Chapter 8

320K 10K 5K
                                    

Date

I guess this is suicide

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I guess this is suicide.

Ano ba kasing naisip ko at pumayag ako sa deal na 'to? A date with a girl that I don't like for the girl that I hate.

Nakakatawa.

"Bro, I'm not sure if your vision is still in good condition but Anya is the bomb." Sambit ni Waxy. "Madaming nangangarap na maka-date siya tapos ikaw ayaw mo? Siya na nga mismo 'yong lumalapit sayo. Okay ka lang ba?"

Bakit ba patay na patay sila kay Anya? Ano bang special sakanya? Wala naman. Magandang mukha lang naman ang meron siya.

"Sorry but I don't like her."

Sumingit si Byron. "Kung pwede nga lang, sa amin na lang siya makipag date kaso ikaw talaga 'yong gusto bro."

Ano ba kasing nakita niya at patay na patay siya sakin?

"Oh bro, nandyan na siya. Exit na kami. Good luck."

Iniwan agad ako ng dalawang mokong. Tinignan ko si Anya na papalapit na sakin. Iba na 'yong mukha niya ngayon kaysa nung nakita ko siya sa bar. Hindi na siya ganon ka aggressive pero sexy pa din ng damit na suot niya katulad sa bar. Naka sando at shorts lang siya pero kahit anong pilit ko, hindi ako naaakit sakanya.

"Hi, Skie."

Hindi ako ngumiti dahil in the first place ayoko naman talaga sa date na 'to pero naisip ko na kailangan ko nga pala siyang ma impress para ibenta niya sakin 'yong lintek na Paramore ticket na 'yon.

"Hi, Anya."

Tumabi siya sakin. "Akala ko hindi mo na tatanggapin 'yong offer ko."

"I really need the tickets."

"So, 'yon lang ba talaga ang dahilan mo? Hindi mo ba ako gusto?"

If I don't need something from you, I would slap a big "No" into your face.

"I don't have time for girls," reason out ko. "I'm busy enjoying my life. No offense."

Hindi ko alam kung malungkot ba siya sa sinabi ko o naiinis siya. "That's okay, I think I can change your mind." Hinawakan niya ako sa balikat ko papunta sa leeg ko. I politely remove her hand. Kahit ayoko sakanya kailangan kong mag panggap na masaya ako sa date na 'to.

"We'll see but for now let's do our deal. Shall we?"

"Sure, let's go."

Pumunta kami sa isang restaurant malapit sa school. Halos lahat ata ng pagkain dito ang mahal. Mauubos lahat ng allowance ko sakanya. Ubos na nga pera ko para sa ticket na 'yan.

"I'll order steak and salad, ikaw?"

"Same as you."

Ngumiti siya ng parang kinikilig pa siya. May nakakakilig ba sa sinabi ko?

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now