Stuck (One Shot)

69.6K 2.5K 601
                                    

Kharu's Corner:
OneShot agaaaaaain. May isa pa kong ipo-post bago mag-bakasyon. Sana ma-enjoy niyo kahit maikli lang 'to. Godbless!

@Filipina: Idooool. HAHAHA. Kahiya-hiya man sa'yo. XDD

**************************************************************************************************************************

****

"Grabe ka Ryuu! Biruin mo pati yung nanalo sa pageant patay na patay sa'yo?"

"At hindi lang yun! Pati yung SC President ng All-Girl School sa kabilang village nabingwit mo! Mamigay ka nga!!"


Kinutusan ako ng barkada ko. Mga bangag. Kasalanan ko bang habulin ako?

Para namang ginusto ko talaga 'to.


Oo nga't gwapo ako, sikat, mayaman at kahit papano top 38 naman ako sa campus.

Kala mo perpekto 'no? pero NICE.


Isa akong malaking TORPE.

Kung sana yung babaeng mahal ko, isa sa mga humahabol sa'kin, edi masaya na!

Kaso, hanep! Siguro nga parang hindi ako nage-exist sa mundo niya!


Sino ba ako para mapansin niya? Putik. Ambaduy, dude.


Matalino siya, malinis sa katawan, tahimik.. Ang layo niya sa'kin, bulakbol, basagulero, magulo... Pwede ring g*go.

Ilang beses na 'kong sumubok na kausapin siya. Gustong-gusto kong lumapit pero tinatamaan talaga ako ng hiya. Napapa-tigil ak, tapos tititigan ko na lang siya hanggang matapos ang isang araw na hindi ko siya naka-usap. Langya. Nadidikit yung paa ko sa lupa.

'Di ko rin alam kung bakit ang lakas ng tama ko sa kanya. Basta nung nakita ko siya nung second year, hindi ko na siya naka-limutan. Isang beses pa lang kaming nakapag-usap. Nung minsang natawag ako sa graded recitation, hindi ako maka-sagot. Katabi ng pintuan yung upuan ko. Napadaan siya, saktong inulit ni Ma'am yung tanong. Nagka-titigan kami. Tinuro niya yung sagot at TAMA yung sinabi niya. Ang galing pero TAKTE, napa-hiya ako dun.


Bakit kasi ang torpe ko. Gross.

Sabi ng iba, cold siya. Pero para sa'kin, mas bagay yung term na COOL.

Niyaya ako mag-DOTA ng barkada ko, tumanggi ako. Basta wala ako sa mood. Mas gusto ko magpa-hangin.


Habang umaakyat ako sa rooftop, ini-isip ko kung masasabi ko pa ba sa kanya bago kami mag-graduation. Takteng ka-torpehan naman 'yan, na-imbento pa!!

Masarap yung hangin sa rooftop. Nakaka-antok. Dito ako dumi-diretso kapag trip ko mag-cutting.

Lumingon ako sa paligid. Ayos. Walang tao. Dito ko lang naman nasasabi yung mga gusto kong sabihin eh. Palibhasa walang makaka-rinig sa'kin.


Umupo ako sa railings. 1....2....3....

"MAHAL NA TALAGA KITA ZHAIRA/RYUUJI!!!" Huwatda? Bakit may kasabay ako? At bakit narinig ko yung pangalan ko?


Nanggaling sa storage room yung boses.


At hindi lang basta boses. Parang..... AAAAAAAAH!


"S-S-S-S-S-S-Sinong N-N-Nandyan??!" Syeeeeeeeeeeeet.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.



May isang babae na naka-upo sa sulok. Naka-ubob siya sa tuhod niya.


Pero kahit gawin niya 'yun, alam ko kung sino siya.

"B-B-Bakit ka nandito???" Anak ng pating naman! Ang sama ng pakiramdam! Mata-tae yata ako dito.

"M-May narinig ka ba?" Sabi niya. HUWAW. Narinig ko ulit ang boses niya...


"H-Ha?? Ah O-Oo.. M-meron." E siya kaya, may narinig siya? Linteeeeeeeeeeek.


Yumuko siya lalo.

Maya-maya, humihikbi na siya. Oh men!! What did I do????


"H-HOY!! B-Bakit ka umiiyak??" Nagb-backle akooooo!! Uwi na!!

"L-lalayuan mo na ba ako lalo? Iiwasan? N-narinig mo yung.. confession ko eh.."

CONFESSION?? You've gotta be kidding me, man!!



"L-lalayuan? Ano ako? G*go? HINDI AH!!!" Natawa siya sa sinabi ko.


HUWAAAAW. Tumawa siya!


May inabot siyang stationary paper. May naka-sulat na pangalan ko. Binasa ko. Ang tagal na nung sulat. May isang taon na kasi may naka-lagay na date. Bakit ngayon niya lang binigay? Pina-pasma ako dito!!


"Dear Ryuji,

 

            Pasensya na, tinawag kita sa pangalan na 'yan kahit hindi naman tayo close. Alam mo kasi, matagal na kitang gusto. Natuwa nga ako nung wala kang mai-sagot sa teacher mo, tapos nagka-titigan tayo. Halos hindi ako maka-galaw nun. Gusto kong matunaw.. Kaso tinawag ka nung teacher mo, tinuro ko na lang yung sagot sa'yo. Pagka-tapos kong sabihin yung sagot, tumakbo ako papunta sa CR.. Doon ako nag0labas ng kilig.. Uhhh. Hindi ko kasi alam kung paano yun ilalabas. Ano ba 'yan. Ang pangit ng laman ng letter na 'to. Mukha bang love letter? Pasensya na, wala akong alam dito. 'Pag nakikita kita, hindi ako maka-tingin sa'yo.. Hindi rin kita malapitan at maka-usap. Sino ba naman ako? Tahimik at simple kumpara sa'yo na sikat at gusto ng lahat. Ang hirap mong abutin. Basta.

 

P.S. Nakakahiya. Siguro hindi ko na 'to mabi-bigay sa'yo.

 

                                                                                                                        --- Zhaira"

 

Kung wala lang siya sa tabi ko, malamng nagpa-gulong gulong na ako dito.


HINDI NGA, MGA TSONG? TOTOO BA 'TO??!!

"I-itapon mo na lang k-kung naba-baduyan ka.. S-Sorry.." Umiyak na naman siya.


Hala? Paano ba 'to? Naman!! Bakit ba hindi ko pa rin masabi ng diretso? Paano ko siya patatahanin? Lintek naman!


"H-Hoy! Tama na, 'wag ka na umiyak utang na loob! Tatalon ako sa rooftop sige k-ka!!" Ang galing ko talagang magpa-tahan. =___=

"E-eh kasi naman.. Na-nakakahiya.." Sabi niya. Ang...... ganda.

"Bakit ka naman mahihiya? Ang cool nga eh. Naka-gawa ka ng ganito. Eh ako, kung hindi pa siguro tayo nagka-usap dito, hindi ko na masasabi. Mas nakaka-hiya ako. Ang angas tapos torpe."


Ngumiti siya. Dapat pala noon ko pa ginawa 'to. =________=



"P-pero hindi nga, m-mahal mo rin talaga ako??" Ang desperado yata pakinggan nun?

Kagaya ng dati, nagka-titigan kami.


Sinuntok niya ako ng mahina.



Takte. Ang ganda niya.


"Tange. Matagal na."



Stuck (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon