Meron Ka Noh? (One Shot)

189K 4.3K 1.6K
                                    

Meron Ka Noh?

Nakakainis talaga! Ngayon pa ako dinatnan. Swimming pa naman ng buong section namin sa beach. Balak ko pa naman sana magbikini. Char! Balak ko sana sumali sa beach volleyball nila, kaso paepal na puberty, di marunong makisama ang gaga!

Kaya ngayon nandito tuloy ako sa kubong nirent namin, mag isa, basang basa sa ulan. Ay este, sa tubig pala. Uyy di ako nag swimming ah, baka akalain may pating sa dalampasigan at nakagat ako. Pano ba naman kase ang bestfriend kong beki na si Fernando, inggit yata ang bakla dahil wala siyang matris, winisikan ba naman ako ng tubig! Sinabe ko na lang sa lahat na masakit ang ulo ko kaya dito muna ko sa kubo.

Nakashorts lang ako at bikini top habang habang pasimpleng lumalamon ng baong pagkain ng mga kaklase ko at habang ninanamnam ang sakit ng puson ko. Nang makislapan ako ng kumikinang na muscles ng ultimate kras kong si Art, tinatamaan kasi ng araw yung muscles nya habang nag se serve siya ng bola sa men's volleyball nila.

Pag napapatingin siya sa gawi ko, iniirapan ko agad siya at nag iiwas agad ng tingin, pero nakikita kong kumikindat pa siya. Nakakahiya naman! Baka nakakahalata na siya!

Hmm. Mukhang di rin masama ang maiwan dito. Si Art talaga ang ideal man. Napaka gentleman, palangiti, mabait, lahat na... pwera lang sakin! Hmp! Araw -araw niya ko kung alaksahin at pagtawanan. Pero kahit ganun, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko, char! Lalo na pag ngumiti siya. Best asset niya talaga yung ngiti niya at mapuputi niyang ngipin, mas maputi pa sa kili-kili ng iba kong kaklaseng babae na nag v-volleyball din sa kabilang banda.

Haaay kelan kaya ako mapapansin ni Art. Ang cute niya nung pinalo niya yung bola ng malakas at tatama na sakin... haaay, ang hot talag--- TEKA! TATAMA SAKIN! WAAH!

*PAK*

Tumama sa braso ko yung bola. Ansakit parang namanhid ang buong pagkatao ko dun!

"Langya! Sinong kutong lupa ang bumato non!" Sigaw ko at napatayo ako agad, nahulog pa yung kinakain kong marty's. Nakita kong nagsilapitan yung mga kaklase kong lalaki, pero nauuna si Art. Hanggang maalala kong siya nga pala yung nag serve. Antokwa!

"Sabrina!" Tawag ni Art, ayokong tinatawag ako sa buo kong pangalan, pero pag sakanya, walang ayaw ayaw. Uyy concern ata siya!

"Sab! Ayos ka lang?" Sigaw nung iba ko pang kaklaseng lalaki.

"Sabrina!" Tawag ulit ni Art nung makalapit na sya. Sasalubungin ko sana siya ng yakap at sasabihing 'Yes Art beybe?' Kaso biglang humagalpak ng tawa ang mokong. Natauhan tuloy ako bigla sa pangangarap.

Nangunot ang noo ko "At anong nakakatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay at pumamewang. Kala ko pa man din concern siya.

"Hahaha! Ang engot mo naman kase! Di ka umilag!" Tas tumawa ulit siya at napapahawak pa sa tiyan niya. Lalong nangunot ang noo ko. Kita niyo na! Pero pag sa iba yan mag so-sorry na siya at bibigyan nya ng nakakatunaw na ngiti. Pero ako pinagtawanan lang! Pinulot ko tuloy yung bola at sinapol ang ulo niya.

Nagulat naman siya at napatigil sa pagtawa. Ansama parin ng tingin ko sakanya.

"BOOM! Sapol ka pre!" Sabe nung iba kong kaklase at nagtawanan sila.

Ngumisi lang si Art at sinuklay ng kamay niya yung buhok niya "Sige na mga pre, ako na bahala kay Sabrina, bumalik na kayo sa paglalaro" Sabe niya. Mygoodness! Kaming dalawa na lang ang matitira sa kubo. Ano nang mangyayari neto? Omy! Excited na ko! Excited na kong batukan siya sa ginawa niya. Hayup siya! Hayup sa kagwapuhan. Hihi!

"Masakit yun ah! Bakit mo ko binato?" Sabe niya sakin pagkaalis na pagkaalis nung iba kong mga kaklase. Gulat naman daw ako sa tanong nya. Haleeeer? Ako dapat ang nagtatanong niyan! Nakangisi siya habang palapit siya ng palapit sakin. Ohmygosh! Ba't siya lumalapit! Napapaatras naman ako dahil di ko alam ang gagawin niya.

Meron Ka Noh? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon