Where na u, d2 na me?

28 0 0
                                    


            (Habang kumakain sa KFC sila Summer at Leslie, hapon ng martes.)

"Bheks,ano na? kelan tayo magbabaguio?"

tanong ni Leslie sa kaibigan.

     "Tatanong ko pa si mama kung kelan nya ako papayagan."

sagot naman ng dalaga.

"Ay ayus aahh magpapaalam ang gaga! ano nakain mo bhes?"

     Biro ni beklu.

        " kailangan kong magpakabait, kundi di ako papayagang pumunta ng Korea ni mama."

paliwanag ni Summer.

(Krrriiiinnnnggg!)

tunog ng telepono sa katabi nilang table,..

"oh where na u d2 na me?"

sabi ng babaeng katabi nilang table.

humagalpak ng tawa si bakla.

    "hahaha jologs!"

sabi pa nito.
at napansin nga ng babae ang ginawa at sinabi ni Leslie.
Tatayo sana ang babae nang pigilan sya ng katagpo nyang lalake at hinalikan sa pisngi.

"Kanina ka pa ba? "

sabi ng babae..

"Hindi naman ateng,  kadarating ko lang,  at mainit yata po ulo mo"

sagot naman ni Royce

"nakakaimbyerna kasi yung bakla sa kabilang table makapanglait akala mo maganda."

inis na sambit ng dalaga.

     "hayaeh mo na ateng keri lang yan, tara na."

at nang paalis na ang dalawa, saktong tumayo si Summer sa kanyang kinauupuan upang magbanyo nang makabangga nya si Royce, at tumumba sya sa sahig.

Agad namang iniabot ng binata, este ng nagpipilit maging binata ang kanyang kamay at humingi ng paumanhin.

   "Sorry po maam."

walang tingin tingin ay inabot ni Summer ang kamay nito at nang makatayo ang dalaga magkaharap na sila...

Halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nya sa mukha ng binata.
langhap nila ang hininga ng isa't-isa,  nang mapaubo si Summer.

Parang napahiya naman si Royce at iniiwas ang kanyang mukha at inamoy ang sariling hininga gamit ang palad nya.

   "(nagtoothbrush naman ako ah)" sambit ng binata sa isip lamang nya.

napansin iyon ng dalaga at namumulang sinabi.  .  .

"Ay sorry.. ok naman eeh.  este thanks pala.. ay! sorry di ka naman badbreath kuya,  may ubo lang talaga ako."

Tarantang sambit ni Summer,  at kapwa silang nagtawanan.

        "Royce nga pala, magandang dilag."

At nakipagshake hands ito.

"Summer po."

sagot ng dalaga.

Matapos nilang magshake hands hinaplos ni Royce ang pisngi ng dalaga, nilapit pa nya ang mukha nya sa mukha nito na parang hahalikan sya.

        napapikit naman si Summer at hinintay ang susunod na gagawin ni Royce.

"Alam mo teh,  mas bagay ang orange blush sayo.. at ang lipstick mo mas okey kung nude color.!"

sabay alis nila Royce at ng kasama nya.

Naiwang nakatanga si Summer ng tinapik sya ni Leslie.

         "Bhesh,ano yun?"

"Alin?"
nagtatakang tanong ng dalaga sa kaibigan.

"Yun,yung kanina lang.."
sagot ni Leslie.

"aaahh wala. ewan. tara na nga!!!"

Iretableng sagot ni Summer,  At umuwi na nga sila. . . . . .

Pagdating sa bahay nila Leslie may bisita sila.

  "Muuuuddddaaaannnnggg???"

sigaw ni bakla.

"Ay, ano ba tong bayot nato kung makasigaw! Bakit ba Leonardo?!"

Galit na sagot ng kanyang ina.

        "Ma, it's Leslie not Leonardo! may pasalubong ako sayo mudang!"

Paglalambing na sabi ng bakla.

   "Ano ba yan? may bisita pala tayo, mga pinsan mo from Mindoro. Ngayon mo pa lang sila makikilala kaya magbehave ka hah."

Sabi ng mama ni Leslie sabay kurot sa tagiliran nya.

              "Sinetchiwariwap? mga kasing Byawtipool ko po ba?"

Pabirong sagot ng bakla sabay pameywang.

"Ay matutuwa ka anak may kabaro ka na!Pero virgin pa yang pinsan mo kaya wag mong turuan ng kung ano ano hah."

Babala ng kanyang ina.

         "Ay,  ako pa ba mudang?  ang bait bait ko po di ba?"

Nag-ala anghel syang pinagdikit ang palad sa harao ng kanyang dibdib.

   "Royce! Shena!  bumaba muna kayo dyan at papakilala ko sainyo anak ko."

Sigaw ng ina ni Leslie, upang tawagin ang dalawa at ipakilala sa kanya.
maya maya pa ay bumaba na si Shena at kasunod nya si Royce na nakapantulog na.

Napanganga si Leslie nang makita kung sino ang mga pinsan nyang kinikwento ng kanyang ina.

          "Uuuuyyy!  ikaw pala yan Where na u,dito na me?"

natatawang sabi ng bakla.

"Bhe biro lang hah.. "
sabay bawi nito.

siniko sya ng mama nya at nagtatakang sinabi.  .  .

       "magkakilala na kayo? saan? kelan? paano?"

tanong nito.

         "dyan lang ma sa tabi tabi."
sagot ni bakla.

"oh sya,eto si Shena at Royce mga pinsan mong sinasabi ko, anak sila ng Tyang nene mo..
eto naman si Leslie ang Prinsesa ko."

pabirong sabi ng mama ni Bakla.

nagtinginan lang ang tatlo nang yayain silang kumain ng mama ni Leslie.

         "matutulog na ba kayong magkapatid?  kumain muna kayo ng Pizza na dala ng anak ko."

"ah busog pa po kami tita, sige po matutulog na po kami maaga pa po kami bukas e."

At umakyat na nga yung dalawa.

Tall (5'9), Dark and medyo nevermind ang itsura ni Royce di kagwapuhan.
matangos ang ilong, pangahan, malaki ang bibig., basta di gwapo ahh, pero di din panget.. sapat lang.
may pagka silahis..pero di daw sya bading, indenial o still inaalam pa nya kung ano talaga sya.
Matalino, tahimik lang at may pagka-introvert.
mailap sa tao nabully kasi nung bata pa sya.

Love is Blind (nga ba?)Where stories live. Discover now