Prologue

41 0 0
                                    

PROLOGUE

Shit.

Pano nila ako nahanap!? Bwisit talaga!

Dali-dali kong nilingon ang paligid para makahanap ng daan na pwede kong takbuhan

Maingat ang bawat hakbang ko dahil isang mali ko lang makikilala nila ako

"Ayun siya!" Bahagya akong lumingon ng masiguro kong ako ang itinuturo nung unggoy na naghahanap sakin

Dali-dali akong tumakbo, wala akong pakialam kung may mabangga ako ang importante makaalis ako dito

Rinig na rinig ko ang mga boses nila sa likuran ko, mukhang malapit lang sila

Kaya ng may makita akong mga kahoy na may mga lamang prutas sa gilid ay agad ko itong hinulog kaya naharangan ang tinatakbuhan nila

Nako sorry talaga lord, kailangan ko lang makatakas sa mga chararat na yon

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at sumuot sa isang madilim na eskinita

"Dito!"

Tangina nasundan pa din ako!?

Binilisan ko ang pagtakbo ko at saktong may nakita akong lalaking naglalakad

Sorry kuya pero kailangan kita ngayon

Di na ako nagdalawang isip at hinatak ko siya saka dinala sa gilid

***

"Damn it!"

Nasipa ko na lamang ang gulong ng kotse ko sa sobrang inis

Ang daming araw na pwedeng masira ngayon pa! Bwisit!

Wala na akong magagawa nangyari na, no choice kundi maglakad.

Nakakainis wala pa namang ibang daan dito kundi sa isang madilim na eskinita

Napakadilim, hindi ko naman magamit yung cellphone ko bilang pang ilaw dahil lobat dagdag mo pang medyo malabo na yung paningin ko dahil mukhang tinamaan ako sa ininom kong alak kanina sa party. Kundi ka ba naman talaga minamalas

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko may bigla na lamang humatak sakin sa isang gilid

"Teka! Hoy!" Sigaw ko sa kanya

Putangina sino ba to? Holdaper? Snatcher? Pucha wala akong dalang pera noh.

"Kiss me" mariin niyang sabi

Napatigil ako, pucha babae! Aba't!

"Miss hindi kita girlfriend, kakilala o nakikita kaya bakit kita hahalikan!?"

Hinigit niya ang kwelyo ko at nilapit sa mukha niya as in sobrang lapit kaya nagkaroon ako ng chansang makita ang mukha niya dahil sa konting ilaw ngunit medyo malabo dahil nahihilo ako

"Pag hindi mo ginawa yon, we'll both die here" mahina ngunit madiin niya saad

I got goosebumps with what she said

Bigla siyang lumingon ng may marinig kami sa di kalayuan

"San banda?"

"Dun ko siya nakita"

"Sige dito ka dun ako"

Naramdaman kong may hinubad siya

Shit. Ayokong magkasala sa eskinita ang cheap!

Nakarinig kami ng mga yabag at bigla niya na lamang akong hinatak at ikinapit ang mga kamay niya sa leeg ko

Then I felt her soft lips against mine

I was lost with the sweet sensation of her kiss

Nararamdaman ko na lamang na onti-onti ko nang hinahapit ang bewang niya papalapit sakin

I deepen the kiss, damn she's a good kisser

Para akong lalong nalalasing ng dahil sa kanya.

I went down on her jawline then on her neck, she smells good too.

"Hoy sa hotel kayo maglampungan! Hahahaha" nakarinig kami ng sigaw ng mga tumatakbo

Pero binaliwala ko yun, Im too drawn with this kiss. I don't even know her.

Bahagya niya akong tinulak kaya natigil kami

May sinilip siya sa likod ko at sa magkabilang gilid ko

Saka siya sumandal sakin

"They're gone" bulong niya

Hinawakan niya ang kamay ko saka muling hinatak kaya napatakbo na lang din ako

Lumiwanag na ang nadadaanan namin mukhang nakalabas na kami sa eskinita

Bigla siyang huminto at hinarap ako

Pucha. Naka-jockpot ata ako.

"Pasensya ka na kung nadamay ka, wag ka mag-alala hindi nakakabuntis ang halik"

Napakurap ako sa sinabi niya, binabawi ko na ang sinabi ko aba't! Gawin ba akong tanga!

"Hindi ako tanga miss"

"Wala akong pera pero sapat na sigurong kabayaran yung halik ko bilang pasasalamat kaya, aalis na ako bago pa bumalik yung mga pangit na humahabol sakin"

Wow. At mayabang din siya ah. Siya nga tong swerte dahil nahalikan ko siya noh!

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang siyang tumakbo palayo

Tangina iniskoran ako! Tapos tatakbo ng di ko alam yung pangalan niya!?

Napatingin sa sahig dahil nahulog niya yung chekered niyang flannel

Ito yata yung hinubad niya kanina.

Napailing na lang ako, ilang sandali bago ako mabalik sa tamang isip

And realization hit me. She used me as an escape goat damn it!

They Spell TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon