Chapter 11 ESCAPE THE FATE [Xavier's POV]

14.7K 626 27
                                    

My Whoever,

                Nakilala na rin kita sa wakas...

***********************************************************************************************************


Si Rae ba yun? O namamalik-mata lang ako?

 

Kung hindi sya yun... ang sama namang magbiro ng tadhana. Bakit kung kelan naka-move on na 'ko sa kanya... saka ko sya makikita ulet? Saka kami pagtatagpuin kung kelan ko ginustong magsimula ulet. Maging masaya. Kagaya nung dati...

Bago ko sya minahal.

Haha. Korni bang simula?

Sorry naman. Hindi ko mapigilan... ang tagal na kase...

Ako nga pala si Xavier Anthony Roxas.

Three years ago... I fell in love with a girl... who never knew everything.

Ang pangalan nya ay Juliet Rae Castillo. Classmate ko sya.

Actually, matagal ko na pala syang gusto. Binabalewala ko lang kase akala ko passing fancy lang. Puppy crush ba. But I realized otherwise nung fourth year na kami.

Nagsimula lang yung realization ko na yun ng minsang mapaaga kami ng pasok nina Kurt sa school. Wala pang tao masyado kaya napaka-ingay namin sa corridor.

Nasa may pagliko na kami ng makita ko si Rae na nasa bandang unahan namin. Lumingon sya kase nga maingay kami. Ng makita nya si Kurt, para syang hihimatayin.

Nung time na yun... parang may kumirot sa puso ko.

Pinagtawanan sya nina Kurt. Alam kong nasaktan sya kaya tumigil ako sa tapat nya at nginitian sya. Na para bang gusto kong sabihin na... Okay lang yan. Pero hindi ko nasabi. Napangiti na lang ako.

Letters To WhomeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon