SMUC 37

21.8K 624 181
                                    

"Jusko mauubusan yata ako ng dugo sayo Farrah!"

Inis na sabi ni Abby sa akin. Dahil mula pa kanina umaga nag eensayo na kami sa mga gagawin ko panliligaw kay Zehra.

Si Abby at si Coy ang tutulong sa akin ng iba't ibang paraan at nandito sila sa condo ko ngayon.

Tatlong araw na ang nakakalipas ng huli kami mag kita ni Zehra sa event. Yun din yung araw na sinabi ko sakanya liligawan ko siya.


Paano ba toh? Wala din ako idea sa panliligaw.

Napakamot na lang ako sa kilay ko. "Ang hirap naman kasi ng gusto mo gawin ko." maktol ko.

Di makapaniwalang tumitig sa akin ang dalawa.

"Jusko anong mahirap sa pag tula, aber?" mataray na saad nito at tumayo sa harap ko.

Beast mode on na si Tiyang Abby. Paktay!

"Ang hirap kaya para akong timang." natatawang sambit ko na ikinatawa ng malakas ni Coy sa gilid ni Abby. Hindi bagay sa akin eh! Kulang na lang lagyan niya ako dahon sa tenga. :D

Sinamaan naman siya ng tingin ni Abby kaya huminto siya bigla sa pag tawa.

Terror Abby! –_–

"Eh kung haranahin na lang niya kaya?" suggest ni Coy.

Pwede kaso..

"Hindi ako marunong mag guitara." nakangiwing sagot ko.

"Eh anong kaya mo ba gawin?" napaupo na si Abby sa sofa. Napagod na siguro mamewang :D

Hmm. Ano ba kaya ko gawin?

"MAGLUTO!" napaka brilliant na answer ko. :)

"Gasgas na yan!" sambi ni Coy.

"Luma na yan! Wala na ba iba sayo?" yamot na yamot na sabi ni Abby. Sabagay lagi ko na siya nilulutuan dati pa man. "Eh ang pag sayaw at kanta?"

Umiling ako.

"Anong talent ang meron ka?" parang nauubusan na pasensiyang tanong ni Abby dahil humiga na siya sa sofa.

Talent? Sus nako......edi WALA! Haha

Umisip ako.

"How about I will give her flowers?"

"Ginawa mo na yan. Wag mo na ulitin." tugon ni Abby.

Haist! Wala na talaga ako maisip...

I'm so dead! :'(

Umupo sa tabi ko si Coy at inakbayan ako. "Tol, gawin mo na lang yung sa tingin mo alam nito at kayang sabihin nito." saba'y turo niya sa ulo at puso ko.

Wow si Coy ba ito.

Sabagay may experience na siya panliligaw dahil lalake siya.

Samantala ako first time ko ito gawin.

Pero may tama siya. Gawin ko nalang yung nasasaloob ko. Dahil don may naisip ako na unang paraan na panliligaw ko.

Ngumiti naman ako. "Thanks mukhang may idea nako guys."

Taas babang kilay ko sa dalawa.








"Tanghaling tapat mo talaga naisip?" di makapaniwalang sabi ni Abby.

"Ah! Busy kasi yon kapag gabi na tska pagod. Mas okay na yung ganitong oras di ba." pagmamalaki ko sa naisip ko hahaha.

"Ewan ko sayo! Tska para kang dadalaw sa ospital alam mo ba yon?" natatawang sambit nito.

She's My Ultimate Crush (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin