4: Began

12.9K 190 7
                                    

Nagulat si Karylle nang magising siya sa higaan. Naalala niyang sa sahig siya nakatulog kagabi dahil sa paghihintay kay Vice, o baka hindi nalang niya maalalang pumunta muna siya sa higaan dahil sa sobrang antok.

Dali-dali siyang lumingon sa kaliwa at tinignan kung may katabi ba siya sa higaan pero wala siyang nakita. Nakahinga naman siya ng maluwag. Nakarinig siya ng mahina at mababang paghilik na nanggagaling sa gilid ng higaan at napangiti siya nang makita si Vice na himbing na himbing pa sa pagtulog.

Dumiretso siya sa cr para mag-ayos ng sarili at paglabas ay binuksan ang ref para maghanap ng makakain. Meron nang mga microwavables na ulam, carton ng milk, at isa pang bote ng wine. Kumuha siya ng dalawang ulam at isasalang na sana ito sa loob ng microwave pero natigilan siya saglit.

Kailangan ko pa ba siyang handaan ng makakain? Baka naman mamisinterpret niya, may pagka-feeler pa naman yun. Eh, bahala nalang siya pagkagising.

“Uy, ano yan?” nagulat si K nang may nagsalita bigla sa likod niya. Si Vice, bagong gising at napakagulo pa ng buhok. “Wala na bang ibang ulam dun? Hindi kasi ako kumakain nyan eh.” sabi niya habang naglalakad papalapit sa ref at tinignan ang laman ng mga microwavables.

“Vice, please wear your pants. Or anything longer and more appropriate than that.” sabi ni Karylle habang nakaharap parin sa counter at hindi tumitingin kay Vice.

Natawa naman si Vice at naalala niyang nakasuot nga lang pala siya ng boxers. Kinusot-kusot niya ang mata niya para mawala ang antok at nilapag ang kinuha niyang ulam sa counter at naglakad papunta sa CR. “Right, sorry. Nasanay lang. Pakisabay naman sa microwave yung akin. And may coffee ba dyan?”

“I’ll check. Kung meron, ipagtitimpla nalang kita pero please magbihis ka na.” at binuksan niya ang cupboards to check kung may coffee. Meron naman siyang nakita at nilabas din ang bread at nagsimula na siyang magtimpla.

“Ito na nga. Grabe first time mo bang makakita ng lalakeng nakaboxers?” sabi ni Vice habang nasa loob parin ng CR.

Nag-blush naman si Karylle. “We barely know each other, ang weird lang na nakaboxers ka no.”

“So pag close na tayo, okay na?” sabi ni Vice habang tumatawa.

“Baliw!”

Lumabas narin si Vice sa CR after several minutes habang pinupunasan ang mukha niya ng towel at sinabit ito sa balikat niya pagkatapos.

“Ang tagal mo ha, talo mo pa ako.” sabi ni K habang kumakain. Sinaluhan naman siya ni Vice at uminom ng kape niya.

“Eto.. namiss naman ako agad.” pang-aasar niya.

“Mainit itong kape, gusto mong mabuhusan?”

“May 8 hours pa pala tayo.”

“Buti na nga lang maraming stock ng pagkain dyan eh. Wala pa namang tv. Pwede rin matulog nalang ulit.”

“Diba kumakanta ka?”

“Oo, dati. Sa banda.”

“Anong nangyari sa banda niyo?”

“Wala na eh.. Ikaw din diba?”

“Oo, sa chorale dati. Ngayon sa karaoke lalo na pag inuman. Hahaha. Sama ka sa amin minsan! Umiinom ka ba? I mean, yung hard drinks like vodka, gin.”

“Oo, pero hindi ako malakas uminom. Ilang shots lang kaya ko.”

“Ah. Pero sama ka sa amin minsan, minsan kasi sa department natin nagkakayayaan pumarty. Pero madalas sa mga resto grill lang, lalo pa may live band. Ang dami sa atin na nagbabanda no.”

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon