BGFF(Best Girl Friends Forever) Secret crush of jake

176 15 11
                                    

Holy Angel Gymnasium. Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan na sina Kath, narren, Cyrille, Hannah, & Shy. Its there graduation day in highschool malungkot man dahil magkakahiwahiwalay na silang lima pero may saya parin para sa isat isa. Simula 1st year high school ay magkakaklase na sila pero nang mag 4th year sila ay doon sila nagka hiwahiwalay ng mga sections. Parepareho silang marerecognize. Hindi sa pagmamalaki pero silang lima ay biniyayaan ng katalinuhan ng diyos. They will graduate with flying colors. BGFF ang pangalan ng grupo nila.

“Mamimiss ko kayo!” panimula ni narren sa dramahan. Sabay yakap sa bawat bestfriend nito.

“ayiih.. ako rin grabe! Hindi ako makapaniwala na maghihiwahiwalay na tayo ng landas” dugtong ni cyrille na malapit nang mapaluha.

“walang limutan ha,? Kahit san man tayo mapadpad” sabi ni Hannah na kasalukuyang lumuluha narin.

“oo naman syempre! Ano nalang ginagawa ng facebook, cellphone diba?” sagot ni kath na halatang pigil ang pagluha.

Habang nagdadrama ang mga kaibigan si Shy naman ay palihim na sinusulyapan ang Long time crush nito na si Jake. Simula elementary ay ito na ang crush ni shy dahil sa napaka amo nitong mukha, napaka kinis na balat at matalino rin ito, lalu pa noong nag high school sila. Napaka ganda na ng katawan nito at mas nag matured na ang ityura at ang mas nagustuhan niya dito ay ang labi na hugis puso na para bang kay lambot. kasalukuyan siyang nasa kabilang mundo nang biglang sigawan siya ng mga kaibigan. “Shy!!!”

“grabe. Last day nalang natin si jake parin ang nasa isip mo?” tanong ni kath.

“ownga! Bakit dimo kasi lapitan no?” sabi naman ni Hannah.

“tutal lastday narin naman, ayus lang kahit lapitan mo na siya. Kahit halikan nga puwedi munang gawin e, atleast hindi na kayo magkikita ulit pagkatapos non. Hindi kana mahihiya.” Suhestyon naman ni narren sabay tulak pa sakanyang bewang.

“hoy! Tumigil nga kayo.. kakahiya parin no! ang daming tao oh? Hindi nyo ba nakikita yon?” sagot niya sa mga ito. Pero sa loob niya ay gusto niyang gawin ang idea ni narren. Hindi narin naman sila magkikita ulit non wala nang chance para mahiya pa siya dito.

“sus..! undinial pa e, gusto namang gawin” sabi ni cyrille na parang nabasa ang isipan niya.

“uuyyyy!!! Namumula siya oh!” puna ni narren. Sabay tingin naman lahat ng bestfriend niya sakanya.

“oonga!!! Namumula kana shy!! Grabe!” tukso ni kath at ng iba pa niyang kaibigan.

Alam naman niya na namumula na siya sa mga oras na iyon. Dahil maputi siya agad napapansin ang pagiging macopa ng mga pisngi niya.

“kala niyo naman napaka inosente niyo no? kung diku lang alam may crush din kayo sa mga katropa ni jake e!” pang bubunyag niya sa mga ito. Dati paman ay nagsasabihan na sila ng mga crushes nila. Si Hannah ay may crush sa isang katropa ni jake na si Jave, may ityura din ito at matalino, Si narren naman ay may crush sa isa pa nitong katropa na si Loyd na kasama ni jake bilang basketball varsity sa school nila. Si Kath naman ay may crush sa Cousin ni jake na si Tyler na isa sa mga magaling umawit sa buong school nila, si Cyrille naman ay sa best friend ni jake na si Danny na isa sa mga sikat na dancers sa campus.

“bakit? Crush lang naman ha? Ahaha.” Dipensa ni narren.

“Bakit ako? Crush lang din naman ang sakin ha?” sagot niya.

“crush na may kasamang pagnanasa kamo!” pambabara ni kath sakanya.

Sa lahat talaga nang mga bestfriend niya si kath ang mas nakakakilala nang lubos sakanya dahil naging kababata niya ito. Sabay na silang lumaki at laging magkasama maging sa mga kalokohang ginagawa nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BGFF(Best Girl Friends Forever) Secret crush of jakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon