[2] The One With Andreau's Dilemma

38.2K 1K 412
                                    

Wow, after two months lmao haha

Anyway...I'm back! Sorry for the long wait. Real life and other things happened. Sana may dalawa pang chapter ngayong February kasi ang dami ko nang utang sa inyo :)

Announcement: Until March 15, 2017 ang payment ng TSIB paperback batch 2. Order form: bit.ly/TSIBorderform.

#Thing2Ch2 is here! Yay! Hello kay Awkward!Andreau hahaha

***

The One With Andreau's Dilemma

Twelve years ago

February 12

"Admit it. You're stuck."

With a deep huff, Andreau stopped writing on the manila paper plastered on his wall and turned to face his best friend and his assistant, Dan. "No, I'm not."

Dan shrugged. "Yes, you are. Tignan mo nga yang Gantt Chart mo. Gawa ka pa nang gawa ng ganyan pero wala rin." He pointed at the manila paper, shaking his head. "You need help."

"No, I don't."

"Kung hindi mo naman pala kailangan ng tulong e ba't pa ako nandito?" Dan countered with a whine. "Hindi ako umattend ng GA para samahan kang mag-emo rito."

Andreau shrugged. Isa 'to sa pagkakataon na napapaisip si Andreau kung gusto rin ba ni Dan na mag-artista. Ang dami kasi nitong kaartehan sa buhay. "If you want to leave then go. No one's stopping you."

"Wag na. Ayokong umattend ng GA ngayon. Usapang Valentine's party lang naman, pwedeng maki-balita sa Facebook."

Parang nang-aasar pa si Dan nang lumapit ito sa pwesto ni Andreau at tinitigang maigi ang Gantt Chart sa pader. "Shit, you only have three months left to do everything here. Tutuloy ka pa ba talaga?"

"It's still a yes. I need to join this year," Andreau replied through gritted teeth. Nilapag muna niya ang iPad sa table bago nagpatuloy. "I still have time to do everything."

"Wala ka pa ngang topic para sa proposal mo. Paano na yan?"

His best friend should shut up any moment now or he's gonna drive him up the wall. Ayaw magpanic ni Andreau (hindi uso sa kanya 'yon) pero 'yon ang nararamdaman niya kapag tinititigan niya ang schedule na ginawa pa niya noong December. Oo na, wala pa siyang final topic...hence this brainstorming session. Humingi siya ng tulong sa best friend niya kaso...wala. Dan's not helping. At all.

Big deal kay Andreau na makasali at manalo sa CinePinas Documentary Festival ngayong taon. Ito kasi ang unang film competition na sasalihan niya outside the university. Ilang competitions na rin ang pinalagpas niya dahil sa kanyang hectic taping schedule, at pinangako niya sa sarili na hindi niya papalagpasin ang opportunity na 'to. Sumakto pa na kakatapos lang ng teleserye niya last week at may three month break siya kaya walang dahilan para mag-cram.

Kung tutuusin, madali lang naman ang pagkumpleto ng requirements ng proposal na ipapasa niya sa Festival Selection committee. Matagal nang handa ang portfolio niya at kayang-kaya niyang magsulat ng isang five-page proposal in just two weeks. That's why he'd allotted the last two weeks of January for the proposal writing para may oras pa siyang magrevise bago ang deadline sa February 26.

Pero February 12 na, exactly two weeks before the deadline, at blangko pa rin ang Word document ng proposal niya.

Andreau Cortez never liked procrastinating. Hell, he never crammed a single requirement in all of his subjects kahit nanghihina na ang katawan niya sa puyat at pagod. Andreau Cortez never half-assed anything, lalo na't may tatlong dahilan kung bakit kailangan niyang manalo this year:

Come On, CollideWhere stories live. Discover now