3 ❤ SIYA ❤

993 18 6
                                    

  ❤ Siya❤

___ ___ ___ ___ ___

❤ CRISTINA’S POV ❤

___ ___ ___ ___ ___

Nakataas lang ang isa kong kilay habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Kaharap ko na nga siya ngayon. Akalain mo’t pinababa pa niya talaga ako para puntahan lang siya sa labas ng library? Nakakapagod pa kayang bumaba ng hagdan mula third floor. Tss. Napaka abala talaga nitong Manansala na ‘to sa buhay ko!

“Hi Cristina!” napaka energetic niyang bati sa akin. Mukha siyang bata ngayon na nakakita ng candy. Napaka muntanga ng mukha niya. Inirapan ko na lang siya, hindi naman ako nasisiyahan sa ginagawa niya. Psh!

Nag crossed arms ako bago magsalita, “O? Bakit ang tagal mo?!” mataray kong tanong sa kanya.

Kinamot niya ang ulo niya bago magsalita, “Hehehe, nag strolling pa ako.” tapos ngumiti ulit. Pa as if naman na cute. Duh!

“Strolling? Edi sana di ka na tumuloy.” inirapan ko siya ulit.

“Siyempre, di kita iindyanin sa date natin Cristina.” aniya pa at ngumiti na naman. Hindi ba siya nangangalay? Paulit ulit na lang siya sa ginagawa niya. Nakakasawa na nga ang pagmumukha niya e. Ano ba talaga ang problema niya’t kanina pa siya ngumingiti sa akin? Ni hindi nga ako ngumingiti sa kanya.

“Baliw ka talaga Manansala noh?”

 

“Oo e baliw sa—“

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil tinakpan ko ang bibig niya gamit ang right hand ko. Alam ko kung ano ang sasabihin niya e! “Tumahimik ka na nga. Hindi ka nakakatawa.” sabi ko.

Ngumiti siya ulit habang nakatakip ‘yung kamay ko sa bibig niya. Muntanga talaga ‘to kahit kailan. Pero nabigla na lang ako nang -----

“Hoy! Hmppp! Ahhh!” nakakainis siya! Nagawa niyang halikan ang palad ko!? Smack lang naman pero bakit!? Bwiset siya! Diring diri na ako dito! Putek. Kaya dali dali ko nang binawi kamay ko at inilagay ito sa gilid ng beywang ko. Palihim ko itong  pinunasan ng panyo ko! Yuck! Ew! Kadiri talaga siya! Gulat na gulat pa rin ako sa gingawa niyang ‘yon!

“Hahahaha. Ang cute cute mo rin palang mainis Cristina.” aniya pa na pangiti ngiti lang. Kinuha ko ang hand sanitizer sa bag ko at agad na inilagay ang buong laman nito sa palad ko! Nakakainis! Baka may virus ang Manansala na ‘to! Baka mahawa pa ako!

Inis na inis na akong pinupunasan ang kamay ko. Nakakabwiset ‘yung ginawa niya e! Bastos talaga ‘tong lalakeng ‘to.

“Uy, akin na. Ako na magpupunas—“ pilit niyang kinukuha ang panyo ko na hawak hawak ko at hinawakan niya na rin ang isa kong kamay. Napaka corny noh? Anong tingin nito sa’kin? 1 year old? Di marunong magpunas ng kamay?

Ikaw na na na na ♫♪♫ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon