Chapter 3 : Bad Image

120 19 3
                                    

Author's Note: Sorry kung matagal ang chapter 3.

We'll now know what Mr. Suplado thinks sa story natin. Kaya siya naman ang mag-moment sa story na ito..

_________________________________________________________________________

*CHAPTER 3 : BAD IMAGE*

POV :  NATHAN

boogssh

 May nakabungguan ako dahil nagmamadali akong maglakad. Galing kasi ako sa office ng School Director. Mala-late na din kasi ako sa klase. Ngayon lang din kasi sinabi sa akin na ililipat ako ng section. Sa hinaba-haba kasi ng summer break hindi man lang ako sinabihan.

"sorry.. sorry..

sabay naming sabi nung babaeng nakabunggo ko.

"ayos lang, it was my mistake..

at sabay ulit naming sabi. Ang awkward tuloy kaming tignan. Baka isipin ng mga taong nagsasabayang pagbigkas kami.

 At dahil nagmamadali nga ako, umalis na ako, baka walang katapusang sabayang pagbigkas pa ang mangyari saamin nitong babae eh.

 Pag nakita na lang ulit kami magso-sorry ako ng ayos.

 Pumunta muna ako sa Faculty room at hinanap ang adviser ng lilipatan kong setion para sabay na pumasok sa kanya.

 Pagdating namin ng section 1 nagpaiwan muna ako sa labas ng room para maghintay tawagin ni Ma’am Arcie.

"Good Morning Class!"

sabi niya sa class niya 

"Good Morning Miss Arcie!"

bati naman sa kanya ng mga taga-section 1

"Thank You class. Now, siguro naman magkakakilala na kayong lahat dahil since first year ay magkakaklase na kayo.."

 Oo nga pala, ganun dito sa School na ito, kung anong section ka pagpasok mo ditto, dun ka na, pero pag mataas ang nakuha mong grade pwede ka naman malipat ng section, kaso wala pang napupunta sa section 1 sa mga yun. Ako pa lang.

"Yes, Miss.. ever since naman ganun na dito eh.."

sabi ng isang taga-section 1..

"Well, I know that.. pero this time merong ililipat from section 3 to section 1.."

Oo ako nga yung lilipat ng section 1. At mukhang hindi makapaniwala ang mga taga-section 1. Pinipilit kong sumilip mula sa pintuan sa mga reaksyon nila sa sinasabi ni Ma’am Arcie.

"Is that even possible Miss?"

Napakataray naman nung isang yun. Parang ayaw talaga nila magkaroon ng bagong classmate.

"Class, I know kayo ang Cream of the Crop ng school na ito.. and you know already na walang transferee na nilalagay sa top Section.. Pero last year may transferee tayo na nag-top sa Section 3.. and sad to say.. He's the top 1 student during your 3rd Year and he surpasses your all-time top-1 since first year..

Tama ang nababasa niyo. Ako ang nag-top 1 nung third year kami kaya ako ililipat sa section 1. Transferee kasi ako kaya hindi ako nakapasok sa section 1 last year. At dahil sa event nay an inilipat ako dito.

At lahat ng taga-section 1 ay tumingin sa isang student. Siguro siya ang naririnig kong consistent top 1 since first year sila at laging malayo ang agwat between her and the top 2.

Eccedentesiast's Heart [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon