Part I

17 1 0
                                    

I like someone .


Kaso, di niya alam na gusto ko siya . At kung umamin man ako, pakiramdam ko, mababalewala lang feelings ko sakanya . Kaya imbis na masaktan ako, kikimkimin ko na lang nararamdaman ko hanggang sa last na buga ng lungs ko . Yung tipong, AKO LANG ang makakaalam hanggang sa dulo .


Mahirap na, baka kasi mamaya, pag sinabi ko sa iba baka pagdating ng kinabukasan, may patarpaulin na mga kaklase ko na nakalagay pagmumuka ko kasama ng muka nung crush ko . Pag nangyare yun ? Gugustuhin ko na lang bumuka yung lupa tapos lamunin ako ! Baka nga kusa pa kong magpalamon kung sakali man eh .


Pano nga ba nagsimula tong letseng pagtingin na toh ? Erh . Well..

--

Matagal akong natigil magaral . Siguro mga 2years . Tengga lang sa bahay . Sideline sideline sa banda pag may tugtog sila kuya . Tapos nood lang ng anime o kaya basa ng manga maghapon pag wala naman . Dalawang taon akong ganun sa bahay . Hanggang sa, magdecide sila mama na ibalik ako sa pagaaral . Nung una, AYOKO . Gahd . Hindi niyo lang alam kung gano nakakapagod makisalamuha sa mga tao . Yung kelangan mong makipagngitian . Kelangan mong makipagbatian . Haays . Sabihan niyo na kong weird kung weird, eh anong magagawa ko ? Sadyang nakakapagod eh bat ba .


So ayun nga, papasok nanaman ako sa school . Kinunsulta ko yun sa ultimate bff ko . Si Janice . Ang tanging taong kilala ako mula ulo hanggang paa . Kahit nga places ng internal organs ko, alam na ata niyan eh .

Bat ko siya kinunsulta ? Erh . Sabihin na nating, tamad ako magisip . Hindi ko halos alam kung anong babagay na course para sakin . Kaya ayern, nagtanong ako sakanya . At ang bruha, malamang, sinaktan ako physically . Mapanakit kasi talaga yun . Yung tipong, sabihin ko pa lang yung salitang, "Ikaw nga magisip, TINATAMAD AKO",  eh nasapul na agad ulo ko . Sasabihin nun, "Bruhilda ka ! Magiisip na lang tinatamad ka pa ! Pisti ka !" . Di lang ako actually pisikal na sinasaktan niyan, halata namang pati verbally diba ? Bastos yan eh . Pero mahal ko yan .

So ayun na nga, sabi niya, dahil mahilig naman daw akong humarap sa baby ko (laptop ko), magandang mag I.T. na lang daw ako . POSIBLE daw may mapuntahan buhay ko pag yun ginawa ko . Napakabastos ng bibig eh .


Since in demand naman yun, pinush ko na . Hindi ko man maintindihan yung mga subject na nakalagay dun sa flier nila, may pakiramdam ako na kakayanin ko tong I.T. . Malakas ata instinct ko .


"Ayan Megan, pagbutihin mo na pagaaral mo . Wag na wag ka ng gagawa ng gulo jan sa school mo na yan . Please lang Meg . Ilang taon ka na . Hindi ka na bata . Maging mature ka na . Pagnatapos ka, kukunin ka ng tita mo sa London . Kaya tapusin mo na yan"

Tinatatak yan lagi ng mama ko sa utak ko . Hindi naman ako problem child . Sadyang, di ko lang gusto tabas ng dila ng mga prof dun sa dating school ko at ayaw ko ng sistema nila . Nakakairita din mga babae dun . Sarap takungin ng mga noo .


Well, move on na tayo dun kasi di naman importanteng part yan ng story .


So ayun na nga, nung gabi bago yung first day sa school, imbis na matulog, eh nakipagchikahan muna ako kay Janice .


"Naks . Back to school ang peg ni Meg !"

"Shaddup . Haays . Mababawasan na oras ko neto sa anime (__ __)" At biglang may lumipad na napakabigat na kamay sa ulo ko . Malamang, nasaktan ako . "Aw ! Janice naman ! Bakit nanaman ?!"

I like youWhere stories live. Discover now