01

4.8K 96 11
                                    


ONE

CHACHA

"Init ng ulo mo, Cha. Meron ka?" I shot a look at Bree, tinaasan ko pa ng kilay. I heard Rodriguez chuckled behind me. Seriously, masungit lang meron agad?

"Nako kelangan na ng lovelife niyang si Cha nang mabawasan kasungitan." Mae added at sinoli na 'yung notebook ko.

"Sige, if I would have my own lovelife, no copying of homeworks na ha?" I mocked.

"Nako Cha, sakit lang sa uli yang boypren boypren na yan eh!" Everyone laugh saktong dumating na sa room ang boyfriend ni Mae, si Vic. Nakatingin samin blankly habang umuupo sa likod ni Mae na katabi naman ni Rodriguez.

"Pre, sakit ka daw sa ulo." Sumbong ni Rodriguez na parang bata. Pero di kumibo si Vic. And we all shut up since we sensed there's really something wrong.

"Sht." Bulong ni Mae. Kami lang yata ni Bree nakarinig since nasa gitna namin siya. Di na lang namin muna pinansin. Ayaw namin makisalo sa away nila.

This is just one of the reasons why I'm single. I don't know if I could handle such situation. And mainly because I'm not used to guys like Vic. Sanay ako sa lalakeng malambing at nanunuyo just like Papa kay Mama Ellie. I guess I would no longer meet another Trick, my brother is quite unique and one and only.

The class started as soon as our always late prof went in. Walang goodmorning such, pinapasa agad ung homeworks and then nagdiscuss na ng new topic. I can hear Andrei getting pissed kasi di niya gets ung integrals something sa calculus namin.

"Huy wag ka mayamot masyado, check mo ung examples ni sir, ganito lang yan.." then I started explaining. As much as many of you hate math, well I don't hate it but I don't love it either. I just know how to go around since Papa (kuya) Trick's ways of solving problems are easier to understand than my professor's.

"Galing mo, Cha! Thanks!" Andrei said and I just smiled back.

"Cha.." Mae called and she too asked how our prof got the final answer. And I gladly explained too.

"Gets?" Tanong ko kay Mae.

"Gets." Narinig ko galing sa likod imbis na si Mae ang sumagot. Tinignan ko naman si Rodriguez at tinaasan ng kilay, ngumiti lang naman siya. Yabang.

"Patutor nga Cha." Sabi ni Nico. First name ni Rodriguez.

"Get a life, Nico." I just rolled my eyes and looked at the board. 'Yang si Nico eh magaling din sa math. Kung ang seatmates ko sakin nagpapaturo, 'yung mga nasa likod namin, sa kanya naman. Kaya I bet nangaasar lang yan eh.

Our other subjects went well. Although bored na bored ako sa Economics at Filipino namin. Seriously, nagrereklamo ako kay Rizal bakit kelangan pang aralin ang El Fili. Lunchbreak at eto na nga, tahimik lang kami sa table with Bree while texting and Mae completely silent.

"Spill it out, bru. Ano ba prob niyo ni Vic?" I asked. Di ako sanay na tahimik tong babaeng to. She's usually the noisiest among us. Daming chismis at kwento.

"We're off right now." Napakunot noo ako habang tinitignan siya.

"No, we're not." Just when I was about to ask eh dumating si Vic along with his friends, mukhang tahimik din. Si Vic din ang pinakamaingay sa grupo nila, pareho maingay tong partners na to eh. Tumatahimik lang kapag may LQ.

"Ano ba talaga?" Bree asked at nakuha na rin ang atensyon mula sa phone niya.

Hindi na nagsalita si Vic, nagtinginan lang sila ni Mae at maya-maya kinuha niya si Mae sa 'min. Lahat kami pinanuod lang silang lumayo.

Romero x Rodriguez #KathNielReadsWhere stories live. Discover now