng ibang tao na nandito, " Lloyd ano kasi bakit mo...." Ok hilig hindi mag patapos ng sasabihin.

" TO EVERYONE WHO IS HERE RIGHT NOW, YOU WILL SEE MY CONFESSION FOR MARIA KATEHRINE SANCHEZ " ah yun lang pala eh confe...ssion.

" WHAT !!? " sabi ko at sabay sabay na sabi din ng mga babae, " Lloyd huminahon ka muna baka na hihilo ka lang kaya mo nasasa-----" ANO BA ! Kanina pa ako hindi pinapatapos nitong guwapong nilalang na ito ah.

O____O

Patay, bat lumuhod si Lloyd ?

" Lloyd T-tumayo ka jan " sabi ko kasi nakakahiya eh, " Kate, alam mo bang matagal na ako sayong may gusto, hindi ko lang masabe kasi lagi kang wala, kasi may part time job ka, alam mo ba dahil sa kasipagan mo, at totoo ka sa trabaho mo , at hindi ka PLASTIC katulad ng iba , WALA. Kang KAARTIHAN sa katawan mo at sa MUKHA, yung kagandahan mo sakto na yan hindi na ako mag hahanap ng iba pa, kaya kung ok lang syo....." OH MY MOTHER FATHER GENTLEMAN !!! Parang ikinakasal ako kilig much ako.

" Kung ok lang syo, pumapayag ka bang manligaw ako syo ? "

" Kyaaaaaa~❤️ " ano ba ito napaka haba ata ng buhok ko !

BOOM !!!! Hindi ko na kaya, nag tatakbo ako sa tuwa at kilig !!!!

(A/N): Sorry po ngaun lang po ako nakapag UD hehe May emergence lang po talagang nangyari, sana po maintindihan nyo po ako tao din po kayo =">

Ms.Simple Meeting Mr.Rich [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon