Chapter Six - Magkaaway na naman...

1.1K 19 3
                                    

“She’s my girlfriend.” Napatingin kami pareho kay Darius. Lumapit siya sa amin. “May problema ba?”

“Wala naman bro. Sige mauna na ko.” Tapos umalis na agad yung guy.

“I’m not your girlfriend okay. Tigilan mo na sabi ang pagpapakilala mo na gf mo ko.”

“Ano bang masama doon, it’s part of our deal diba?”

“Ang usapan natin makikipagbalikan ako sayo para ayusin ang name mo sa school. Nasa labas na tayo ng school, bakit kailangan pa nating magpanggap?”

“Sino ba ang nagpapanggap? Alam mo ganito naman talaga ako eh. Kung papaano mo ako nakilala, ganun talaga ako. Eh ikaw? Ikaw lang naman ang nagbago eh.”

“Ano?”

“Hindi ko nga alam kung alin ang totoong Lauren Yana Eleazar eh. Yung una ko bang nakilala o yung kasama ko ngayon. Sabihin mo… nagpapanggap ka lang ba na isang sweet-girl dati o nagpapanggap kang isang mean-girl ngayon?”

*SLAP*

Oh my gosh! I slapped him!

Kita kong nagulat siya sa ginawa ko, pero kahit ako nagulat din.

Okay. This is the first time na nanampal ako. Hindi ko talaga gawain ito pero sobra na kasi yung sinabi ni Darius eh. Naginit talaga yung ears ko sa narinig ko. Sobrang pagju-judge na yun!

“Alam mo yung sinasabi mo, pareho namang ako yun eh, depende lang yun sa kaharap ko. Yung Sweet-Yana na nakakilala ng isang Player-But-Nice-Guy, totoo naman yun eh. Pero noong malaman niyang ang lalaking iyon pala is not only a Player but also a JERK, naging MEAN ako. Alam mo Mr. Darius Villamor, hindi mo naman ako kilalang-kilala kaya wag mo kong i-judge.”

Tapos ay umalis ako at iniwan ko siya. Oo, nag-away na naman kami ngayon. At siguradong bukas, makaaway pa rin kami.

Kinabukasan, pagpasok ko bumalik na sa tabi ko yung dati kong katabi. Si *toot* (ayokong sabihin yung name niya) bumalik na din sa dati niyang upuan. Mabuti naman kung ganon.

Ayun, buong araw kaming hindi naguusap o nagpapansinan man lang. Tinatanong ako nila Irish at Piero pati na yung iba pa naming classmates pero change topic agad ako. Hindi ako pwedeng magsabi kung hiwalay na kami o hindi, dahil naka-black mail pa rin ako. Bahala siya sa buhay niya! Basta ako, kung hindi niya ko papansinin, eh di wag. Ako din, mas gusto ko nga yun eh.

Kinabukasan ganoon pa rin. Hahaha… Okay lang sakin. Balik lang sa dati kong buhay. Walang makulit. Walang naggugulo. Walang nangpapahiya. Walang libreng lunch. Hmmp. Eh ano naman? Mas okay nga eh. Mas peaceful ang life…

Kainis!!!!!

“Uy Yana okay ka lang ba?” tanong ni Irish. “Two days na kayong hindi nagpapansinan ah.”

“Miss mo na siya no?” si Piero.

“Hinde noh. Never.”

“Ayan siya nakatayo sa likod mo oh.”

Mabilis naman akong napalingon sa likuran ko.

Teka, WALA naman eh. Pagtingin ko ulit kay Piero, halos mautas na siya sa pagpigil sa tawa niya.

Pshhh… Pinagti-tripan lang pala ako nitong si Piero eh. Kainis, naloko niya ko.

Lovers QuarrelWhere stories live. Discover now