Apostle Thirteen

160 8 6
                                    

Ako'y nasa magulong mundo

Dahas at dugo'y nagkalat dito

Bigla kang pumasok

At lalo itong gumulo

Hindi ko na namalayan

Puso mo'y nasungkit ko na

Ngunit problema'y dumaan

Ako'y nawalan ng alaala

Nakalimutan man kita

Puso ko'y pilit na umaalala

Mundo kong nalimutan

Pilit na binabalikan

Ngunit sa pagkawala

Ako ay may nakilala

Siya'y nakigulo rin

Sa puso kong masikip

Bakit ba kailangang

Mawalan ng alaala

Ikaw tuloy ay

Napalitan niya

Ngunit...

Nakalimutan man kita

Puso ko'y pilit na umaalala

Mundo kong nalimutan

Pilit na binabalikan

Away at gulo

Sakit at hirap

Lahat ng 'yan ay dinanas ko

Kailanma'y di nakamtan ang sarap

Dahil...

Nakalimutan man kita

Puso ko'y pilit na umaalala

Mundo kong nalimutan

Pilit na binabalikan

Puso ko'y nahati sa dalawa

Sino bang dapat isalba

Taong inalay ang lahat

O taong nagmahal ng sapat?

Song For My FavoritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon