Best of the Best Graphic Contest

3.1K 38 15
                                    

Dumarami na ang patimpalak sa pag-eedit. Nagsisilabasan na ang mga graphic artist na may 'hidden talent' pala. Ang tanong.

SINO NGA BA ANG PINAKA-DABEST SA LARANGANG ITO?

Ang pag-eedit at paglikha ng isang masterpiece ay isa talagang maipagmamalaking talento. Pero tandaan natin 'gamitin ang talentong ibinigay ng Diyos hindi para maipagmayabang kundi maipamahagi.

Halina't sumali at makisaya! 

RULES

*Unang una sa lahat ay i-add niyo muna ito sa reading list niyo. Para updated kayo sa mga announcement.

*Kahit sino ay maaaring sumali. Magkakaron ng apat na rounds. Unang category ay Romance. Pangalawa ay Humor. Pangatlo ay Angst. At panghuli ay Fantasy.

*Sa bawat category ay magbibigay lang ako ng title at konting plot. Kayo na ang bahala sa characters at theme ng magiging cover niyo. Ang basehan niyo lang ay ang title at plot na ibibigay ko. Maaari niyong lagyan ng subtitle o kung ano pa. Be creative.

*Huwag kalimutan ang iyong pangalan sa graphics. At huwag kalimutan lagyan ng "Best of the Best Graphic Contest" ang cover na iyong gagawin. Marka ito na nilikha mo talaga ang cover na iyon para sa patimpalak na ito.

*Sa unang round, kukuha lang ng top 20 na makakapasok for the next round. Baka madagdagan pag madaming sumali. Kung kaunti lang ang sumali, top 10 lang ang kukuhanin. Sa second round magbabawas ng dalawa. Or baka madagdagan ang mababawasan kapag madaming sumali. Ganun lang din sa pangatlong round. Sa huling category/huling round, doon na kukuha ng winners. Kumbaga sa mga contests, yun na ang tinatawag na "FINALS" (Bakit Fantasy ang napali ko para sa huling category? Kasi sa tingin ko, yun ang pinaka-mahirap gawan ng cover)

*Respetuhin natin ang bawat isa. Kung anong ibibigay sa inyo ng judges iyon na talaga 'yun. Dapat handa kang tumanggap ng critisms. Ito ang makakatulong sa iyo na mag-improve pa. Think positive lamang.

*I-comment mo ang form mo sa tamang chapter ng Category para hindi masiyado nakakagulo sa utak. So bale may chapter ang bawat rounds. Example, 'Round 1: Romance' So under that chapter Romance category lang ang maari mong i-send. 

HETO ANG FORM:

USERNAME:

CATEGORY: (i.e. Romance)

LINK: 

MESSAGE MO SA KAPWA CONTESTANTS, SA SARILI MO O KAHIT KANINO.: (Freedom of speech lang. Kung gusto mong i-share na kinakabahan ka, na-bobored ka. O kung ano man. Isigaw mo lang kapatid.)

*Pagkatapos mong mag-submit ng form. I-status o i-message mo lang sa followers mo ito "I joined Best of the Best Graphic Contest: *insert link of the said graphic contest." Spread the word lang fo. 

*Have fun!

PRIZES: 

Dahil isa itong graphic contest. Hindi na magiging book cover ang pa-premyo. Hindi gaano kadaming premyo ang naandito. Dahil for fun nga lang ito.

THE BEST OF THE BEST GRAPHIC ARTIST (Winner)

1. Oh diba pak na pak ang title na dadalhin mo. Poster (image) with your bias na nakabandera ang username mo. Para siyang certificate na ikaw ang nanalo. BEST OF THE BEST GRAPHIC ARTIST. Sayo na ang titulong iyon. Pak!

2. FOLLOW from me. 

3. I-shashare ko lahat ng stories mo at kung may book cover shop ka i-rerecommend ko.

4. I-vovote ko lahat ng chapters ng stories mo. Maximum of five stories lang. 

5. 1 trailer

1ST RUNNER UP (2nd place. Parang pagaent lang):

1. Isa ding certificate na naglalahad ng iyong pagkapanalo. Poster with your bias at malaking username mo.

2. FOLLOW from me.

3. I-shashare ko lahat ng stories mo at kung may book cover shop ka i-rerecommend ko.

4. I-vovote ko lahat ng chapter ng stories mo. Maximum of three stories lang. 

2ND RUNNER UP (3rd place)

1. Isa ding certificate na naglalahad ng iyong pagkapanalo. Poster with your bias at malaking username mo.

2. I-shashare ko lahat ng stories mo at kung may book cover shop ka i-rerecommend ko.

3. I-vovote ko lahat ng chapter ng isa mong story. Isa lang.

Hindi man ganun ka-bongga ang prizes. For sure madami kang matatanggap na pa-premyo. Tulad ng bagong kaalaman, bagong experience, at saya. Hali na at sumali na! 

- Mastermind

Best of the Best Graphic ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon