Chapter One

4.7K 104 44
                                    

She was puffing her cigarette nang may humablot nito at itapon sa malapit na basurahan. Magpoprotesta sana siya nang makilala ang kaibigang si Lavinia.

"Anong ginagawa mo dito?" Balewalang tanong niya at saka tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

"Talagang balak mong magburyo sa lugar na ito." When she said lugar ang tinutukoy nito ay ang condo nila ni Marco. Kasosyo niya si Lavinia sa negosyo. May RTW shop sila at Native Tailoring shop. Ilang araw na kasi siyang nakakulong sa loob ng condo at hindi siya lumalabas.

"Pwede ba iwan mo na muna ako. Kung pumunta ka lang dito para alamin kung okay ako. Just go!" Pagtataboy niya dito. "I don't need you. Si Marco ang kailangan ko."

Napapantastikuhang tinignan siya ni Lavinia. "Rida,  ano bang nagyayari sayo? Talagang si Marco pa ang hahanapin mo. E nasa kandungan na siya ng asawa niya ngayon." Deretsahang sabi nito. Mga salitang tila punyal na sumusugat sa kanya. "Kailan mo ba matatanggap na hindi kayo pwede? Kailan mo ba matatanggap na pamilyadong tao si Marco? Hindi siya bibitiwan ni Ruth naiintindihan mo ba?" Alam niyang naaawa lang ang kaibigan niya sa kanya.

"Hindi niya mahal si Ruth. Ako ang mahal niya!" Mariing pahayag niya. Lumabo ang kislap ng mga mata niya. Nawalan ng buhay.  Naguulap dahil sa mga luhang namumuo.

Tumawa si Lavinia. "Anak ng pusit naman Rida! Iba ang tibok ng puso sa tibok ng puson! Sinasabi mo lang na mahal ka niya dahil iyon ang pinapaniwalaan mo! Dahil kung mahal ka niya, ipapaglaban ka niya!" Tumaas na ang boses ni Lavinia. Pero wala siyang pakialam. Mahal siya ni Marco. Alam niya iyon. Nadarama niya. Hindi si Ruth ang mahal nito.

"Hindi totoo 'yan. He loves me. Ako lang. Magpapakasal kami." She said.

"Hindi ko alam kung anong pinakain sayo ng pusit na iyon at tila ikaw na ang mahigpit ang pagkakalingkis sa pag asang mayroong kayo. " Hinayaan niyang isa isang tumulo ang mga luha niya.

Ngayon lang siya iiyak. Ngayon lang. Pagbalik ni Marco dapat maganda at fresh na ulit siya. Kailangan niya iyon. "Tama na rida please. Maawa ka naman sa sarili mo." Nasa tono na ni Lavinia ang pagmamakaawa.

Alam niyang nagmamalasakit lang ito sa kanya. "Hindi, ipapaglaban ko si Marco. Kukunin ko siya kay Ruth. Dahil kami naman dapat ang magkasama hindi ang babaeng iyon." Matigas na tugon niya.

Hinawakan siya ni Lavinia sa braso. "So anong balak mo? Makikikabit ka ulit? Jajamper ka na naman? Illegal ang ginagawa mo. Tinalo mo pa sa pagjamper sa Meralco ang mga taga squatter ah! Wake up Rida! Wake up!"

Deretso siyang tumingin dito. "Kung kinakailangan. Dahil gagawin ko ang lahat mabawi lang ang dapat ay akin." Determinadong saad niya.

Napailing nalang si Lavinia. "Uulitin ko. Pamilyadong tao si Marco. May asawa at buntis ang asawa. Magkakaanak na. Anong hindi malinaw sayo doon? O nagbubulag bulagan ka lang?"

"Pero ako ang mahal niya. Ako. Ako." Nanghihinangsabi niya.

"Hindi ko na alam ang dapat gawin sayo para matauhan ka. Kailangan na ba kitang ipasagasa sa ten wheeler truck para magising ka sa katotohanang kasal sa iba ang lalaking sinasabi mong mahal mo? Kailangan na ba kitang ibitin sa puno ng kamatis para matauhan ka?" Yumuko siya.

Sinalat ang singsing na naroroon. Magpapakasal sila. At panghahawakan niya iyon. "Mahal niya ako. At nangako siyang ako lang."

Nadinig niya ang paghinga ni Lavinia ng malalim. "Naaawa ako sayo dahil kaibigan kita. Naaawa ako sayo dahil maling lalaki ang nakilala mo. Pero maawa ka rin naman sana sa sarili mo. Look at you. Mukha ka nang luka luka. Walang panama si sisa sayo sa pagiging baliw." Ekstraheradang sabi nito.



Napahawak siya sa buhok niya. May katigasan na nga iyon. Ilang araw na ba siyang hindi naliligo? Dalawa? O tatlo? Kung ilang araw nang wala si Marco ganoong araw yata hindi siya naliligo. Kumakalam na rin ang tiyan niya. Kung dati normal s kanya ang hindi kumain dahil diet siya ngayon naman ay wala talaga siyang gana. Si Marco ang nakikita niya tuwing kakain siya. Ang matamis nitong ngiti habang kinakain niya ang mga pasalubong nito. Ang mga nakaktawang kwento nito. Lahat yon ay naaalala niya.


Lumakad siya papasok sa kwarto. "Hep! Hep! Hep! Saan ka naman pupunta? " Tanong nito ng makitang nakuha siya ng damit sa cabinet.


"I need to see him. Maguusap kami. Nasisiguro kong pinagbawalan ng walanghiyang Ruth na 'yon si Marco. Baka tinakot. Baka nagiinarte." Kung ano anong sabi niya. Susundan niya si Marco. Hindi siya mananahimik sa isang tabi habang wala sa piling niya ang lalaking mahal na mahal niya.


"Bagay nga sayo ang pangalan mong Rida. Short for Kerida. Sige sumugod ka. Ipahiya mo pa ang sarili mo. Bigyan mo pa ng kahihiyan ang pagkatao mo. Lakad puntahan mo. Guluhin mo sila.. Ipagsigawan mong kabit ka ni Marco. Para naman laman ka ng tabloid bukas ng umaga." Nanggagalaiting sigaw ni Lavinia bago ito nawala sa paningin niya.


Naikuyom niya ang mga kamao. Hindi ako kabit.






To be continued...



-------

#HuwagMakiJamperSaDiMoAsawa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

QueridaWhere stories live. Discover now