Chapter 3

64.2K 932 37
                                    

THE 30TH PROPOSAL
CHAPTER 3 (RE-POST!!)

TAMAD NA TAMAD syang bumangon kahit alas onse na ng umaga. Ilang beses na rin siyang pinasok ng mommy niya para gisingin pero sadyang ayaw pa yata talagang bumangon ng katawan niya. Ilang araw na rin siyang ganito.

"Princess? Still asleep?" Narinig niyang tawag ng kuya Len niya sa labas.

"No kuya. I'm up." Aniya sabay lapit sa pinto at pinagbuksan ito. "Wazzup man? D'ya need something from me?"

"Go and see a doctor before your date, Princess." Anito na nagpakunot ng noo niya. Bukod sa katamaran niya sa pagbangon at pagiging antukin ay wala naman na siyang nararamdamang kakaiba sa katawan niya kaya bakit niya kailangang magpasuri sa doktor?

"Bakit po? Wala naman akong sakit." Sagot niya pero mataman lang siya nitong tinitigan.

"Maputla ka. One month ago when you came back from California, pagbalik mo rito napaka blooming mo. Everyone thinks you had someone you like pero mali pala kami. At ngayon, ang putla putla mo na."

Kumunot ang noo niya at sinundan ng tingin ang papalayong kapatid.

"Lagi naman akong blooming kasi sabi ni mommy, maganda raw ako." Bulong niya sa sarili habang papasok ng banyo para maligo ng mapatingin siya sa lalagyanan niya ng mga toiletries niya. Sa tabi niyon ay ang kalendaryo na kung saan binibilugan niya ang date kung kailan siya nagkaroon ng buwanang dalaw at kung kailan ulit siya magkakaroon.

Lalong kumunot ang noo niya ng makita na nakabilog ang petsang January 3.

Iyon dapat ang petsa na magkakaroon siya pero hindi siya dinatnan at January twenty three na ngayon. So ibig sabihin, twenty days na syang delayed!

Napaungol nalang siya at dali dali ng naligo at lumabas ng bahay. Ayaw niya ng nag iiisp masyado kaya mas mabuti ng magpatingin nalang siya sa doctor to comfirm kung totoo nga ba ang kutob niya.

Habang nahihintay siyang tawagin ng ang pangalan niya ay palakas ng palakas ang kabog ng dib dib niya. Halos lahat ng naroon ay mga buntis at kasa-kasama ang mga partner nila habang siya ay mag isa lang at kabadong kabado pa.

"Miss Princess Liana -"

"That's me." Aniyang hindi na pinatapos ang pagtawag sa kanya ng assistant ng OB-GYNE na pinuntahan niya.

Hindi niya ine-expect na isang gwapo at chinitong lalaking pala ang OB kaya parang nagdalawang isip pa sya pero sa huli ay itinuloy na rin niya. Ngayon pa ba siya mahihiya aeh nagawa niya nga na ipagkatiwala ang sarili niya sa lalaking isang gabi nya lang nakasama.

"Congratulations Misis."

"Miss pa po ako, doc." Aniya sa papahinang tinig.

"Then, congratulations Miss Fowler. You are four weeks pregnant!"

Pregnant.

Iyon lang ang naintindihan niya sa mga sinabi ng doktor sa kanya. Lahat ng mga ibinilin nitong dapat niyang bilhin na vitamins at kung anu-ano pa ay hindi na niya naintindihan. Basta isa lang ang tumimo sa isipan niya. BUNTIS siya at magkakaanak na ng walang ama!

She was happy. Really happy at the thought of having a baby inside her tummy but the realization that she didn't really even know the father of her child was the issue.

Hindi sa gusto niyang ipaako rito ang bata. Kahit naman siya lang mag isa ay kaya niyang bigyan ng mgandang buhay ang magiging anak niya. Pero ano nalang ang iisipin ng mga magulang niya? Ng mga kapatid niya?

At paano nalang kapag tinanong siya ng mga ito ng tungkol sa ama ng bata? Anong isasagot niya gayong nakilala lang naman niya ang nakabuntis sa kanya sa birthday ng kaibigan niya sa California more that a month ago. At hindi naman mangyayari ang nangyari kung hindi lang siya napagtripan at nilagyan ng kung ano ang alak niya na nainom rin ng tatay ng baby niya na sa pagkakatanda niya ay Art ang pangalan.

Kinonsola nalang niya ang sarili habang palabas ng clinic na at least, siguradong pogi o kaya ay maganda ang magiging anak niya dahil gwapo ang tatay nito.

Saka siya dumiretsong mag mall na mag isa. Magpapalipas nalang muna siya ng oras habang hindi pa oras ng date niya at malamang na iyon na ang magiging last blind date niya. Isa pa ay lilipad na siya pabalik ng California sa makalawa.

-

"AND LOOK WHO's here!" Aniya sa magkapatid na Terence and Meg na kauuwi lang mula sa States. "Meg, you've grown a lot! Look how beautiful you are right now!" Bola niya sa dalaga na kahit noon pa man ay maganda ng talaga. She's like a little sister for him at sigurado siyang ganoon din ang tingin ng ibang mga kaibigan niya rito.

Sa totoo lang ay wala na talaga siyang plano na sumama sa pagsundo sa magkapatid sa airport kung hindi lang siya nakaladkad ng kambal na sina Dwight at Clyde. Isang tambak ang paper works niya at malamang na kung ipagpapabukas niya ay lalo siyang matatambakan.

"Sa bahay nalang tayo mag inuman. Naghanda si Uncle ng marami kaya mag pool part nalang tayo." Ani Terence.

"Pass muna ako mga pare. Marami akong trabaho and I have to meet someone later."

"Hindi pwede!" Halos sabay sabay na sagot ng mga ito sa kanya at pagkatapos ay pinagitnaan kaagad siya ng kambal kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito.

Sa sobrang pagkalibang niya sa presensya ng mga kaibigan ay alas diyes na niya naalala na kailangan pa nga pala niyang sunduin si Liana.

"Sh*t!" Mura niya sabay ahon mula sa pool saka basta nalang isinuot ang slacks niya kahit basang basa pa siya. Wala na siyang oras na magpalit.

"Oy! Oy! Saan ka pupunta ha?" Habol sa kanya ng nakangising si Dwight...or Clyde or whoever he is basta isa sa kambal.

"May kausap akong imi-meet ngayong gabi kaya diyan na kayo!" Saka niya tinakbo ang sasakyan bago pa man siya muling mahila ng mga kaibigan pabalik.

"Damn! Damn!" Bulong niya.

Sa lahat ng ayaw niya ay iyong hindi tumutupad sa usapan at ngayon ay mukhang siya pa ang sisira.

He has this urging feeling to go and see that woman no matter what after hearing her voice last night. May bahagi na isipan niya ang nagsasabing kilala niya ang tinig na iyon at isa iyon sa mga hindi niya dapat na makalimutan.

He dial her number to check where she is at nakahinga siya ng masiglang boses nito ang bumungad sa kanya. She sounds like she's enjoying herself in the bar.

"I'll be there in a couple of minutes." Aniya bago tinapos ang tawag.

Pagdating niya sa bar ay may isang babae pa ang nakabungo sa kanya at muntik ng matumba kung hindi lang niya naagapan na hapitin sa beywang.

"YOU!" Sabay pa nilang bulalas ng magkatitigan sila.

---------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: kung nabasa nyo ang Shotgun Marriage, may idea na kayo sa story na ito.

Yun lang. Keep posting comments and just keep on voting! :)

Please do support "OWN ME" (Dwight's story) && "SIRE AN HEIR" (Irving's Story na on-going pa.) Thank you! :)

Love,

Riri.


The 30th Proposal (DH 2 || Completed in Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon