Chapter XXII. Much-Unawaited Week

160 7 6
                                    

Dedicated sayo, thanks sa pag-add sa story ko ^___^ Pati na rin sa iba, thank you!! Magdededicate rin ako sa inyo to express my gratitude, kasi kahit hindi naman ganun kaganda to tinatry niyo ahehehe! Naks! ansaveee hahahah! Sorry rin nga pala, grabehan kasi sa school kung alam niyo lang. Ahehehe. #SKL XD

'nyways After 48 years nakapag UD rin. MY GAWWWSH.

VOTE. COMMENT.

PORO MOSOYO :)))

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

[Vincent's POV]

Tuloy ang operasyon namin ni Chase. Grabe ah, pagkatapos naming magkabati eh nagkaron ulit ng sigla yung buhay ko. Hehe! Pero para ngang gusto ko nang sumuko sa ginagawa ko eh. Wala lang. Parang nami-miss ko lang yung dating ako at yung pakikitungo ko kay Elaine. Wala akong paki kung hindi man ganun si Elaine sakin. Siguro nga... Walang pakialam si Elaine, kasi palagi naman niyang kasama yung kumag na Lexis na yun. Sino ba naman ako para isipin at alalahanin pa ni Elaine diba?

Hays. Pero sabi rin ni Dave tuloy tuloy pa rin daw! Wala pa raw ako sa kalagitnaan. Nagsisimula pa lang daw ako (Daming alam eh no). Siguro nga... Hmm! Basta anuma't anuman, andito na 'to eh. Kakayanin na rin. Hahaha.

Anyways, this week papasok na si Dave sa school namin. Excited na nga ang loko eh, maraming girls raw ba ang magaganda dun sa school. Di ko nga sinagot.

Eh isa lang naman maganda sa paningin ko eh.

Haha. Hay naku. Bigla ko tuloy naisip, this week na rin pala papasok sa klase namin yung buwiset. Haaaaay. Makikipagsabayan na naman eh! Baka lalong maging wa-epek yung pag-papa-miss ko niyan eh. Wala rin. Matatabunan rin ako ng presensiya niya. =________=

"Kuya, ano tara na?"

Pagkatapos ng mahigit isang oras na pag-aayos ng kapatid ko eh natutuwa akong hindi napudpod ang bunbunan niya at buo pa rin ang salamin namin. Grabe ba naman kasi magpa-pogi. Buti pa ako, effortless :P Ahehe JOKE.

"Tara na."

Lumakad na kami, baka ma-late pa eh. Alam niyo naman yung teacher namin, aba kahit na gwapo ako walang sinasanto yun. Haha.

Buti walang traffic kaya nakarating kami agad sa school. Maya-maya naka-receive ako ng text kay Chase. Huwag daw muna akong dumiretso ng room, EMERGENCY DAW. Sa may school gym daw muna. Hmmm. Nakikinita ko, nagtatago na naman 'to kay Knicole! Hahahaha. Baka may kung ano na namang gustong ipakain sa kanya o ipasuot. Ang weird kasi nun eh, pero mabibilib ka.

Masikap. Hahaha. Ang alam ko pinsan siya ni Elaine ko eh. Hehe :">

"Tara bunsoy punta muna tayong gym."

"Bakit kuya? Tsaka pwede ba, Dave nga eh, diba?"

"Ayy sorry. Hehe. Wala andun kasi si Chase, may emergency daw."

Wala nang sinabi yung kapatid ko at sumunod na lang sakin. Dali-dali kaming pumunta sa may gym pero.. parang wala namang tao?

"Chase?"

Tawag ko. Nilabas ko yung cellphone ko at tinext si Chase. Baliw lang, asan na yun? Haha.

"Kuya, baka naman ma-late tayo nito. Asan na ba si Chase?" (Oo, Chase lang tawag niya kay Chase. Bastos na bata eh. Haha. Joke.)

"Ewan ko nga kung saan nagsuot yun eh, teka nga tatawagan k---"

"CHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAASE!!!"

"AAAAAAAAAGGGGH!!"

Napatakip kaming bigla ng tenga ni Dave ng um-echo yung matining na boses ng isang babae sa buong gym. GRABEEEEEE! Basag ear drums namin >_____< AAAAAAAGHH! Sakit talaga sa tenga! Nakarinig din kami ng boses lalaking napasigaw! Nahulog ata. Sigurado ako si Chase yun!

What a guy really feels...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon