Chapter 16: The Engagement

8.3K 138 5
                                    

-hellos-

Masayang namimili nang mga kagamitan sa bahay ang mag-katipan na Valerie at Caloy. Tapos na kasi ang kanilang wedding preparation hinihintay na lamang ang parents ng dalaga from State.

TURKEY, WINTER SEASON

May dadaluhan na engagement party ang mag-inang Diana at Miguel sa Ankara,Turkey. Kaibigan daw ito ng manager niyang si Julius Vega. Maliban sa D&L engagement party ay wala na siyang nabasa sa invitation card.  Sa ngayon unti-unti na niyang nakakalimutan ang binata matapos itong pumunta sa Hotel na tinutuloyan nilang apat. Hindi man sinasadya na nagkita ang mag-ama niya. Pero hindi na siya pumayag na makipagbalikan pa sa binata. Para sa kanya wala nang second change. Bastardo man ang anak niya pero mas hindi niya maatim na tawaging kabit. Hindi na niya hinintay na magpaliwanag noon si Linton. Basta ayaw na niya, she's happy with her son.

Matapos gumayak ay dumating narin ang sasakayan na sundo nila papuntang Ankara.

"Mom, wala na po ba kayong balak na balikan pa si Daddy? sayang naman po kung ayaw muna."

"Anak, tapos na kami ng Daddy mo. Wala nang second change, kuntento na ako sa iyo. Iyong ikaw, sila Lola at ang mga uncle and auntie mo. Masaya na ako kong anong mayroon tayo ngayon."

" Pero mahal mo siya at mahal karin niya, bakit po?"

" Long story anak, basta. Someday you understand what Mommy trying to express. May mga bagay na dapat ng ibaon sa limot. Masaya naman ako noon na kasama siya at ikaw ang naging bunga ng pagmamahalan naming iyun. Walang makakapantay nun anak." Bilang actress kaya na niyang kontilin ang sariling emosyon.

" Okay po,"na ngumiti nang makahulogan si Miguel pagkatapos ay  binuksan ang i-phone nito at nag-log in sa instagram. Tahimik na silang mag-ina sa loob ng limousine. Saka umusad na ito paalis.

Matapos ang isang oras na biyahe sa wakas narating din nila ang the SULTAN MANSION. Biglang kinabahan ang dalaga pero binaliwala nalang sa niya ang kakaibang nararamdaman. Maraming media men sa labas at talaga naman makikita sa labas pa lamang ang paghahanda sa nasabing engagement party. Animo'y red carpet sa Hollywood movie premier. May mga taga-showbiz, politics na imbitado. Maingay at nagkikislapan ang halos daan-daan na mga cameras. Bawat labas ng mga bisita ay hindi magkadaugaga ang mga reporters. Sa pagkuha ng videos, photos.

Samantala pinagbuksan sila ng driver ng limousine.

" This way ma'am," ani pa nito sa kanila. Ngumiti lang siya bilang tugon. Saka nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng mansion.

Mabilis na nagsilapitan ang mga media men sa dalaga. Pero kumaway nalang siya. Hindi na humarap o nagbigay nang mensahe. Para wala nang masabi pa na kung anu-ano wala naman siyang idea sa mga ikakasal. Sikat narin siya sa bansang Turkey matapos ipalabas ang teleserye niyang De Amour. At ang dalawang produktong siya ang endorser.

Samantala masayang nakikipag-usap ang binata sa mga bisita nila with his parents. Nang pumasok ang dalaga sa bulwagan kasama ang anak na si Miguel. Si Miguel ay open sa publiko hindi niya kailanman itinago ang anak sa mga tao. Madalas din niyang kasama sa mga food comercial ang anak. Marami man ang nagtatanong sa kung sino ang tunay na ama ng anak niya. Binabaliwala na lamang niya ito.

Tila slow motion ang paglingon ni Linton sa mag-ina niya. Natigil sa paglalakad ang dalaga. Lalo na nang mapasin ang mataman na nakatitig sa kanya ang binata. Bigla siyang nakadama ng hiya, kaba at excitement?

"Bye Mom,"

"Teka anak, saan ka papunta?"na akmang susundan ito.

"Bathroom Mommy," nakangiti nitong tugon sa ina na palihim na kinindatan ang ama. Walang nagawa si Diana kundi hayaan ito. Paglingon niya muntikan pa siyang mabuwal mabuti nalang at sa dibdib ni Linton siya bumanga. 

SIXTEEN YEAR OLD MISTRESS(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon