Chapter 3

40K 1.3K 101
                                    

Yurielainne's POV

"Goodmorning Daddy!" Sabay halik ko kay Daddy pagkatapos umupo ako sa tabi niya. Maganda ang gising ko ngayon dahil sa nangyari kagabi.

"Goodmorning! How's your Sleep?"

Ngumiti pa ako. "Sooo good Daddy!"

"Anong nakain mo Yurielainne at parang maganda ang mood mo ngayon. Himala ngayon ka lang gumising ng maaga?" Tanong ni Mommy sa'kin.

"Nalaman ko kasi Mommy na masarap pa lang gumising ng maaga. Maraming blessing na dumarating."

"Sweetheart, anong ibinigay mo na naman diyan sa anak mo? Masyado mo siyang ini-spoiled."

"Sweetheart wala akong binigay diyan sa anak mo."

"I don't believe you. May inililihim kayo saking dalawa."

Nagkatinginan kami ni Daddy tapos sabay kaming tumawa. Gustong-gusto talaga naming napipikon si Mommy kasi talagang nawawala badinosa niya. Naghigh speech siya at kulang na lang makabuo siya ng isang libro kapag nagsesermon.

"Yurielainne! Mag-uusap tayo mamaya pagkatapos mong kumain." Nakasimangot pa si Mommy sa'kin.

"Sweetheart. May lakad tayo ngayon di ba? Kailagan nating magmadali."

Nasapo niya ang noo niya. Tapos uminom lang ito juice at tumayo. "Magbibihis lang ako." Aniya

Pangiti-ngiti lang kami ni Daddy. Masyado kasing maalaga si Mommy sa katawan alam niyo bang ang greatest fear niya ay ang pumangit siya. Kaya sa itsura niya kanina na parang magninang sa kasal hindi pa daw siya no"n nakaayos hindi pa iyon ang best get up niya.

"Gayahin mo ang Mommy mo Baby maalaga sa katawan." Ani Daddy.

Humaba ang nguso ko habang iniisip kong magiging gano'n ako kay Mommy. Pinilig ko ang ulo ko. "No way Daddy! Ayoko nga parang feeling ko ang bigat ng mukha ko kapag may kolorete."

"But you did it last night. Nagmake up ka. Hindi nga kita masyadong nakilala Baby." Ngumisi pa ito.

"Ginawa ko lang iyon para mapansin ako ng Vampire Love ko." Kinilig tuloy ako ng maalala ko ang mukha ni Teo.

"Baby, i'll support you diyan sa Vampire love mo. But always remember love yourself." Seryosong sabi sa'kin ni Daddy.

Ngumiti ako kay Dadd. "Ofcourse Dad."

"Good!"

Tapos nagpatuloy kami sa pagkain ng almusal. Hinintay kong makaalis sila Mommy at Daddy sa mansion. Pagkatapos no'n. Nagmadali akong sumakay ng kotse. Pupuntahan ko ang Vampire love ko ang Boyfriend ko.

"Wag po maawa ka sa'kin Teo!!" Nakaluhod pa ang estudyante sa harapan ni Teo. Kasama ni Teo ang mga kaibigan niya may mga hawak silang baseball bat. Natapatakip ako sa bibig ng makita ko ang nakakawang itsura ng lalaking nakaluhod sa harap ni Teo. Maga na ang mukha nito na may dugo dahil sa tinamo nitong suntok sa mukha. Putok na din ang labi niya.

"Sila ba gumawa niyan? Kawawa naman."

"Teo, anong parusa ang gagawin natin sa kanila?" Sabad ng lalaking palaging kasama nito.

Saka ko lang napansin na marami pa lang nakalupagi sa kalsada. Hindi ko alam ang pakiramdam kong ito pero humanga ako sa kanila. Apat lang sila ngunit nagawa nilang pabagsakin ang higit labing limang katao. That's really amazing.

Itinapon niya ang Upos ng sigarilyo sa mukha ng lalaki. Tapos umiling. "Boring! Let's go! Mag-inom na lang tayo." Sabay pihit niya patalikod. Sumunod naman ang tatlo sa kaniya at iniwanan ang mga nakahandusay na mga kalalakihan sa kalsada. Nang sumakay siya ng kotse sinundan ko ang sinasakyan nito. Sa una banayad ang takbo ng kotse niya hanggang sa napansin ko ang mabilis nitong takbo. "Gusto mo ng karera ha!" Pabilis kong pinaharurut ang kotse ko hanggang sa maabutan ko siya pagkatapos huminto siya sa isang lumang gusali at pumasok siya doon. Hininto ko ang kotse at sumunod ako sa loob.

I SOLD YOU FOR TEN THOUSAND (TEO LUGEN)Where stories live. Discover now