ILWMB Chapter 4 Whaaa! Magnanakaw

258 13 1
                                    

AN: {sample text} ----korean (bold only)

       {sample text} ---- Tagalog (bold and italic)

Sue's POV

"Whaaa ate ang ganda naman ng bahay na'to" sabi ko habang pinagmamasdan at nililibot ng tingin ang bahay na titirahan ko.

"oo naman noh. Papabayaan ba naman kita eh mahal na mahal kita. At isa pa big time ang mga boss mo kaya ganito ang bahay na titirahan nila." ate mitch

Umupo ako sa sofa at saka tinanong si ate.

"Sino ba ang amo ko ha ate?" tumabi siya sa akin at saka sinabing.

"S-E-C-R-E-T!!! bwahahahah!!" 'yung totoo? CEO ba talaga itong kaharap at katabi ko? Dinaig pa si Dora sa pagkaisip bata tsk tsk.

"Ate naman iihh.. Sabihin mo na kasi para naman mapaghandaan ko kung paano ko pakikisamahan ang magiging boss/amo ko." pangungulit ko sa kanya.

Sasagot na sana si ate ng biglang tumunog ang phone niya at dali-daling nagpaalam sa akin.

"Sue maiwan na kita dito ha. May urgent meeting kasi ako. Huwag kang kabahan. Mababait ang mga amo mo at for sure magugustuhan mo ang trabaho mo. Pili ka na ng isang room dyan at ayusin mo na ang mga gamit mo. Byayiee sister muah!" tapos nag-flying kiss siya at saka umalis. Yuck! 

Nilibot ko ang buong bahay. Meron itong apat na room. Syempre pinili ko iyong sky blue ang interior paint kasi relaxing siya. Whaa kasarap matulog sa ganyang kwarto. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay nahagip ng mata ko ang phone ko.

I'm Living With My BiasWhere stories live. Discover now