3.

19.1K 306 9
                                    

The number one question in my head was answered when I was about to go to school the next morning. Medyo maganda umaga ko sa hindi ko alam na dahilan. One hour before my class ay ready na ako kaya lumabas na ako sa pinto holding my keys.

Nakatayo na ako sa harap ng elevator, waiting for it to open ng magbukas yung pinto sa bandang likod ko. Unit ni Syd. I was expecting him to come out and we'll actually have a decent talk, pero babae na bagong ligo, naka mini skirt at puno ng alahas ang lumabas.

Automatic na nanigas ako sa kinakatayuan ko.

So. Talaga ngang me babae sya na kasama kagabi kaya hindi sya nag aya na sumama ako sa unit nya. Shit. I should get a hold of myself.

Syd is a womanizer. He can say he likes me and not mean it.

It's like his skill.

Pero somehow may laman yung pagkakasabi nya noong oras na iyon that made me believe him at least, around 50% or so.

Halatang nag iingat yung babae na huwag gumawa ng ingay ng isara yung pinto.

Then she stood beside me, waiting for the elevator door to open too.

And she smelled like Syd. Damn it! Parang bigla ay gusto kong manapak nang oras na 'yon.

What the hell? Where did that thought came from?

The elevator doors opened and sabay kaming pumasok. Bago pa sumara yung pinto after ko pindutin yung button, nagkalkal yung babae sa purse nya. Naglabas sya ng cigarette pack at lighter.

"Would you mind?" She looked at me, as if she was handling the pack and lighter to me.

Tinigasan ko yung expression ko. "Yes. Sa baba ka na lang mag sindi." Tapos umirap ako.

The girl looked like she was caught off guard at my reaction, pero hindi na nagsalita at hinawakan na lang yung hawak nya and just stood next to me. Mabuti naman at naka intindi kahit papaano.

Dali dali na lang ako naglakad palabas ng building.

Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng bus pero para ako'ng tanga na bulong ng bulong.

"Andrea!" Papasok na ako sa gate ng may marinig ako'ng tumawag ng pangalan ko.

Si Lay. And he looked freaking breathetaking while he's running towards me. Gwapo talaga, eh. Minsan nga naiinis na lang ako.

"What's up?" Pa cool na tanong ko. I stopped walking and looked his way.

He smiled. "Hindi mo ba kasama si Marco?"

Umiling ako. "Nope. Baka nasa room na sya sa taas." Kibit balikat na sagot ko, pero sa loob loob ko eh pinipigilan ko yung sarili ko na hawakan yung mukha nya. Parang ang sarap kasi hawakan. Ang kinis masyado.

"Alright. Invite ko sana kayo later. I met a girl from the other Univeristy and magba bar kami later. Sama kayo ni Marco." Malapad ang ngiti na sabi nya. 

"Uh.. I'll ask him. Okay lang sa akin. Papatawagan na lang kita kay Marco later." Ngumiti rin ako sa kanya.

Tumango  sya at nag thumbs up sign sa akin then kumaway bago tumalikod at patakbo na pumasok na sa building ng college of Arts. I sighed. Kung gaano ako kabilis kinikilig kapag nasa harap si Lay, ganun din kabilis mawala kapag wala na sya. So yeah, hindi ko yata talaga sya trip.

Pumasok si Syd sa isip ko.

Unlike Lay, Syd's lips are thin, pero mamula mula, hindi halata na naninigarilyo. They're on the same height, they tower over me. Pero kakaiba yung epekto ni Syd sa akin. Pangmatagalan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's A Beautiful MessWhere stories live. Discover now