SME-08

11 0 0
                                    

Tricia's POV

"Sir,diretso ho ba tayo sa bahay niyo?" Tanong ni manong kay daddy

Katatapos lang kasi ng mass


"Sa bahay na tayo" sagot ni daddy

Nagtatawanan lang at nagkukwentuhan kami hanggang makarating sa bahay

Pero bago lumabas ay lumapit si kuya AJ sa akin

"Kailangan nating takpan yang mga mata mo nito alam mo naman siguro," sabi niya saka ngumisi

Itinali ni kuya AJ yung blindfold

Hinawakan niya ako sa braso,

"Kuya,alalayan moko ah!,pag ako nadapa sasapakin talaga kita!" Sabi ko kay kuya habang naka kapit sa kanya at pababa ng van

Ng maka baba na kami sa van ay konting lakad saka huminto siya kaya napahinto na rin ako

Tinanggal niya yung kamay ko na naka kapit sa braso niya

"Hey kuya,pwede na bang tanggalin to?" Tanong ko

Pero walang sumagot

Unti-unti kong tinanggal yung tali saka unti-unting ibinaba yung panyo

Bumungad sa harapan ko yung isang maliit na box na nakalapag sa table dito sa front garden namin

Lumapit ako at may letter kaya binasa ko ito

Hey baby Icia,It's your special day again today I hope you'll be happy in every second of your life..We love you very much Icia so open the little box beside this letter and go to garage we will wait there.Again we wish you a Happy Happy 15th Birthday!!

At sinunod ko nga yung nasa sulat

Kinuha ko yung mallit na box at inopen iyon

At Gosh!!


"Oh My Gosh!" Sabi ko sa sarili ko

Ang laman lang naman nung box na to is car key so ibig sabihin,car ang gift nila sa akin?

Naglakad ako papunta sa garage

At nakita ko ang isang maroon
Nissan Altima Php 1,745,000

At biglang nagsilabasan sina daddy,mommy,at mga kapatid ko

Si daddy ay nakahawak nanaman ng chocolate cake habang si mommy at ang mga kapatid ko ay nakahawak ng banner at balloons

Lumapit siya sa akin

Bigla nalang akong naiyak

"Oh bakit baby umiiyak ka?" Tanong sa akin ni daddy

Lumapit naman si kuya Kian na tatlong lobo lang ata ang hawak saka niyakap ako

"Nung bumisita kasi tayo sa Nissan eh grabe halata sa mga mata mo na gusto mo yan kaya sinabi ko kila daddy at binili naman nila" pagpapaliwanag ni kuya Kian habang naka akbay sa akin

"Dad,mom,guys thank you so much!" Sabi ko sakanila

"Blow again your candles and para maka kain na tayo sa loob,your grandma at grandpa is in there"masayang sabi ni mommy kaya inihipan ko na yung candles saka sabay sabay na kaming pumasok

Pagkapasok ay sinalubong ako nila lolo at mamita

"Ay apo, happy birthday nga pala" pagsalubong ni lolo sa akin saka niyakap niya ako


Niyakap ko rin siya pabalik


Ang swerte ko talaga


"Hmm.. Ang baby ko matanda na, happy birthday apo ko Godbless you and your family always"sabi rin ni mamita saka hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kitchen



Well, ngayon lang ata simple ang birthday ko eh

Kasi last birthday ko ay nag out of the country kami


Even the previous birthday celebrations ay nag a out of the country talaga kami


Pero kahit simple lang ngayon,grabe naman yung gift nila mommy at daddy



Pero bukas, pag nag start na kaming magklase ay magiging busy na din ng sobra sobra sila mommy at daddy


At every sunday nalang kami makakapag bonding


Like last year,dumating yung time na lagi nang nasa ibang bansa si mommy at daddy at nawawalan na sila ng time sa amin.




------------------------------------------------------
Hi po!! 😊😉
,
Sana po magustuhan niyo

Comment po kayo kung may gusto kayong sabihin or if gusto niyo or ayaw niyo yung story ko 😙

-samsam

She's my everythingWhere stories live. Discover now