Field Trip: Ghost Hunting

492 7 13
                                    

''Drake! Drake! Tara na!'' Sigaw ng kaklase kong makulet na mabait, na si Yuutah.

Excited na excited ako pumunta sa Star Camp.... Habang nagkukulitan kami sa bus nina Yuutah, Kyla, at Hanna. Nagtataka ako kung bakit si Jiren ay wala mang kibo o saya para sa field trip.

Nilapitan ko siya at sabay kong tinanong.

''Jiren bakit ka malungkot, dahil ba sa magulang mong palagi kang pinapagalitan?''

''Hindi'' 

''Eh ano? Dapat nga masaya ka sa kanila dahil pinasama ka sa field trip natin.''

''Basta. Di ko naman sila magulang. AMPON LANG AKO.'' 

''Eh sino yung totoong magulang mo Jiren?''

''Dun mo malalaman.''

''Saan?''

''Sa Star Camp''........

Habang nag fafacilitate si kuya Edmon ay nakatingin lang ako sa view. Biglaang may naramdaman akong kakaiba nung nakarating na kami sa Barangay Liwanag. 

Napalingon ako kay Jiren at siya ay nakatingin lamang saakin. At mas lalong kinabahan ako at tumaas bigla ang aking balahibo.

''Hoy drake!'' sigaw ni Yuutah at sabay niyang tinanong.

''Bat ang weird mong ngayon?'' 

''Ay wala, medyo nahihilo lang ako.''

''Samantalang kanina ang saya-saya mo tas ngayon naglaho ang kasiyahan mo.''

''Ganyan talaga kapag nahihilo.''

''Hahaha.''

....

Nakarating na kami sa Star Camp. Malinis at Maaliwalas dito, bagay maging libangan ito. Pero bakit parang walang masyadong pumupunta dito?

''Dahil pinagbabawal na pumunta dito''. Sagot ni kuya Edmon 

''Ha? Bakit naman tayo pumunta ditokung bawal pala?''

''ito na ang napiling pagpuntahan ng inyong prinsipal.''

Pumunta kami sa aming cabin at nag-ayos ng mga gamit. 

Kumatok si Jiren at yinaya akong makipag-usap sakanya.

''Drake, masaya ka ba sa magulang mo?''

''Oo naman palagi nga nila akong sinasama kapag umaalis sila.''

Nagkakagalit ba sila sa isa't isa?

Oo, kapag nawawalan ng trabaho si papa at nahihirapan siya humanap ng iba.

'' Ngumiti si Jiren at biglaang umalis.''

Humiga na ako para maktulog na rin. (knock knock) 

''Sino yan?'' tanong ko.

----''Si Yuutah to Drake buksan mo naman oh....Drake pwede bang magtanong?''

''Eh nagtatanong ka na nga eh''.

-----''Eh, gusto ko sana mag Ghost Hunting, with friends.''

''Hunting? Ayoko matutulog naako. May activity pa tayo bukas dapat maaga tayo matutulog.''

 ----''Ahh sige, tulog kana kami nalang mag-lalaro.''

........................

(knock knock) .......

''Ano banaman yan di man ako makatulog. Sino yan? Yuutah?'' ............walang sumasagot.

''Yuutah ikaw ba yan?'' Binuksan ko ang pintuan at wala namang tao. Kinilabutan ako sa takot.

....... ssst .....

''Sino yan?'' Nung pagka-lingon ko ay naka bukas ang bintana. 

Tulungan mo ako. Ang sabi ng babae na nakatayo sa sulok. Puno ng dugo ang kanyang katawan at iyak ng iyak. Unti-unting siyang tumatalikod at napapa-urong ako sa takot. 

''Wag po, wag nyo po ako patayin.''

---''HAHAHAHAHAHA! hahahahahah! ''

''Yuutah?! Ikaw ba yan? Hinayupak ka. Ano ba trip mo.''

---''Sumama ka na kasi Drake wag kang duwag.''

''Nananahimik ako tapos nanggugulo ka. ''

---''Sige na kasi''. ''Yuutah! Sigaw ni Jiren''. ''Tawag na ako nila sumunod nalang kapag gusto mong sumama.''

''Uy sasama ako. Pero may babaeng umiiyak kanina humihingi ni tulong.''

---''Ha? sinong babae. Ay! ikaw Drake ah nambababae ka na pala ah.''

''Gago hindi, siryoso ako may babaeng nakatayo diyan sa tinatayuan mo kanina sa sulok!''

---''Wala akong nakita Drake, pero may nararamdaman rin akong kakaiba eh. Sabi nga ni Jiren namatay ang magulang niya dito sa Star Camp. Kaya wag mo ipaalam sa kaniya.''

''Bakit naman?''

---''Basta''

''Eh sino naman may balak na mag Ghost hunting tayo?''

''Si Jiren.''

Field Trip: Ghost HuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon