Move On, Move On Din Pag May Time!

4.2K 167 50
                                    

Author's Note: Guys please support my new full story: "The Romeos & Juliette" and "Mismatched" sa account kong @springdaisies

To those have been crushed, this one's for you.

Meron akong crush, pero, he doesn't crush me back at cin-rush nya ang heart ko. Hindi naman literal na cin-rush talaga, pero sa mga signs na pinapakita niya, cinu-crush nya ang puso ko. Wala din naman siyang sinabi na hindi nya ako gusto pabalik, di ko naman na din tinanong kasi ayokong malaman yung sagot. Kaya eto ako ngayon, nakatayo habang nakatanaw sa malawak na karagatan, pinagmamasdan ang mga ibong nagsisiliparan habang pinapakinggan ang agos ng tubig. Hindi joke lang, imagination ko lang talaga yan.

Nakaupo ako ngayon habang nagsasalita ng kung ano ano yung teacher namin sa physics na kahit anong piga ko sa utak ko ay di ko maintindihan mga pinagsasabi niya kaya heto ako at nagdoo-doodle nalang. Tumingin ako sa kaliwa ko, kung saan, sa di kalayuan ay nakita ko yung crush ko for four years, si Adrian. Nagsusulat siya at mukang nakikinig sa teacher namin sa physics. Hindi siya ganon katalino, pero kahit papano, may laman naman ang utak niya. Nagulat ako at nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya binawi ko yung tingin ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa notebook ko kung saan, sinulat ko kung paano nga ba, mag move on.

Paano nga ba mag move on? Pero bago yun, ano nga ba ang move on? Move on, isang seven-lettered word na napakadaling sabihin pero mahirap gawin. Kelan nga ba ginagawa ang pag-momove on? Para sakin hindi lang yan para sa mga syotang nagkaroon ng malabong usapan na napunta sa hiwalayan. Para sakin, pwede itong gamitin kapag nahulog yung pagkain mo, sa sobrang shock mo sa pagkahulog nang pagkain mo eh nalungkot ka, wala ka namang magawa kasi nahulog na, no choice ka kundi mag move on. Pwede din sa crush mo, sa crush mo na di alam na nageexist ka sa mundong ito. Sa crush mo na may gustong iba, sa crush mo na hindi ka kilala. Sa crush mo di ka magustuhan pabalik. Sa crush mo na kagaya ko, kilala ka, pero, hanggang ka-kilala lang. Yung tipong nag-hi ka sa facebook at naseen-zoned ka lang, yung tipong tinext mo na nang nobelang kasing haba ng noli me tangere kasama ng sequel netong el filibusterismo eh, haha lang ang reply sayo, na-haha zoned ka. Nako te, kung na seen-zoned ka at na haha-zoned ka, mag move on ka na. Move on move on din pag may time. Ika nga nila, there are plenty of fish in the sea, yun nga lang. Shokoy ka.

Kung isa ka sa mga taong hindi pinapansin ng mga iniirog nila, in short, crush, congrats. Kinuha ko yung mygel 0.5 kong sign pen at nagsulat sa likod ng physics notebook ko. 

Ten Steps on how to Move On:

1st Step: Magpaganda ka, magayos ayos ka, pero di naman yung tipong nagmuka ka nang clown sa dami ng harinang nilagay mo sa muka mo ha? Eh yun eh, kung may igaganda ka pa. Pero kung wala na, magdasal ka nalang na sana gumanda ka. Onting dasal lang yan. Amen.

2nd Step: Kumain ka ng chocolate. Wag mong hayaang maistress ka dahil lang sa di ka pinapansin ni crush. Wag mong iyakan yon, aba hoy. Hindi siya patay para iyakan mo. Patay lang iniiyakan. Tsaka mo na siya iyakan pag namatay na siya o kaya naghihingalo na siya. Wag naman sana. 

3rd Step: Magpaka-busy ka. Yung tipong pag nagpapatulong yung teacher mo, tulungan mo, magvolunteer ka. Magpakabusy ka, effective yan promise. Pero wag mo naman akuin lahat ng gawain ha? Uto-uto na tawag sayo nyan hindi na nagpapakabusy.

4th Step: Magrelax ka, enjoy. Wag mo munang problemahin kung bakit hindi ka crush ng crush mo. Sasakit lang ulo mo. 

5th Step: Kumausap ka ng kaibigan na pinagkakatiwalaan mo, o kaya bestfriend mo, tatay mo, nanay mo o aso niyo. Ilabas mo sakanya yung nararamdaman mo. Gagaan ng onti pakiramdam mo, promise. Pero wag kang iiyak ha? Baka lumobo sipon mo nakakahiya ka. 

6th Step: Gumala ka! Party with your friends. For sure naman may friends ka diba? Eh kung wala, good luck nalang sayo. 

7th Step: Smile, chin up, be proud. Dumaan ka sa harapan ni crush nang nakangiti at nakachin up. Pero wag naman sobra ha? Baka mag-muka kang tanga. Parang medyo, slight, na ipapamuka mo lang sa crush mo na hindi siya kawalan. 

8th Step: Reminisce good times. Taray, english yan. Sa tagalog, alalahanin mo lahat ng mga ala-ala nyo ng crush mo. Yung tipong kahit na nadapa ka sa harapan niya at tinawanan ka niya, alalahanin mo. Nasa 8th step ka na, for sure pag naalala mo yun, matatawa ka nalang. Di ka na masasaktan. Kung nasasaktan ka pa, boba! Di ka nagmomove-on. Niloloko mo lang sarili mo na nagmomove-on ka kahit hindi naman. Bumalik ka sa step one. Tse! 

9th Step: Ready your heart. Breathe in and out. Eto na, malapit nang matapos. Ihanda mo yung puso mo, for someone better. For someone whose demon is compatible with you. Wag kang matakot iopen up ulit ang puso mo, di porket nasaktan ka ng isang beses eh matatakot ka na umibig at magka-crush ulit. Pero kung mahigit sampung beses ka nang na haha-zoned at na se-seen zoned, magmadre ka na!  

10th Step: Close your eyes, and let go. Eto na yung huling part. Kung talagang desidido kang magmove-on, magagawa mo 'to. Wag kang magpakatanga, ang katangahan hindi ina-araw-araw yan. Ipikit mo ang mga mata mo, huminga ka nang malalim, bumilang ka hanggang sa tatlo, at saka umutot. Hindi, biro lang. Pakawalan mo na pagkabilang mo nang tatlo.

Ilang araw ang lumipas simula nang ginawa ko yung steps na yun at effective nga siya. Napakagenius ko talaga. Kung pwede lang pakasalan ang sarili ko eh ginawa ko na. Malapit na akong makapagmove on kay Adrian. Nasa 10th step na ako, at satingin ko, ngayon na magaganap yung 10th step. Physics class ulit at wala akong magawa, humikab ako at napalingat ako sa kaliwa ko, nakita ko si Adrian na nagsusulat, tumingin siya sakin at nagkatinginan kami. At bigla niya kong nginitian. 

Aba puta. Balik to step one ata ulit ako. 

"The Romeos & Juliette" and "Mismatched" on my other account @springdaisies (CLICK THE EXTERNAL LINK)

Move On, Move On Din Pag May Time!Where stories live. Discover now