EXTRA: Renewed

11.7K 259 54
                                    

Kasi sabi niyo bitin eh and I needed a break from studying hahaha. So paano sila as magjowa? Ganito. :))

She let out a deep breath and momentarily closed her eyes. “Kinakabahan ako.” she said for the nth time today.

He squeezed her cold and sweaty hand to reassure her and flashed his widest and encouraging smile kahit hindi niya nakikita. “You can do this. Kasama mo naman ako.”

Napahinga na naman siya ng malalim at dumilat na. “I know.. Natatakot lang ako na baka mag-break down ako dun bigla. O may magawa akong mali.”

“Basta mag-enjoy ka lang.”

“Kayo ba yung volunteers for today?” tanong ng isang babae on the other end of the hallway. Nag-nod naman si Vice at ngumiti while K is still pacing around nervously.

“Oh, pasok na kayo dyan.” sagot nito habang nakangiti at umalis na.

Mga five minutes narin silang nasa labas ng pintuan pero dahil nga hesitant pa si Karylle sa gagawin nila ay ayaw pa niyang pumasok. Hinayaan lang naman siya ni Vice, alam naman niyang mahirap din ‘to para kay K since first time niyang magvolunteer sa mga ganitong outreach. Kung hindi nga lang niya pinilit si K eh hindi niya ‘to macoconsider gawin kahit kailan.

For the past two years, nag-iisponsor si Karylle para sa education ng mga bata sa World Vision. Naging part yun ng pag-aayos niya sa sarili, kasama na ng pag-open up niya ulit sa family at friends niya noon. Sinabi narin niya sa mama niya yung mga nangyari noon and she got nothing but love and support. She wasn’t judged like what she had feared before. Tinulungan nila siyang mag-move on at maging okay sa sarili niya ulit. Na-overcome naman na niya lahat ng problema niya noon, yung anxiety nalang niya around kids ang hindi pa talaga nawawala.

“Ready ka na ba?” tanong ni Vice sakanya which snapped her back to reality. She nodded weakly and tightened her grip on Vice’s hand. I’d have to face this soon enough, anyway.

He planted a soft kiss on her temple. “You’ll be okay.” he whispered bago niya buksan ang pinto.

Napalunok naman si Karylle sa nakita niya. Magulo, maingay, takbuhan doon, takbuhan dito. Parang gusto na niya agad umalis. Nilingon niya si Vice pero nakatingin lang ito habang nakangiti sa mga bata, tila enjoy na enjoy sa mga nakikita niya. Right, you love kids so much.

“O tara na.” sabi ni Vice excitedly habang hinihila si Karylle. Wala naman siyang nagawa kung hindi sumunod.

Nakadikit lang siya kay Vice the whole time, tumutulong ng konti sa pag-aabot ng pagkain sa mga bata. Hinayaan lang naman ‘to ni Vice, naisip niyang gagawin nalang nila ‘tong dalawa regularly hanggang sa maging comfortable na si Karylle sa mga bata.

Bigla namang may lumapit na batang babae kay Karylle at hinila-hila ang hem ng skirt niya. Bagong dating yata dahil wala pa siyang suot na party hat. Nag-crouch naman si K at tinanggal ang suot niyang party hat at nilipat ito sa bata. “Anong gusto mong kainin? Ikukuha kita.” kabado niyang tanong pero pinilit niyang ngumiti after.

Bumungisngis naman ang bata. “Spaghetti.”

Tumayo si K at inabot ang kamay ng bata at naglakad papunta sa buffet table. Nakangiti naman silang pinanood ni Vice.

Pagkatapos kumain ng mga bata, ineentertain naman sila ni Vice ngayon sa storytelling niya bago sila magsimula sa parlor games. Karylle was just smiling beside him, watching him work his charm on these kids. Parang gusto niyang maiyak, pero hindi na yata dahil sa guilt. The environment does not suffocate her anymore -- she is happy now. She couldn’t help but picture Vice with their future kids. You’ll make a good father. I think I can give you kids now, Vice.

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon