30 DIARS (part 1)

124 2 2
                                    

Nakaalis na si Kent at lahat pero nakatulala pa rin ako. Nakangiti, walang imik, at ang puso ko...

O, ang aking puso!

Kumakabog-kabog. Parang gusto na yatang lumabas. Oh, my gosh. Ano bang epekto meron 'tong si Kenneth Angustia sa akin? Bakit ba kasi ngayon lang ako nagka-boyfriend?! HINDI KO TULOY ALAM KUNG NORMAL BA 'TO OR ABNORMALISM NA! AHHHH! Pero buti nalang at naranasan ko ma-in love. At least na-realize ko na normal pa pala ako. (^___^ V)

Kung hindi lang siguro ako humihinga, parang china doll na ako. Maputi, singkit tapos maganda! Pero dahil humihinga ako, sinungaling ako. HAHAHAHA!

Why would someone's confidence need to be so damn high?

Bakit ba kasi nauso 'yang pagbubuhat ng sariling bangko? Bakit ba bangko 'yung bubuhat? Lagi bang nakaupo 'yung mga tao? Eh, may mga tao naman na mas prefered ang tumayo hindi lang dahil gusto nila kundi dahil nagpapatangkad din sila.

Dahil bored na ako kakangiti mag-isa at kakaisip ng kung anu-anong kabaliwan kasama si Kenneth my labs (*O*), I grabbed my phone from my back pocket. Chineck ko kung anong oras na and realized that it has been more than two hours since Kent said he's gonna buy foods. Kumunot ang noo ko.

Where the hell is he? I asked in my mind. Baka naman... No, no. Wag ka munang mag-isip ng kung ano, MM. Chill, babalik din 'yun. Just be patient.

I took a deep breath to calm my nerves. I smiled all by myself to give assurance to myself.

*BRRRRRRRRRRRRTTTTTTTFFFFFFTTTTTTTT*

Napahawak ako sa mukha ko, buti nalang at ako lang mag-isa rito. Grabe, gutom na 'ko. Hihilingin ko sana na may gwapong stranger na mapadpad para may makausap naman ako kaso naalala ko ang sabi nga pala ni Kent, "Hintayin mo 'ko, ha? H'wag kang makikipag-usap sa strangers."

"Aray, teka! Ano ba?! Saglit lang kasi!" napaangat ang tingin ko nang marinig ko 'yung boses na 'yun. Grabe, ang husky *O* Ang gwapo ng boses niya, EMHEGHED. Sana hindi lang boses ang gwapo sa kaniya.

Lumingon and, oh my! *O* Ang gwapo, men! Nanigas yata ako sa kinauupuan ko pagkakita ko doon sa lalaking gwapo. May kasama itong babaeng cute, maliit kasi siya kaya cute. Okay, ang sama mo, MM. kala mo naman ikaw matangkad. Anyway, napansin ko na papunta sa direksyon ko 'yung dalawa kaya hindi ko maialis ang tingin ko sa mga ito. Nagtutulakan ang mga ito and I found it cute, parang kami lang ni Kent. I couldn't help but smile.

I feel like rolling on the ground with my hands on my chest and just keep on thinking about me and Kenneth and how we'd gonna be years from now and how cute we would look and how many kids we're gonna have and how I'd cook and he'd kiss me before he goes to work and---

Okay, stop. Hindi nga pala ako marunong magluto. Anyway, nagulat ako nang mapansin ko na nakatayo na sa harap ko ang dalawa.

"Yes?" nakangiting tanong ko sa kanila, but the expression on their faces made my smile disappear. The nervous expressions made my heart beat fast and I took a sharp breath as they try to fumble how to say the things they have to.

*3RD PERSON'S POV*

"Miss, may itatanong sana kami sa'yo."

"Miss, pasensya na talaga sa istorbo pero kasi---"

"Star, stop it. This wouldn't be a disturbance." iritableng sabi na nu'ng lalaki.

"Pero kasi-"

"Excuse me," putol niya sa pinaguusapan ng dalawa. Nagsisimulang na siyang mainis sa mga ito. Hindi nakatulong ang mga ito sa pag-aalala niya kay Kent, dinagdagan lamang ng mga ito ang pangamba niya dahil sa mga sinasabi ng mga ito. Hindi man niya aminin ay kinukutuban na siya ng di maganda ngunit pilit niya lang iwinawaglit iyon sa kaniyang isipan. "Do you mind?"

30 Days In A Relationship StatusWhere stories live. Discover now