Chapter 16: Malandi talaga kahit kailan.

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagsitawanan kaming lahat pwera si Sam na naka-smile lang sa akin.

"Walangya! Hahahahahahaha!" tawa ni Vince (di namin kasama si Elisha. May ginagawa daw silang group project kaya pina-una kami) habang pinapalo-palo si Renz. xD

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" si Renz. xD Wagas kung makatawa. Haha. Di rin pansin yung pamamalo sa kanya ni Vince. xD

"Libre mangarap, Sam." sabi naman ni Des habang nakasmile na parang may batang iniintindi ang kakulitan.

Natawa na rin lang ako sa pinanggagawa nila kay Sam. Eto naman si Sam. Walang pakielam sa kanila at naka-smile parin sa akin at kumakain. Grabe, ang takaw ni Sam. Sobra. Di ko lang masyadong pinapansin pero ngayon, sobrang pansin ko na kasi pati yung pagkain kong di ko ginalaw, pinatulan nya. xD

"Sam, o. Hehehe. Si Nathan may bagong fling nanaman." sabi biglan ni Renz habang pinipigilan yung tawa nya. "Baka naman matalo ka na nya sa bilis magpalit ng babae."

"Yaan mo." sabi nalang ni Sam tapos tuluyan ng kinain yung pagkain KO.

Pero di ko na sila masyado pinansin kasi busy kong pinapanuod yung dahilan kung bakit puyat ako. Walang hiyang mga malandi. At talagang nakikipaglandian pa sa harap ko yung hudas na Nathan na yun pagkatapos akong halikan. Nakakakulo lang ng dugo! Grrr.

Don't get me wrong. HINDI AKO NAGSESELOS. HINDI TALAGA. PRAMIS. MATAMAAN MAN NG KIDLAT SI HAMPASLUPANG HANDSOME IDIOT AT YUNG KALANDIAN NYANG OCTOPUS AT MAMATAY. HINDI TALAGA AKO NAGSESELOS. Naiinis lang ako! Paano naman kaya, hahalikan nya yung mga malalanding octopus nya tapos nanakawan nya ako ng halik?! Di ba parang indirect kiss namin yun ng mga octopus nyang malalandi?! Yuck! Ew, ew, eeeew! KADIRI TO DEATH!!

"Huy, Gianna!"

"Ha?!"

"Sabi namin, gusto mo sumamang maglibot tutal, wala namang pasok bukas?" tanong ni Destiny.

"Ah. O sige. Saan tayo pupunta?" I nodded habang pasimpleng tinitignan ng masama yung dalawang malandi.

"Food trip." yaya ni Sam.

"Naman eh! Tataba ako sa alam mo, Sam." reklamo ni Destiny.

Shut Up and Marry Me! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon