Chapter 16

824 12 3
                                    

AUTHOR's NOTE...

BABAWI ako.. hehehe

alam ko pangit yung last update medyo nag-focus kasi ako sa part na toh eh..

sooooo, ETO NA!!!

***************************************************************

LYSA's POV

...hayyyyyyyyyyy! happy 23rd birthday ate! and happy 18th birthday to meeeeee...

*click

"eh?? wala akong text?? kahit missedcall???" tanong ni Lysa while opening her inbox.

*ring.ring.ring

"hello??" excited niyang sagot.

"happy birthday sweetie!"

"pa??" tanong niya.

"Oo, bakit?? dika ba natutuwang tumawag ako to greet you?" sabi nito.

"syempre po, natutuwa.. SALAMAT po"

"hahA! sige alam ko madami pang ang nakapila para bumati sayo, see you at saturday, at your party"

...wala ngang nagpaparamdam eh, kahit si Camille?

"okay po! i love you pa, thank you"

After makipag-usap sa ama ay bumaba na si Lysa para mag-almusal at maghanda sa pagpasok niya.

"happy birthday LYSA!" bati ng yaya niya sabay abot ng isang box.

"Thank you yaya" masayang sabi ni Lysa, at binuksan ang box "WOW! yaya! SALAMAT PO!"

sa loob ng box ay isang balabal na kulay pink na simple at binurdahan ng pangalan sa laylayan.

"sana nagustuhan mo" sabi pa ng yaya niya.

"nakooo yaya, nag-abala pa kayo! syempre gusto ko po! SALAMAT"

Pagkatapos mag-almusal, naligo na si Lysa at nagbihis, at nag-ayos para pumasok.

"papasok ka na? dadaan kaba kay ate mo?" tanong ng yaya niya.

Tumango si Lysa.

"oh, ikaw na mag-dala nito sakanya, ibati mo nalang ako sakanya huh? ipapamisa ko nalang siya mamaya at ipagdadasal" bilin pa nito kay Lysa.

"okay po, thank you yaya"

Bago nga pumasok ay dumaan muna si Lysa sa cemetery para bisitahin ang puntod ng ate niya at dalhin ang pinadala ni manang para sakanya.

"gawa ni yaya yung burda niyan, happy birthday ate.. Ate, 18 na ako,salamat sayo alam kong binabantayan mo ako palagi" itinali ni Lysa ang shawl sa may bars sa taas ng puntod ng ate niya.

"paano?? ba-bye na! papasok pa ako eh, I love you" sabi ni Lysa sabay humalik sa puntod at umalis na.

Nang makarating sa school.

...di pa ba sila nagbubukas ng mga sites nila?? parang hindi naman sila ganito kapag birthday ko.

(FLASHBACK)

"UY! LYSA! san tayo mamaya??" sabi ni Jason classmate niya.

"batiin niyo muna ako" reklamo naman ni Lysa.

"HAPPY BIRTHDAY FRIEND!" sabi ni Pearl sabay akap kay Lysa.

"thanks"

"Happy Birthday!" sabi pa ng iba.

"HAPPY BIRTHDAY!!!" sabi ng LAHAT.

(END of FLASHBACK)

...pero bakit ganito?? parang wala naman ako?? kaluluwa na ba ako?

PA-FALL GUY (FAN-FIC) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon