Chapter Nineteen: Pag-ikot Ng Gulong Ng Tadhana

7.1K 227 5
                                    

-Ayesha-

HINDI kami nagtagal sa abandonadong bahay. Kinuha lang ni Zion ang malaking bag niya tapos naglakad na kami palayo. Hinawakan niya ako sa braso. Sinisiguro lang ba niya na hindi ako makakatakas? Mula kasi nang may tumawag sa kaniya hindi na siya nagsalita at parang galit na ang ekspresyon. Hindi rin ako nagsalita kasi iniisip ko pa rin kung sino ang kausap niya sa cellphone.

Pero nang matagal na kaming naglalakad at nahihirapan na ako kasi hawak niya ang braso ko at higit na mas malalaki ang mga hakbang niya kaysa sa akin binasag ko na ang katahimikan. "Nahihirapan ako sa paghatak mo sa akin ng ganiyan. Matitisod ako."

Huminto si Zion at pinakawalan ang braso ko. Hinaplos ko agad ang bahaging hinawakan niya kanina.

"Hindi tayo pwedeng babagal-bagal. Malayo pa ang lalakarin natin. Mamaya lang madilim na at lalabas na ang mga mabangis na hayop. Hindi na rin makikita ang daan. Kailangan bilisan," inis na sabi niya.

Nainis na ako. "Alam ko naman na kailangan magmadali. Pero sa kakahatak mo sa braso ko, mas mapapatagal kung madadapa ako. I'm not trying to be difficult here. Nagsasabi lang ako ng totoo."

Marahas na bumuga ng hangin si Zion. "Oo na. Liliitan ko na ang mga hakbang ko." Pumihit na siya paharap sa daan at nagsimula na ako maglakad nang mabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa mga kamay namin. Mukhang napansin niya ang reaksiyon ko dahil kumislot ang mga daliri niya na para bang nag-iisip siya kung aalisin o hindi ang kamay. Pero nang mukhang nakapagdesisyon kung ano ang gagawin humigpit ang hawak niya sa akin. Malakas siyang tumikhim. "Hindi tayo pwedeng magkahiwalay. Wala akong enerhiyang hanapin ka," pabalang na sabi niya. Saka ako hinila pero mas maingat na kaysa kanina.

Natahimik na naman kami. Ni hindi niya ako nililingon. Kung hindi tuloy sa mga paa namin sa likod niya ako napapatitig. Hanggang sa huli hindi ko na napigilang tingnan ang magkahugpong naming mga kamay. Mas malaki ang kamay niya kaysa sa akin. Magaspang ang palad niya na para bang banat siya sa pisikal na trabaho. His grip is firm and strong.

Alam ko na hindi tama pero bakit ngayong hawak niya ang kamay ko pakiramdam ko ligtas ako? Mali 'yon dahil siya nga ang dahilan kaya ako naroon hindi ba? Siya ang banta sa kaligtasan ko. So why does it feel as if I've been waiting for his hand to hold mine even before we met?

Kumurap ako at naalis ang tingin ko sa mga kamay namin nang marinig ko na ang lagaslas ng talon. Ilang hakbang pa nakabalik na kami sa lugar kung saan kami nagpalipas ng gabi. Nahigit ko ang hininga. Iba kasi ang hitsura 'non ngayong hapon na at nagkukulay orange na ang kalangitan. Sinasalamin ng tubig sa ibaba ng talon ang kulay ng langit habang ang bumubuhos namang tubig mula sa kabundukan kumikinang sa repleksiyon ng liwanag ng araw. It was breathtaking.

"Hanggang ngayong gabi lang tayo dito. Bukas ng umaga aalis na tayo," sabi ni Zion na binitawan na ang kamay ko at naglakad patungo sa ilalim ng isang puno kung saan niya ibinaba ang malaking bag.

"Saan tayo pupunta? Ibabalik mo na ba ako sa amin?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kaniya.

Umismid siya at dumeretso ng tayo. "Kailangan ka pa namin." Nilingon niya ako. "Kapag oras na ibabalik din kita."

"Oras na? Kailan 'yon?" kunot noong tanong ko.

Himbis na sagutin ako nagkibit balikat lang siya. Inalis niya ang tingin sa akin at bigla na lang hinubad ang suot na t-shirt. Gulat na napatalikod ako. "Bakit ka naghuhubad?!"

"Basang-basa ako ng pawis at maalikabok ang katawan ko. May tubig dito na pwedeng liguan kaya maliligo ako," inis na sagot niya. "Kapag sinubukan mo akong takbuhan, itatali kita sa isa sa mga puno dito."

MOON BRIDE [2017 PHR NOVEL OF THE YEAR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon