My Angel or My Gangster Chapter 1

988 23 11
                                    

CHAPTER ONE

“I want to be with you. I love you” – Zernich

“Yes! Napa ‘I love you’ ko din tong character na to!! Woooh!! 2 months ko din tong nilaro!” Sigaw ko.

Naglalaro ako ng “Dating-simulation game” sa ipad ko habang nakaupo sa park magisa. 'My Guardian Angel' yung title ng game. nakakatuwa to laruin kasi nakakainlove yung mga characters at yung mga drawing. Feeling ko nasa anime world na rin ako. nakatitig lang ako sa screen at pinagmamasdan ang ending song ng game. Tapos na kasi ang game once na ma inlove na sayo ang character. Happily ever after na kasi.

“Ano na naman ba iyang isinisigaw mo jan Alfia Noviche?” Sigaw ng isang lalaking nakamotor.

“Ano ba yan! Nakakainis ka naman e. ayoko nga na tinatawag ako sa full name ko. Alfie na lang ok?” Sigaw ko sa lalaki. Bumaba siya sa motor at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang ipad ko.

“Eh ano ngayon? Tawagin mo din ako sa full name ko para fair. Ito parin ba yung nilalaro mo? Antagal na neto ah?” Ngiti niya.

“Ewan ko sayo Clarke Dallas! Akin na nga yang ipad ko! pinapanood ko pa yung ending eh.” Sigaw ko sa kanya at kinuha ko ang ipad at itinago na sa bag ko.

Si Clarke ang best friend ko at kababata ko. magkaibigan kasi pareho ang mga parents namin. 4th year college na kami at graduating na rin sa wakas! Yun nga lang, may problema. Eto kasing si Clarke, badboy! Gangster! Siga sa school kaya laging napapaaway. Lagi tuloy may follow up class at extra activities na kelangan tapusin para maka graduate.

Minsan nga lang, nakakainis kasi imbis na mag tino, aba at ginagamit nya pa ang napaka gwapo niyang face para mang akit ng girls at magpagawa ng assignment! Grabe talaga tong kaibigan ko, palibhasa gwapo at malakas ang appeal at charisma e andaming nahuhumaling sa kanya. Gayun pa man, hindi niya ako madadaan sa pambobola niya at sa kakisigan niya. Kilala ko siya noon pa simula pa ng mga uhuging bata pa lang kami.

“Oh ba’t nakatitig ka sa akin? Siguro naiinlove ka na rin sakin tulad ng ibang mga babae ano?” Tanong niya at inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko.

“Haha excuse me? Ako maiinlove sa iyo? E maalala ko lang yung itsura mo nung bata pa tayo, lalo na nung umiiyak ka sa harap ko dahil inagaw ng kuya ko ang candy mo e natatawa lang ako. haha!” Tinawanan ko siya. batang isip pa kasi tong si Clarke. Pareho lang kaming 18 years old. Yung porma niya pag nasa school kami, siga talaga. Minsan pa nga, hineram niya yung leather jacket ng kuya ko at sunglasses para mukha daw syang bad boy! Haha pero sa totoo lang, mabait naman tong bestfriend ko.

“Bakit ka pala napadaan dito?” Tanong ko sa kanya.

Madalas kasi, ganitong oras ay kasama niya ang mga tropa niya dun sa “motorcycle club” nila. Mahilig kasi tong si Clarke sa mga kotse at motor kaya nagtayo siya ng club. Balak pa nga niya akong isali doon kaso ayoko sa mga ganyan! Ang hilig ko, anime at games at cosplay, manga, books, novels at kung ano ano pa.

Otaku ako e! So may sarili din akong club. 'Otaku club' ang name ng club namin. Nakakatuwa diba? Open kasi ang school namin sa mga ganitong activities kaya pede din kami mag tayo ng mga club basta yung mga club masters ay matataas ang grades.

*Ehem Ehem*. Pareho kaming scholar ni Clarke! Yung nga lang, dahil sa pagiging badboy niya, medyo nagdedelikado na ang scholarship niya.

“Ah, yung mga kumag na yun. Usapan namin ay aayusin namin yung room 4A para sa event namin next week. Ididisplay namin yung bagong assemble namin na motor kaso mga tinamad! Nakakainis.” Sabi niya.

My  Angel or My GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon