Chapter XXI. Tropicana

158 4 6
                                    

I dedicate this to you............ WAHAHAHAH! <3

Ang tagal ko talaga mag-update. HAHA. :(

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

[Chase's POV]

Kanina, pagkapasok pa lang ni Vincent sa room, gustong-gusto ko na siya i-approach! Aba nagulat lang naman ako sa pagbabago niya physical at parang pati... mental? Tsk. May tiwala naman ako kay Dave sa sinabi niya saking may gagawin siya sa Kuya niya para naman kahit paano eh mapansin ni Elaine pero hindi ko akalaing ganito ka-"WOW." Hindi ko tuloy alam kung hahanga ba ako o mababahala. 

Kailangan ko nang makausap 'tong taong 'to. Naalibadbaran ako! WAAAAAAH! >___<

Nasaan na yung kadaldalan niya? Katangahan... Katorpehan... Parang wala nang bakas ng ganoong itsura sa kanya! Parang ang nakikita kong Vincent ngayon eh isang "MATINEE IDOL." Whew.

Pero problema ko rin kasi... 'Di ba nga nagtatampo sakin yan? Dahil dun sa nangyari sa kanila ni Lexis. Uhm... Nga pala... Speaking of that... Kasi... Magpinsan kami nun ni Lexis at dahil nga papasok na rin siya sa school na 'to one of these days eh dumadalaw siya sa bahay namin. Ayun. Humingi lang naman ako ng tulong sa kanya na "MAG-ACT" na manligaw sa isang babae para naman magising na si Vincent at ipaglaban ang nararamdaman niya eh ayun. PAGKAKATAON NGA NAMAN.

Childhood sweetheart niya pala si Elaine. T___T

Kawawa naman yung bestfriend ko! Pero hindi ko rin naman masisisi si Lexis. Tsk.

AKO ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO EH! Haaaaaay.

Malapit-lapit na ring mag-time. Tsk. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko, basta kahit anong mangyari kakausapin ko na si Vincent! GOOOOOO!!!!

---------

*KRIIIIIING!!*

Yes! Buti na lang hindi muna uuwi si Vincent dahil may kailangan pa silang gawin nung kasama niya ngayon sa Library. Malay ko kung ano yun, report ata? Ah ewan! Bibili muna ako sa canteen ng maiinom para naman hindi masyadong awkward ang dating.

"Pabili nga po ng tropicana. 2 po." Inabot ko yung bayad at inabot rin naman ng tindera yung tropicana. Eto kasi paborito naming laklakin ni Vincent.

"Oh baka may HIV yan ah."

AYY KABAYO! O_____O

Nagulat ako at kinabahan dahil biglang may nagsalita sa gilid ko. Lintek. Si Clarice lang pala. >__< Matagal na yung balitang yun, wala naman na siguro!

"Anong nangyari sa kaibigan mo." Pagpapatuloy agad niya.

"Ano sa tingin mo?" Nagsimula na akong maglakad, papunta na akong library pero sumunod pa rin si Clarice sakin.

"Dahil ba yun sa nangyari sa field?"

"Siguro? Ewan ko. Hindi pa kami nakakapag-usap." Tiningnan niya ako na para bang nagtaka at wala akong alam. Eh wala naman kasi talaga. Hindi ko lang masabi na nagkaroon kami ni Vincent ng tampuhan.

"Weird. Pero ang swerte ni Elaine no. Ginagawa ng mga tao ang lahat para sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo ba yung pakiramdam na marinig mismo sa kanya yung salitang "MAHAL KITA" pero hindi para sayo? Parang... Wala lang, parang gusto kong sarilinin na lang yung feelings ko para sa kanya. Wala rin naman akong magagawa eh."

Napaisip ako bigla. Hindi ko akalain na ganito pala si Clarice pagdating kay Vincent. Pero atleast natutuwa ako, may nagmahal sa kaibigan ko kahit nung lampa pa siyang tingnan.

What a guy really feels...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon