Mechanics

322 25 54
                                    

Di man halata, pero book club talaga ito. Hihihi. Pang-drive off lang ng epal yung first page.

The Mechanics

♣ Someone will be assigned to do the list of pairings. Kung sino man ang mapunta sa'yo huwag kang choosy. 

♣ Any story will do. Wala tayong artehan dito sa kung anong genre basta certified na gawang RT. 

♣ One story per round only. Wag kang gahaman. If in case na natapos mo na palang basahin ang story ng partner mo gawa ng ibang bookclub, PM your partner kung gusto niyang palitan yung babasahin mo.  

♣ Kung gusto mo namang ipabago ang story mo sa next pairing, pm us ahead of time. 

♣ Bago mo simulan ang pagbabasa, ipaalam mo muna sa partner mo na kayo ang magkapareha sa week na iyon. Mamaya magpuputok ang butsi mo dahil nag inactive pala ang partner mo bigla.

Comment and Vote. This is a must in every chapter of your partner's story! Huwag naman yung: 'Nice Chap', 'Nice Prologue', 'Exciting', 'UD na po' or worst a smiley or this, " <///3 ". Huwag kang bastos! Dinrawing mo na nga kinrush-outan mo pa ng tatlo. Hindi yan puso. Toooot yan! Isa pa, bawal na bawal ang silent reader sa RT!

♣ Comment Etiquette. Please be friendly in writing critiques / advices. Wag puro mali ang nakikita mo, matuto ka ring mamuri. Let yourself be that writer's encouragement para siya mag-improve. Kung ayaw mong makinig sa payo na ito, magiging star ka talaga sa group chat. Promise!

Responsibilidad mong i-check kung na comment at vote ba ng partner mo ng maayos ang lahat ng chapters sa story mo. Huwag kang papayag na hinahapyaw lang ng basa ang gawa mo. Pinaghirapan mo yan. Ikaw rin. Do not hesitate to pm your partner kung may nakaligtaan siya. Sumbong mo sa amin kung ayaw makinig.

♣ When you are done reading you partner's story, comment "done" on the same page of that particular week's pairing with this sample format:

             Done na po ako kay  @NameniPartner

             Story Title : Kaluluwang itim pa sa kili kili

             Date Finished: Feb. 29, 2040

             Last Chapter: Chapter 100♥ Umutot si Pedring ng rainbow

             Partner's Progress on your story: No comvo on 1-5, 15-99.

(ito ang magsisilbing guide mo kung saan ka nahinto sa pagbabasa sa story niya in case na maging mag partner ulit kayo)

If you fail to comment done, automatic na forfeited na ang slot mo para sa next pairing. PM us for re-signing up.

♣ Walang featured story dito. Nasa RTBOW.

♣ Basahin ng maayos ang mga nakasulat sa taas bago mag-sign up!

-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•

Sign up form!

Kailangan pa nito dahil maraming inactive RTsians this past few weeks.

In the comment box below, please post:

Full title of the Story: 

Author: 

(No links needed.) 

RT Trading DelightsWhere stories live. Discover now